Aubrey Joy Hutton-Sevi Buenaventura

139 15 2
                                    

A/N: Pagamit name mo Aubrey, my bestfriend/couz.😆

"Aray ko! Sevi nasasaktan ako! Bitaw! Bitawan mo ako! Sevi ano ba?!"

Hatak-hatak parin ako ni Sevi. Nakita niya kasing niyakap ko si Migo kanina, kinicomfort ko lang nga kasi dahil kakabasted lang sakanya nung nililigawan niya!

Yakap ko si Migo tapos bigla akong hinatak ni Sevi! Wala naman akong ginagawang masama sakanya ah!

"Teyka nga! Sevi bitawan mo ako!" Hindi niya parin binibitawan palapulsuhan ko kaya namumula na iyon. "Isusumbong kita kay kuya Edward!" Pananakot ko dito. Binitawan naman kaagad niya iyon at tiningnan niya akong masama. Bakit ba to ganto? "Bakit ka kung nakatingin ka, ganyan? Ano bang kasalanang ginawa ko sa iyo?!"

"Eh bakit mo ba siya niyayakap, ha?!" Nagulat ako dahil sa pagsigaw nito. Galit na galit. Sinamaan ko siya ng tingin saka umiling. Lagi nalang. Kapag may mga lalaking akong kinakausap, inilalayo niya ako ron o kaya'y iyong lalaki ang pinalalayo sa akin.

Kapag may nanliligaw sa akin. Lagi nalang siyang kontrabida. Pinapaalis, sila ni kuya Edward. "Kinicomfort ko lang naman iyong tao ah! Ano bang mali doon?! Atsaka sino ka ba? Ha? Bestfriend ka lang naman ni kuya Edward ah! Kung makareact ka akala mo ba boyfriend kita?!"

Napapikit ang mga mata ko nang sinuntok niya ang pader malapit sakanya. Dumugo pa ang kamay! Shay!

"S-shaks! Sevi! Bakit mo kasi sinuntok iyong pader? Akala mo ba ikaw si iron man para suntok ka ng suntok diyan?" Sarkastikong ani ko. "Gamutin ko na."

Hinawakan ko iyong kamay niya pero bigla niya akong hinila sa beywang saka pinasandal ako sa wall bago kinuha ang dalwang kamay ko ay itinaas iyon sa pader saka ako hinalikan.

Bakit niya ako hinalikan?! Gusto kong magpumiglas at makawala pero masarap siya humalik.

Habang tumatagal iyong halikan namin ay tinulak ko siya saka sinampal.

"Pufft! Bakit mo ko hinalikan?! Pinag-lalaruan mo ba ako?!"

"Kasi mahal kita!" Nanlaki ang mata ko sa sinabi nito. "Manhid ka, hindi mo nakikikita kaya nga kung lapit ka ng lapit sa lalaki ay hinahatak kita. Kung may nanliligaw sa iyo, pinapaalis ko, kasi gusto ko lang ako, Aubrey. Ako."

Akala ko ginagawa niya lang iyon dahil ang turing niya sa akin ay nakababatang kapatid. Pero mali pala. Mahal niya pala ako?

All this time akala ko lang ako may gusto sakanya.

Bigla akong napangiti saka maya-maya'y Natawa ako.

Tiningnan niya lang ako ng seryoso. "Nakakatawa ba iyong pag-aamin ko?!" Lumapit naman ako sakanya at hinawakan ang mga kamay niya.

"Mahal rin kita kuya Sevi. Lagot sa dalawang kuya ko 'pag nalaman nila. Bubugbugin ka ng dalawang iyon."

Napahilot siya sa noo saka ngumiti sa akin. "I'll do everything for you. Kahit Hindi na ako tatawaging bestfriend ni Edward. I understand, kuya ako at alam ko iyon. Gusto naming protektahan mga babae naming kapatid. Kahit bubugbugin nila ako. Ayos lang basta maging tayo."

"Kawawa ka naman kuya Sevi." Tumawa ako. "Pero seryoso, kailan mo ako nagustuhan." Tanong ko saka yumakap at tuminghala sakanya.

He smiled when he remembered something. "Your debut."

Napasimangot ako. "Eh, oo maganda ako noon kasi nakadress ako saka nakamake-up, ngayon wala." x_x

Inayos niya ang buhok sa likod ng teynga ko. "Maganda ka naman sa paningin ko, Aubrey. Mahal na mahal kita." Nakangiting aniya sa akin.

Napasimangot ako. "Mahal kita Sevi pero ligawan mo muna ako?"

Bigla itong bumitaw sa yakap niya sa akin saka sumuntok suntok pa sa hangin. Baliw!

Nakangiti ko siyang pinagmamasdan.

Nang lumapit siya sa akin ay niyakap niya ako saka ako itinaas.

Masaya na ako. Akalain mo iyon, iyong taong gustong-gusto ko eh mahal na ako.

THE END

Collection Of One Shots (Completed)Where stories live. Discover now