"Papasok na po ako, ma!" sigaw ko sa sala habang inaayos ang sukbit ng bag sa balikat na bumababa habang tinatali ang sintas ng sapatos.
Wala naman akong natanggap na tugon mula sa kanya kaya hinanda ko na lamang ang kakainin ng mga kapatid ko bago umalis. Nagprito ako ng dalawang itlog at kinuha ang tirang adobong sitaw na nasa ref kagabi. Tinikman ko muna kung panis na at nang hindi ay ininit ko para dagdag ulam sa dalawa.
Mas maaga kasi ang pasok ko sa kanila kaya hindi ko na sila naihahanda para sa eskuwelahan nila.
Hindi pa ako nakakaalis ay lumabas na ng kwarto ang wala pa sa wisyo kong mga kapatid. Nag-iinat si Fleur habang si Lylia ay lumapit sa akin habang kinukusot pa ang mga mata. Dali-daling yumakap sa akin ang dalawa nang makita ako. Minsan lang kasi ako maabutan ng mga ito.
Si Fleur ay grade five na ngayong taon, habang si Lylia naman ay grade three pa lamang. Hindi gaano nagkakalayo ang edad nila kaya lagi silang magkasundo sa mga bagay-bagay, minsan nga lamang ay nagbabangayan lalo na sa mga gamit na hindi pa naming kayang bilhin sa ngayon.
"Papasok na si ate, maligo na kayo ah," bilin ko at hinalikan sila parehas sa magkabilang pisngi.
"Mag tootbrush ha!" pahabol ko na pang-aasar sa kanila.
Natawa na lamang ako nang sumimangot sila parehas. Niyakap nila ako nang makitang kinuha ko na ang nakasabit na ID ko sa salamin, hudyat ng pag-alis ko. Malapit lang naman talaga ang unibersidad kung isasakay ng jeep o taxi pero dahil nagtitipid ako sa pamasahe ay nilalakad ko na lang ito araw-araw. Kaya ko naman. Ang kaso lang ay mukhang pang-uwi na ang itsura ko kahit kadarating ko pa lamang!
Dumiretso ako sa Sweetums, ang café kung saan ako nagtatrabaho bilang working student. Maaga pa ko kaya wala pa ang mga kasama ko rito. Nasa loob ito ng university at malapit lang sa building namin kaya pabor naman sa akin.
Dream university ko talaga ang Amenilia University kaya naman nang malaman kong nagbibigay sila ng scholarship sa mga working student ay agad akong nag-apply sa isa mga facilities nila. Alam ko namang hindi ako makakapasok kung utak ko ang gagamitin. Kagaya nang madalas na score ko, siguradong zero rin ang tyansa ko kung ite-take ko ang exam para sa scholarship. Puro ganda lang talaga ang puhunan.
Isa pang malaking nakatulong sa akin ay ang bestfriend ko, Lynea Gerica Mounserel at ang kanyang magulang dahil isa ang mga ito sa may pinakamalaking shares sa university. Nagpapasalamat talaga ko na nakilala ko ang mga kaibigan ko. Si Gerica na laging handang tumulong at si Summer, bestfriend ko rin, na laging nakasuporta.
Napangiti na lamang ako dahil ang swerte ko na kahit higit na mas mataas ang estado nila sa akin parehas ay kinaibigan pa rin nila ako. Sila lang yata ang malas sa akin dahil wala naman akong naibibigay o natutulong sa knaila lalo na sa pinansyal na alam kong hindi naman nila kakailanganin. Ang dalawang kaibigan pa lang ang nakilala kong tunay na mababait na mayaman. Wala akong nararamdamang pagitan sa aming pagkakaibigan tuwing magkakasama kami.
Kaso nga lang ay nahiwalay ako sa kanila ng kurso. Parehas na BS Business Management ang kinuha nila para raw sa business ng pamilya nila at ako naman ay BS Nursing dahil ito ang gusto ni nanay, mas malaki raw ang kita nito sa ibang bansa kaya kahit na hindi ko gusto ay sinunod ko na lamang siya. Pero ayun nga, dahil nahiwalay ako ng kurso sa mga kaibigan ay hindi na kami araw-araw magkakasama tulad noong senior high school. Hindi pa rin ako masanay dahil simula kindergarten ay kaibigan ko na sila kaya parang kapatid na rin ang turing ko sa kanila.
BINABASA MO ANG
Destined Souls (Soul Series #2)
Roman pour AdolescentsRoseanna Romasanta is from a poor and chaotic family, working her ass of just to survive and study in her dream university. Beauty with no brain. Bansag sa kanya ng karamihan. Bobo sa pag-aaral, bobo rin nga ba sa pag ibig? Oo! But little did she kn...