Prologue

535 17 42
                                    


"Isa pa!" malakas na sigaw ko pagkababa ko ng shot glass na ininuman ko.


First time kong matikman ang lasa ng alak at natitiyak ko na hindi ito ang magiging huli. Ang lasa at epekto nito sa aking sistema ay tiyak na babalik-balikan ko. Ang sarap pala nito.


Ang pait at init na lumulukob sa lalamunan ko ay parang himala na nagbubura ng mga iniisip ko.


Kung mas maaga ko lang sana itong nadiskubre ay siguradong araw-araw at gabi-gabi akong lasing. Sa dami ba naman ng problema ko. Patong-patong. Sa pamilya, pinansyal, kaibigan, at pag-aaral.


Wala sa sariling natawa ako sa kawalan dahil sa ginagawang pagrerebelde. Napagalitan na naman kaya nag-iinarte. 'Yan panigurado ang iniisip ni mama sa ginagawa ko.


At ano naman? As if naman, pakikinggan niya ang mga saloobin ko. Pagod na kong patunayan ang sarili ko sa kanya. Kung isang malaking disappointment lamang ako sa kanya, e 'di ganoon nga! Kahit siguro araw-araw sa akin ipinamumukha iyon ay hinding hindi ko maintindihan.


Ginagawa ko naman ang best ko. Pero totoo nga, my best is not enough to be good. Tama ba? Bahala na, ang dami ko nang iniisip, 'no!


Lalo akong natawa sa sariling kabobohan. Kung may nakarinig lang sa iniisip ko ngayon ay siguradong pagtatawanan din ako.


Parang wala akong karapatan magkamali. Walang karapatan maging mahina. Walang karapatan mabigo. Walang karapatan maging totoo sa sarili...


Kung sa pamilya pa nga lang ay hindi ko na magawang magpakatotoo, sa mga kaibigan pa kaya? Mga taong sobrang mahal ko pero hindi kilala ang tunay na ako.


Sila nga dapat ang kasama ko rito pero ayun! Ayun, busy! Moment ko 'to oh? Niloko ako ng boyfriend ko. Nasasaktan ako dito pero wala man lang sila sa tabi ko?


Pero naiintindihan ko naman na may mga bagay silang dapat unahin. Natatawa na lang ako sa sarili ko. At the end of today, mag-isa lang talaga ko.


Tangina naman.


Mabilis kong nilagok ang kabibigay lang na isang shot ng hindi pamilyar na brand ng alkohol sa akin. Halo-halong klase ng alak na ang nainom ko at hindi ko na mabilang kung ilang mura na rin ang binibitawan ko dahil sa sarap ng sensasyong bumabalot sa lalamunan ko.


Hindi ko tinigilang lunurin ang sarili ko sa alak hangga't hindi nauubos ang sinweldo ko. Wawaldasin ko na rito tutal ay hindi naman naappreciate ni mama dahil pinapadalhan naman siya ng pinsan ko.


Pinaghihirapan kong kumita ng pera habang pinagsasabay ang trabaho at pag-aaral ngunit pangmamaliit pa ang matatanggap ko.


Nilasing ko ang sarili hanggang sa maubos ang pera ko bago akong nagpasyang umuwi. Kahit hilong-hilo ay nagbook ako ng taxi, mahirap makahanap dahil alas-tres na ng madaling araw.


Nanliit ang mga natural na singkit na mata ko nang makitang umiikot na ang mga letra at numero sa screen ng cellphone ko. Ilang beses ko na tinetext ang taxi driver pero hindi pa rin ito nag-re-reply.


Malas talaga! Nanlalabo na ang mata ko sanhi ng kalasingan at hindi ko na makita nang malinaw ang tinitipa ko.


"Tsk!" Inis akong napapadyak sa lupa sa iritasyon.


Napasabunot ako sarili at napahagulgol na lang sa kinatatayuan ko. Anong kamalasan ba tong nangyayari sa buhay ko! Deserve ko ba 'to?


Now, I'm considering that maybe God really has his favorites.


Pinagtitinginan na ako ng mga tao dahil kanina pa ako umiiyak dito at sumisigaw na parang tanga.


Pake ko.


Hindi na ko nakatiis at kahit umiiyak ay inis kong tinawagan ang driver na binook ko.


"Manong, ano ba?! Kanina pa ko nag hihintay dito," I said in between sobs.


"Excu—"


"Manong, please. Wala na akong mabook na ibang taxi. Anong oras na oh. Ang pangit ng araw ko! Please! Ang dami-dami kong problema. Ang gulo pa sa bahay namin, lagi akong sinsigawan doon, at wala rin akong mahanap na maayos na trabaho ngayon! Tapos–"


Rinig na rinig ko ang mga mahihinang mura ng driver sa kabilang linya. "Just give me the damn address, miss," he coldly said.


What the fuckening 'tong si manong! Ini-ingles-ingles pa ko!


Umiiyak pa rin, kahit halos hindi mantindihan, binigkas ko ang adress ng lugar.


Pinunasan ko ang walang hintong pag-agos ng mga luha ko gamit ang kamay ko. Hindi rin nagtagal, may sang itim na magarang sasakyan ang huminto sa harap ko. Dahan-dahang bumaba ang bntana nito.


"Get in, woman."


Napanganga ako. What?!


Isang moreno at matipunong lalaki ang bumungad sa akin. Nagising ang lasing na pag-iisip ko. Weh? Totoo ba 'to? May ganito bang kagwapong nilalang?


"A-ano? Uh... B-bakit naman ako sasama sayo?" halos hindi na maintindihang sabi ko.


Kahit gwapo siya ay hindi ako basta-basta na lamang sasama sa kanya. Hindi ako kaladkaring babae 'no!


He scoffed and rolled his tongue on the inside his cheeks, "You 'booked' me, didn't you?"

Destined Souls (Soul Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon