Lalisa Amber Manoban
Ilang araw ko ng napapansin na napapadalas ang pagpunta dito nung babae na tinulungan ko noong nakaraan. Madalas tumatagal sya ng ilang oras sa coffee shop at madalas ko rin naman nahuhuli na nakatingin lang sya sakin, hindi ko naman magawang kausapin at itanong kasi wala naman akong lakas ng loob magtanong at imposible naman na malaman nya na ako yung tumulong sa kanya diba?
Katulad ngayon nandito na naman sya suot nya pa yung beanie ko 😭😭 at bumagay naman sa kanya. Favorite ko yun eh tapos pinag iinggit nya sakin, hindi ko rin naman magawang bawiin baka sabihin nya harassment.
Si Rosie naman hindi pa ulit bumabalik simula nung nakita nya ako dito, pero madalas naman syang nag iiwan ng message sakin, sobrang busy niya kasi masyadong nagpapayaman.
After ng shift ko sa coffee shop, nagpahinga lang ako saglit sa apartment ko at dumeretsyo na sa hotel kung saan gaganapin ang bachelor's party at hanggang ngayon pakiramdam ko may kung sinong nagmamasid sakin. I'm wearing my face mask just to make sure na walang makakakilala sakin sa tuwing pumapasok ako sa hotel pero kinakabahan pa rin ako.
Wala naman akong ibang maisip dahil iisang tao lang naman ang gagawa nun, si daddy lang. Maaaring nalaman na niya kung nasaan ako at pinasusundan nya ako sa mga tauhan nya. And I swear! Hindi nya dapat malaman itong trabaho ko baka kung ano na naman maisip gawin nun.
Pagkarating ko sa room agad akong nag bihis at isinuot ang half-mask ko pero hindi ako komprotable ngayon. Feeling ko may hindi magandang mangyayari sakin pero wag naman sana.
I'm wearing this egyptian costume exposing my long legs and belly button, but Im not really confident this night becauseI feel sick, sunod sunod kasi ang bachelor's party at wala akong oras para makabawi ng tulog, parang gusto ko nalang mag back-out ngayon pero hindi pwede dahil nakabayad na sila para sa performance ko, sayang din naman ang kikitain ko kung sakali.
Biglang bumukas ang pinto at pumasok si Minnie.
"L are you okay?" Tanong nya sakin, agad naman akong ngumiti bago sumagot.
"Yes Im fine, don't worry" again, I checked my reflection at the mirror bago tuluyang lumabas. Katulad ng nakasanayan nasa loob lang ako ng box na may design na egyptian theme habang hinihintay ang pag tugtog ng Señorita, because that is my cue para magsimula.
After a few minutes malakas na sigawan ang narinig ako kasabay ng pagtugtog at ang pag bukas ng box kung nasaan ako.
BINABASA MO ANG
Señorita || JENLISA
FanfictionJENLISA fanfiction ======= This is a GxG/Bisexual love story.