Chapter 6: Handkerchief"Bobo mo naman Janxi!"
Nagpapadyak-padyak ako sa higaan dahil sa inis. Nakakainis talaga yung ginawa ko. Jusko po, bakit pinanganak akong bobo?!
Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa ginawa ko. Pakiramdam ko ako na yung pinaka tangang bobo na tao. Hardcore 'diba?!
Nakakainis talaga! Bakit ko ba 'yon sinabi?! Oo crush na crush ko si Aki pero nakakahiya naman yung ginawa ko.
Tumayo ako at umupo sa vanity sabay nakapangalumbabang humarap sa salamin. Inalala yung nangyari kahapon.
"Ayos ka lang crush?"
Napatakip kaagad ako sa bibig ko dahil sa sinabi ko. Oh my gosh sinabi ko bang crush ko siya?! Wait! Kalma self. Oh my gosh!
Parang gusto ko na lang magpalamon sa lupa dahil sa kahihiyan. Nakakahiya talaga!
"What?!"
Pulang-pula na yung pisngi ko nang humarap ako kay Aki. Hindi niya narinig?!
Nakahinga naman ako ng maluwag, mabuti na lang at hindi niya narinig dahil kung narinig man niya. Nako, pakamatay ka na Kaitleen!
"W-Wala"
Umiwas kaagad ako ng tingin sa kaniya. Nadinig ko pa yung pag buntong-hininga niya. Jusko po, baka magalit na sa akin si Aki! Bad moves ka Kaitleen, bad moves!
"Dapat hindi ko na 'yon sinabi! Bobo mo talaga Kaitleen!" halos sabunutan ko na yung sarili ko dahil sa inis. "Bobo mo!"
Napatigil lang ako nang biglang may kumatok, sunod-sunod. Agad akong tumayo at binuksan 'yon. "Bakit?" tanong ko kay Kuya. Napangiwi siya sabay bumuntong-hininga at naglakad papasok sa kwarto ko.
Umupo siya sa kama ko at tumingin sa akin. Sinarado ko muna yung pintuan ko at umupo sa vanity sabay magkakrus ang braso na tiningnan siya. "Bakit kuya?"
"Nyare sayo?"
Nagbuga muna ako ng hininga bago magsalita. "Nakakainis kuya, muntikan na ako mabuking ni Aki!"
"Bakit, ano bang ginawa mo?"
At kinuwento ko nga sa kaniya yung nangyare kanina. Natatawa siya sa mga sinasabi ko.
"Mapapahamak ka talaga dahil diyan sa bunganga mong walang preno!" asik niya. "Alam mo, dapat hinay-hinay lang, ayaw niya pa naman sa maingay"
Napakunot yung noo ko sa sinabi niya. "Paano mo naman nasabi?"
Natigilan siya at unti-unting iniwas yung paningin niya sa akin. Nagtaka naman ako.
"S-Siyempre, y-yun yung mga a-ayaw namin" nagtaka pa ako lalo dahil nauutal siya.
Hindi kaya, kilala niya si Aki?! Pero imposible naman kung kilala ni Kuya si Aki. Sa iba nag-aaral si Kuya kaya imposible talagang magkakilala sila.
Napaparanoid ka na naman Kaitleen kung ano-ano pinag-iisip mo!
Napailing na lang ako at humarap sa salamin ngunit unti-unting sumilay yung ngiti sa labi ko nang maalala yung titig ni Aki sa akin kanina. Suprr kinilig talaga ako 'dun.
Nakangiting napangalumbaba ako sabay buntong-hininga at kinuha yung litrato ni Aki. "Kailan ka ba magiging akin? Paano ba kita makukuha?"
"Hindi magiging sayo siya"
Unti-unting sumalubong yung kilay ko nang magsalita yung epal na Kuya ko. Inikot ko yung swivel chair ko at hinarap siya. "Sinabi ko bang sumabat ka? Hinihingi ko ba opinyon mo?"
YOU ARE READING
How Can I Get You?
Romance"Stop loving me, you're not my type! So please fucking leave me alone!" Cover is not mine. Credits to the rightful owner.