#WabiSabiMM - 74

1.1K 133 127
                                    

Messenger

Messenger

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


mochi

I'll reply na
To Loki not to Lope

mamon:

Typo ba to?!? Loki? Lope?
Mali ka ba ng type, Be?

macarons:

😮

mochi:

No 🙂

macarons:

hala
that emoji
katakot 🙂


mamon:

Nabasa mo na e-mails nila both?
And messages ni Loki sa socmed mo?
And si Loki ang rereplyan mo?


macarons:

pabasa 😆

macarons:halathat emojikatakot 🙂mamon:Nabasa mo na e-mails nila both?And messages ni Loki sa socmed mo?And si Loki ang rereplyan mo?macarons:pabasa 😆

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


From: Lochan Percival Saberon
Email Subject: Kapaliwanagan


Binibining Mika Amaris,


Ipagpaumanhin mo ang pagpapadala ko ng elektronikong liham na ito sa hindi inaasahang oras at panahon. 

Batid kong nalaman mo na ngayon ang katotohanan sa likod ng mga kakaibang mensaheng natatanggap mo gamit ang aking numero. Patawad sa kalituhang naidulot ng pangyayari sa iyo. Gusto ko lamang linawin ang ilang bagay upang nawa ay maging maayos ang relasyon ng bawat isa--ako, ikaw at ng kapatid ko.

Kakambal ko si Leonard, rider ng Food Hero, at naging kapalitan ko sa Happy Move noong mga nakaraang linggo na naging abala ako sa ibang bagay. Siya ang nakakausap mo gamit ang aking numero.  Hindi ako. Siya ang illustrator. Hindi ako. Siya ang mga kinukwento niyang akala mo ay ako.

Patawad.

Hindi namin intensyong lokohin ka. Hindi ko rin nililinis ang pangalan ni Leonard dahil sinabihan ko rin siyang mali ang ginawa niya. Alam niya iyon at nagsisisi siya. May kakulitan talaga siya at paminsan-minsan ay hindi marunong umasta nang naaayon sa edad niya. Pero mabuti siyang tao. Masayahin siya at palakaibigan na natitiyak kong katutuwaan mo. 

Gusto niyang magsimulang muli at magpakilala nang tama--siya bilang siya.

Wala akong ibang hiling kundi ang mapagbigyan mo siya dahil hindi masama ang intensyon ng kapatid ko sa iyo.

Muli, patawad sa kalituhang ito. 

Hangad ko ang kasiyahan mo.


Hanggang sa muli,

Lochan Percival


P.S.

Ako ang kausap mo noong natutunan ko ang mga ito: 🥺❤️

Hindi na ito parihabang nakatayo sa akin. Nakikita ko na ito. Salamat.

WABI SABI (Epistolary)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon