#YChronicles #WabiSabiMM
Mayonaka Messages 1 of Y Chronicles, a series collaboration by
MNR | cappuchienooo x nayinK x pilosopotasya
***
Dahil sa regular online shopping ni Mika, naging familiar sa kanya ang delivery rider ng mga packages niya na s...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Loki: kuys san ka
Lope: Kinuha ang module ni Luci. At bibili na rin ako ng bagong SIM card. Ibibigay ko sa kanya itong cellphone. Nagyayaya rin siyang mag-Jollibee. Mamaya pa kami makakauwi.
Loki: naks iphone na rin sya 😔 cge uwian nyo ko sundae, jolly hotdog, spaghetti with 2-pc chicken, large fries (hingi dame ketchup) large iced tea
Lope: Bakit? May problema ba?
Loki: kelangan ko ng kausap
Lope: Anong nangyari?
Loki: yung kay bb mika kuys alam nya na yata... ang lamig na kasi magchat tas nasendan ko pa ng art rate ko buset maleee e ang kwento ko sa kanya nung ako ikaw e ikaw yung illustrator 💔💔💔😢
Lope: Alam mong mangyayari iyan pero hindi mo pa rin itinama. Sino ang dapat sisihin? Ikaw na rin ang gumawa ng paraan para malaman niya ang totoo, hindi mo nga lang sinasadya. Gamitin mo na iyon na pagkakataon para magpaliwanag.
Loki: alam ko naman mali e nag-enjoy lang naman ako kausap sya 😭
Lope: Masaya nga siyang kausap pero hindi ibig sabihin niyon ay kailangan mo siyang lokohin na ikaw ako. Pwede ka namang magpakilala bilang ikaw.
Loki: kaya nga unti2x na sana sa messenger kaso puta small world
di ko inexpect na LTU alumna din sya feeling ko naliwanagan sya sa reunion dahil lagi ka pinag-uusapan ng batchmates mo hay akala nila ako ikaw
baket kase ko na-late ng 1 yr e di sana ako yung pinag-uusapan nila kasi mas gwapo naman ako sayo jk
Lope: Magpaliwanag ka na lang sa kanya. Mukha naman siyang maintindihin dahil mabait naman siya.
Loki: cold na sa chat kuys e
Lope: Humingi ka ng tawad. Magsimula ulit. Magpakilala ka bilang ikaw.
Loki: e pano wag wa epek? pag ayaw pa rin?
Lope: Respetuhin mo ang desisyon niya dahil ikaw ang may kasalanan.
Loki: help mo ko sa Plan B ha 🙏🏻 i like her kuys
Lope: Gusto ko nga| (Deleted)
Magpapaliwanag lang ako sa nangyari. Hanggang doon lang.
Loki: oks na yun maraming tenkyu yung take out ko ah
Lope: k daw kuya loki sabi kuya lope
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Next update for #WabiSabiMM is after my recovery from giving birth this morning 🥲 😁 Pilitin nyong mag-update sina Ran at Nana kahit walang update si Mika!
Thank you for reading #YChronicles 💖💙💛 We looove to read and quote your tweets. Don't forget to use our hashtag!