#WabiSabiMM - 22

1.4K 124 114
                                    




Text Message

Text Message

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Mika:

Kuya, thank you ulit ha?
Sa maraming meds at sa corndog.
Just by looking at the corndog,
parang umayos na ang
pakiramdam ko 'cause
I've been craving for this in
a while.

Pasensya na ulit sa dagdag abala.
🥺

Ayaw mo namang tanggapin
ang bayad ko kasi!


Kuya Babala:
Wala pong problema,
Binibining Mika
at hindi naman po kayo nakaabala.

Iyong mga gamot po ay
galing sa bahay.
Marami po kasi kaming gamot.
Huwag ninyo na po iyong isipin.
Bigay ko na lamang po iyon.

Binibining Mika, maaari po bang
magtanong?


Mika:
Sure, ano yun?


Kuya Babala:
Kahon lang po iyong nalabas sa
dulo ng mensahe ninyo gaya noong
pabor ninyo sa gamot.
Ano po ba iyon?


Mika:
You mean the emojis?
🥺 -- this?

This is a pleading face emoji
but it is used not only if the sender
begs or pleads.

Minsan, pa-cute lang.
Most of the time, may represent
adoration or feeling touched by
a loving gesture.


Kuya Babala:
Maraming salamat po sa
malinaw na eksplanasyon.
Nagiging parihaba lang po kasi
itong nakatayo sa aking cellphone.


Mika:
Haha! No prob. Not all phone nga
can recognize that yet.

While this ❤️ is just a normal red heart.

Sa sobrang touched ko sa
pagtatanong mo kung kumain
na ba ako, I just feel the need
to use this emoji.


Kuya Babala:
Lumabas naman po ang pulang puso.
Salamat po sa paliwanag.

🥺❤️



Mika:
Wow! Look who's using emojis now!


Kuya Babala:
Kinopya ko lang po sa inyong mensahe.
Na-touch lamang din po ako sa
paglalaan ninyo ng oras upang
magbigay ng kasagutan sa aking
tanong.

Maraming salamat po, Binibining Mika.


Mika:
You are so cute!!! I kennat!
Use emojis na ha!


Kuya Babala:
Susubukan ko po. 🥺❤️

 🥺❤️

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
WABI SABI (Epistolary)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon