Jared
MAKALIPAS ang ilang minuto ay nakarating na kami sa bahay na aming tutuluyan pansamantala.
"Pamangkin!", maligalig na pagtawag sa akin ni tita Lyra. She's the best tita in the world. Whenever I have problems in life, she's giving me all her ears. Magaling din siya magbigay ng payo sa buhay.
"Tita Lyra!" I dropped off my baggage, tumakbo ako papunta sa kaniya, niyakap ko siya ng mahigpit.
"I miss you pamangkin."
"I miss you too tita."
"Kamusta ang biyahe? At sino yang babaeng kasama mo?"
"Okay naman po ang biyahe tita. Tita, siya po si Selena. Selena siya ang tita ko, si Tita Lyra."
"Kamusta po kayo, tita Lyra?" She smiled and hold my tita Lyra's hand.
"Okay lang ako iha. Natatandaan kita. Ikaw ang matalik na kaibigan ni Jared na lagi niyang kinuwento sa akin. Aba napakaganda mo nga tulad ng sinasabi niya."
Nanlaki ang aking mga mata, napakamot ako ng aking ulo at tumingin kay Selena.
"HINDI naman po ako kagandahan Tita Lyra",ang mahinhin nitong sagot at lumapit siya sa akin.
"Hindi pa ba kayo?",mausisang tanong ni Tita sa amin.
"Anong hindi pa po kami?",tanong ni Selena sa kaniya. Tita Lyra move her both index finger from each other at sinabayan niya pa ng panguso.
"No, Tita. Just like I've told you, she's my Best friend."
"Ayyy ayyy. Bakit hindi mo pa siya ligawan Jared. Naku, sayang yan kapag pinakawalan mo pa."
Selena and I stare to each other and smiled.
"Pumasok na muna kayo. Pinaayos ko na ang matutulugan niyo pamangkin."
Buti na lamang at nakapag-move on na siya sa amin ni Selena. Binuhat ng aking mga pinsan ang iba pang gamit ni Selena. Napakaraming puno ang makikita sa paligid. Dinig din ang alon mula sa may labas.
Niyakap ko ang iba ko pang mga pinsan. Napakasaya ko ngayon at nakita ko na rin sila sa wakas, napakalaki ng pinagbago nila at ng lugar.
"Kumain muna kayo" Alok ni Tita Lyra sa amin. Pumayag naman kami nina Selena at ni kuyang driver. Sino naman ang tatanggi sa mga masasarap na pagkaing inihanda para sa amin. Grilled bangus, sinigang sa sampalok na mga sari-saring isda, mayroon ding mga bivalves at crustaceans and a Fresh buko juice for our drinks. This is life, I want this everyday of my life. Sa tingin ko ay aabot ako ng isang buwan dito, pero sa plano ko ay tatlong linggo lamang.
Pagkatapos kumain ay binalak na naming magpahinga ni Selena.
"Tita saan po kami maaaring matulog upang makapagpahinga po kami?"
"Halika kayo at sasamahan ko kayo sa itaas."
Sumunos kami sa second floor, hindi mapakali ang aming mga mata ni Selena dahil ang bawat sulok at pader ng bahay ay puno ng mga kakaibang paintings at larawan.
"Dito kayo matutulog", ang saad ni Tita sabay turo sa nag-iisang kama, a King size bed.
"Kami?",gulat na tanong ni Selena.
"Oo kayo. Magtatabi kayong dalawa",tugon naman ni Tita. Umalis at bumaba na rin siya kaagad at hinayaan na kaming mag-usap.
"Ano?",tanong ni Selena sa akin habang ako'y nakatingin sa kaniya.
"Wala, paano ba yan magkatabi tayo." Biro ko sa kaniya.
"In your dreams. Maglalatag na lang ako sa sahig." Masungit nitong sagot, ang akala mo talaga ay hindi ko siya matalik na kaibigan.
"Hindi! Sa kama ka matutulog."
"Edi ikaw ang matulog sa sahig HAHAHA."
"Bahala na, maghahanap na lang ako ng malapit na hotel dito."
"Wag na, wag na. Tabi na lang tayo." Biglang nagbago ang isip niya.
"At bakit naman biglang gusto mo nang tumabi sa akin."
"Ehh anong gusto mo matulog ka sa hotel pero ikaw ang kamag-anak. Hindi ba yun nakakahiya para sa akin. Ako na lang ang matutulog sa sahig at huwag ka ng magsalita pa."
Inilapat niya na naman ang kaniyang hintuturo sa aking bibig. Hindi naman ako papayag ng ganon lang kaya siya na lamang ang pinatulog ko sa kama dahil siya ang nanghihina dahil sa nangyari sa biyahe, minabuti kong sasang-ayon siya kaya ay plinano kong mamasyal na lang muna sa labas.
Malapit na rin mag dapit-hapon kaya ako'y nagtungo sa tabing dagat at humiga sa duyan ng sandali, naghintay ng pagkakataon na makita ang ganda ng araw. Sayang at nagpapahinga na si Selena, marami pa rin naman ang araw na makikita niya iyon.