"Fleur! Isara mo nga ang bintana!" yamot na utos ko sa kapatid ko nang magising dahil sa sinag ng araw.
Tumagilid ako ng higa at tinabon ang isang mabango at malambot na unan sa mukha para hindi masilaw sa liwanag.
Hindi pa sapat ang tulog ko dahil puyat na puyat ako. Ikaw ba naman ang maglasing buong—
Lasing? Teka, paano ako nakauwi?
Dahan-dahan kong minulat ang isang mata para sumilip sa kapaligiran. I blinked multiple times. Isang hindi pamilyar na istraktura ang sumalubong sa aking pagdilat.
Kaninong bahay ito?! Hindi naman ganito kalaki ang bintana sa kwarto ko. Lalong hindi naman ganito kalinis ang mga unan sa kama ko na wala man lang bakas ng natuyong tumulo na laway.
Napabalikwas ako ng bangon. Takot agad ang bumalot sa aking dibdib. Ito na nga ba ang sinasabi ni mama, hindi talaga dapat ako nagpapagabi sa labas! Dapat talaga ay nakikinig na lamang ako sa mga sermon niya. Ang tanga-tanga ko talaga!
Sinusubukang ikalma ang sarili, sinuri ko ang buong kwarto. Puting-puti ang silid na bumungad sa akin. Bumangon ako at iginala ang mata sa apat na sulok ng kwartong iyon. Puting kurtina, puting bedsheet, puting unan, puting comforter, puti lahat maliban sa mga ibang kagamitan na may halong ibang kulay ng gray.
Papasa na yatang bahay itong kwarto na 'to sa laki. Ginala ko pa ang tingin sa bawat sulok ng silid na pinaroroonan ko.
Hindi naman siguro ako nakidnap 'no? Sinong kidnapper ba naman ang magdadala sa isang malinis at maayos na lugar sa dinakip nila? Pwera na lang kung sobrang yaman nito.
Hindi ito ang panahaon para isipin pa 'yon! I need to get out to here! Out from here? Out of here? Ah, basta! Masyado nang maraming problema ang Pilipinas para isipin ko pa ang grammar grammar na 'yan 'no!
Halos tumalon ang puso ko nang magtama ang tingin namin ng isang matipunong lalaki habang may hawak na sigarilyo sa bibig at ang isang kamay ay nakapamulsa sa suot na black shorts.
Napanganga ako sa malaki nitong katawan. Ang mga malalaking braso nito ay parang gustong kumawala sa hapit niyang t-shirt. Parang kada galaw ay humihigpit ito. Pang model ang katawan ng isang 'to... o mas makisig pa!
Kinabahan ako nang i-angat ko ang paningin sa mukha niya. This man looks dangerous. Ang dilim na bumabalot sa presensya ay hindi ko kayang basta-basta na lang ignorahin. Ang itim na mga mata niya ay lalong nagdedepina ng kanyang matitigas na katangian.
Tumaas ang isang kilay niya kaya napabalik ako sa wisyo.
Hindi na maganda 'to! Pinagpapantasyahan ko ba ang kidnapper na 'to?!
"S-sino ka?! Anong ginawa mo s-sakin?" nauutal na tanong ko, habang nakakrus ang dalawang kamay sa katawan ko, sa lalaking nagmamasid lamang sa reaksiyon ko.
He scoffed and rolled his tongue inside his cheek. "Are you sober? You may now leave."
Nalilitong tinapunan ko siya ng tingin na tinugon naman niya ng muling pagtaas ng kanyang kilay. Ibinaba niya ang kanyang kamay na may hawak na sigarilyo habang ang usok no'n ay nangangamoy sa buong kwarto.
BINABASA MO ANG
Destined Souls (Soul Series #2)
Roman pour AdolescentsRoseanna Romasanta is from a poor and chaotic family, working her ass of just to survive and study in her dream university. Beauty with no brain. Bansag sa kanya ng karamihan. Bobo sa pag-aaral, bobo rin nga ba sa pag ibig? Oo! But little did she kn...