NANA’S POV
“Josef Adrian Soriano.. Wag mo kong bigyan ng sakit ng ulo, please?” bulong ko sa sarili ko habang naglalakad papuntang canteen para hanapin si Yuki dahil siya ang treasurer ko ng pagkain. Nagwewelga na yung mga buwaya ko sa tyan. May pagkain ba kayo jan? Penge naman. (*m*)
“Totoo ba? Nagbreak na sila ni Paolo?”
“Oo. Nagluluhod pa nga daw yan kay Paolo eh.”
“Kelan pa?”
“Last month ata.”
“Edi ba, last two months pa naging si Joyce at Pao?”
“Hala. Edi napaglaruan si Nana? Kawa--”
“Okay lang yun. Mas bagay naman si Pao at Joyce eh.”
“Oo nga. HAHAHAHAHAHAHAHA”
“HAHAAHAHAHAAHAHAHAAHAHAHAHA”
Osige tawa pa kayo. Tawa lang kayo hanggang sa mawalan kayo ng hininga. Sila lang naman ang mga taga 3- Cream. Kung hindi niyo naiitanong, malaki galit ng mga yan sa akin. Trip nila ko lagi ibully, tulad niyan, binubully ako. Hindi naman nila ko sinasaktan physically pero pinariringgan nila ako ng bongga. O kaya naman magsusulat sila ng “we hate Severina Suarez” and the likes sa mga pinto ng cr, armchair ko, bench, sa locker ko, sa pader o sa kahit saan basta maiparating lang nila sa akin ang sagad sa buto na pagkamuhi nila sa akin. Sanay naman na ako. Simula ng pumasok ako sa eskwelahang ito, ganyan na sila sa akin. Yes, simula first year kami, galit na ang section nila sa akin. Hindi nga naghihiwa-hiwalay yang section na yan eh. Lagi silang 3rd section.
And if you’re asking bat sila ganyan makitungo sa akin, huwag ako ang tanungin niyo about that. Mas mabuti si Joyce kausapin niyo.
Oo. Tama kayo. Si Joyce nga. Si Joyce Silverio Dela Cruz ang 2months girlfriend ni Paolo na 1month ko ng ex. Si Joyce na nag iisang anak ng nag iisang kapatid ng nanay ko, si Tito Fred. Si Tito Fred ang may ari ng school na ito. Yep. Tama na naman kayo. Si Joyce ay anak ng may ari ng school at higit sa lahat pinsan ko siya. Ang bongga di ba? Hot Fudge. (=_=)
Bat siya ang tatanungin niyo? Well, siya lang kasi ang kilala ko na may naguumapaw at kumukulong galit sa akin sa hindi ko malamang kadahilanan. At kung iniisip niyo na baka siya ang ugat ng mga sanga sangang galit, inis at kung ano ano pa ng mga kasection niya sa akin, well, pareho tayo ng iniisip. Pero sabi sa akin ni Yuki, wag ko na lang daw pansinin at kalimutan ko na lang yung naisip ko, para walang gulo, lalo sa pamilya namin. Magulo na nga guguluhin ko pa. Ano na lang itsura nun? Kaya, kalimutan niyo na lang din. Sinabi ko lang sa inyo kasi..
Madaldal ako. (=___=)
At sa kadaldalan ko, ngayon ko lang napansin na may kumakalabit pala sa akin.
Lumingon ako at nakita ko ang chismosa version ni Dora.
“Hi, Nana.” (^_____^)
It’s Dorothy.
Tsk. Sa lahat ng ayoko kausapin sa eskwelahan na to ay si Dorothy. Siya ang most active na journalist ng school newspaper. Active ang newspaper namin dito sa school, every month may issue kahit wala namang dapat ibalita. Kadalasan puro chismis at issue tungkol sa mga estudyante dito ang mababasa mo sa school newpaper. Minsan lang magkaroon ng importanteng bagay dun, pag may announcement lang ang student council o kaya ang admin. In short, kadalasan, walang kakwenta kwenta ang school newspaper namin na yan. At dahil sa pagkausap sa akin ni Dorothy ngayon, inaasahan ko ng headline ang pangalan ako sa Dec issue ng newspaper. Parang artista lang noh?
BINABASA MO ANG
The Missing Ingredient
RomanceDo you believe in destiny? I do and I don’t. This is a novel of how destiny works and how one can work out his own destiny