Chapter 8: What are you doing here?"Hindi siya pwede, may ka-partner na siya. Maghanap ka na lang ng iba dahil nauna ako sa kaniya."
Natigilan ako sa sinabi ni Aki. Hindi ko na napigilan yung sarili ko na mangiti dahil sa sinabi niya. Bumilis na naman yung tibok ng puso ko at mas lalong bumilis 'yon nang bumaba yung tingin niya sa akin.
Wala pa rin akong mababasang emosyon sa mukha niya at nanatili itong blangko. "Hindi mo man lang hinintay yung sagot ko, naghahanap ka na ng iba" aniya sabay tumalikod sa akin at umupo na sa upuan niya.
Naiwan naman akong nakanganga. Oh my gosh! Totoo ba yung narinig ko?! Hindi ako makapaniwala! Sinabi niya ba talaga 'yon?!
Kumurap muna ako ng dalawang beses bago bumalik sa upuan ko. Hindi ko magawang lumingon sa kaniya dahil sa kilig na aking nadarama. Napakalandi ko talaga, kahit dito sa eskwelahan, dala-dala ko.
****
"Sanaol nakakapartner crush nila 'diba" sabi ng kaibigan kong si Arielle.
Matagal ko na siyang kaibigan, kaming tatlo nina Ressa. Matagal na kaming nagkakasama pero nang dahil sa school ay hindi na kami masyadong nagkikita. Busy kasi sila sa mga worksheets nila habang ako ay busy kung paano mapapasakin si Aki.
Nandito kami ngayon sa Luneta, nakatambay. Dito na din kami nagdesisyon na magkita sa kadahilanang, dito na malapit nakatira si Arielle kaya naman kami na yung nag-adjust sa kaniya.
Nakaupo kami sa sahig habang pinagmamasdan yung fountain. Kinuwento ko sa kanila yung tungkol sa amin ni Aki. Yung tungkol sa pagpayag niya na maging kapartner ko siya para sa gaganaping interview. Wala pa kaming napag-uusapan niyon.
"Diba, sabi ko sa inyo, mahuhulog sa akin 'yon e" I giggled and flipped my hair.
Napailing na lang sila. "Ang assumera mo naman, pumayag lang maging ka-partner akala mo naman pumayag nang maging jowa mo" sabi ni Reesa.
"Duh dun na din papaunta 'yon kaya wag kayong mangontra" determinadong sagot ko sa kanila. Tiningnan ko ulit sila. "Alam niyo, para masaya, dun na lang din kayo mag-aral sa school na pinapasukan ko, maganda dun. Maayos pa"
"Pag-iispan ko, sosorpresahin ka namin 'dun para masorpresa ka" bobong sagot ni Arielle. Napangiwi ako.
Kahit kailan talaga, hindi ko na nakausap ng maayos 'tong kaibigan ko na ito. Napakagulo!
"Basta dun na kayo pumasok, isang linggo pa lang naman yung klase e"
"Ako, hindi ako pwede, dun ako sa school na pinapasukan ni Tyron. Dun lang ako kasama niya"
"Alam mo ikaw" duro ko sa kaniya kaya napaiwas siya. "Wag ka nang umasa sa kuya ko, hindi ka magugustuhan niyon. Tigilan mo na. Iba gusto niyon" pang-aasar ko sa kaniya.
Napahawak siya sa dibdib niya na animong nasaktan. "Alam mo, ang hurt mong magsalita ah"
Natawa kaming dalawa ni Arielle saka nagpatuloy na lang sa pagkain namin.
Napatingin ako sa paligid at sakto namang pagtingin ko sa gilid ko ay kusang nanlaki yung mga mata ko nang makita si Aki.
He was wearing black denim jacket and a pair of pants. Nakapasok pa yung dalawang kamay niya sa bulsa ng jacket niya habang naglalakad.
Nagtaka ako nang tingnan siya na parang may hinahanap. Kinalabit ko yung dalawa. "Uy! UY!"
"Bakit?" tanong ni Arielle habang sumusubo.
"Andito siya"
"Sino?" napakunot yung noo nila.
"Andito si Aki" kinikilig na sabi ko.
Agad naman silang nagpalinga-linga sa paligid para hanapin si Aki saka ibinalik ang tingin sa akin. "Wala naman ah"
"Ayun si—" kusa akong natigilan nang pagharap ko sa gilid ko nang makitang wala na si Aki. Nagpalinga-linga ako pero wala na siya.
"Sus, pati ba naman dito pinagpapantasyahan mo na si Aki" natatawang sabi ni Reesa.
"Hindi, andito talaga siya. Nakita ko talaga siya"
"Aysus, kumain ka na lang babaita ka. Walang Aki dito okay?" si Arielle.
"Andito nga siya" pagpupumilit ko.
"Hay nako bahala ka diyan" sabi nilang dalawa sabay nagpatuloy na lang sa pagkain.
Bumuntong-hininga ako sabay lumingon ulit sa gawi kung saan ko nakita si Aki pero wala na talaga siya.
Si Aki ba talaga 'yon? Baka naman namamalikmata lang ako?
Pero alam ko talaga si Aki, siya talaga ' yon. Sigurado akong siya talaga 'yon.
Pero nakaramdam ako ng pagtataka. Ano nga bang ginagawa ni Aki dito? Sino naman pupuntahan niya?
Nako Kaitleen, wag kang mag-isip ng iba, malay mo may kasama siya na hinahanap niya diba. Ayan ka na naman sa pagiging assuming mo e..
YOU ARE READING
How Can I Get You?
Romance"Stop loving me, you're not my type! So please fucking leave me alone!" Cover is not mine. Credits to the rightful owner.