Dahil makulit kang bata ka at dahil sinamahan mo kong kumain nung Jan2, sige, sayo ko na dinedecate (ulit). Kumpadre kita eh. Hahaha. :D
___________________________________________________________________________
VANS’ POV
“AY AMPALAYANG MATAMIS!”
“ahjhdjhfuhjlr…”
Madami pa akong narinig na boses mula sa park pero hindi ko na nagawang pansinin pa iyon o tignan kung ano yun. Dere-derecho lang akong naglalakad papalayo sa park. Papalayo sa lugar kung saan ako eksaktong iniwan ng babaeng kahit sa panaginip hindi ko PALA naabot.
Gusto ko mag isip ng ibang bagay ngayon. Gusto kong isipin yung assignment sa trigo, yung project sa chem, yung perla sculpture sa MAPEH, yung nakakarinding boses ni Via, GUSTONG KONG MAG ISIP NG KAHIT ANO PWERA KAY NIA! Pero ---
“I’m in love with someone else!”
“..I failed in returning your love and I failed in erasing Miguel in my heart and in my mind. I’m so sorry, Vans. ”
“I’m so sorry, Vans.”
“Goodbye, Vans..”
Paulit ulit lang ang pagpplay ng boses ni Nia sa tenga ko. Para bang walang ibang bagay na makapagregister sa utak ko bukod sa nangyari.
Bakit?
Bakit mo nagawa sa akin ito Nia?
Minahal naman kita.
Hindi ba sapat yun para manatili ka sa tabi ko?
Hindi ba sapat sayo ang pagmamahal ko?
Napatigil ako sa paglalakad ko at tinignan ang bahay na nasa harapan ko.
Bat dito ko dinala ng mga paa ko? Patay na lahat ng ilaw kahit yung nasa kwarto niya.
Nakauwi na kaya siya? Magkakasalubong ba kami? Magkakausap pa kami ulit? Baka pwede pa—
“Goodbye, Vans.” Nagplay na naman sa utak ko ang boses ni Nia. Napatingin ako sa langit. Tulad kanina, kumukuha ako ng kunting lakas, pero siguro wala na ding sapat na lakas na maiibigay sa akin ang mga bituin o buwan o kahit ano pa man nasa langit ngayon. Hindi ko na kayang magpakakalma ng tulad kanina. Ginawa ko lang naman yun dahil alam kong mas mahihirapan siyang umalis pag nakita niyang hindi ko kakayanin na mawala siya. Alam kong seryoso na siya at kahit ano pang gawin ko di ko na mababago pa ang desisyon niya. Noon pa man, mahal naman na niya si Miguel. Alam ko naman yun eh. Matagal ko ng tinanggap yun. Matagal ko ng nilunok ang lahat ng sakit na hanggang magkaibigan lang kami ni Nia. Pero nung umalis si Miguel papuntang Germany dahil dun na magsesettle ang family nila for good, naisip ko na baka pwede pa. Baka may pag asa pa ako kay Nia, baka magawa kong mapalimot sa kanya si Miguel, natural hindi na niya makikita pa si Miguel. Ako na lang makikita niya. Baka ako na lang mahalin niya. Baka. Maraming baka. Puro maling akala.
Maling akala na mamahalin niya din ako.
Hindi ko na napigilan pa, sunod sunod ng tumulo ang mga luha ko. Napayuko na lamang ako habang nakayukom ang pareho kong mga kamay.
Maya maya pa, may isang trike na dumaan sa likod ko. Isa sa mga guards ng subdivision, parang may kasama siyang babae na nakasakay dun sa trike.
“Oh, Vans. Ano pang ginagawa mo dyan?”
Si Kuya Tan pala. Hindi ako umimik o humikbi. Bastang hindi ko na lang siya sinagot. Ayaw ko naman ipakita ang luhaan kong mukha. Basta ayokong may makaalam na umiiyak ako. Baka makarating kay Nia. Mahirapan pa siya.
BINABASA MO ANG
The Missing Ingredient
RomanceDo you believe in destiny? I do and I don’t. This is a novel of how destiny works and how one can work out his own destiny