To: manong driver
helu manong,,, maliban sa kotse mo... anu p pede q sakyan sau???
read
Kainis! Kanina ko pa tinititigan ang pagseen sa aking text. Ang sakit mo naman, manong!
"Order daw, uy," nabigla ako nang sikuhin ako ni Cali.
May umoorder pala sa harap ko. I've been pre-occupied with my phone the whole time. Baka masisante pa ko nito nang wala sa oras!
Trabaho muna bago landi, Rosea!
Nagmamadali kong tinago ang cellphone ko na kanina ko pa pasimpleng tinitignan sa ilalim ng counter. Humarap ako sa customer at binigay ang pormal na ngiti na nakasanayang gawin sa harap ng mga customer.
"Uh, sorry, what can I get you, sir?" tanong ko sa lalaki sa harapan.
Oh, english! Kasama kasi 'yan sa rules na dapat ingles ang pagbati o pagkuha ng order. Pati sa pagkuha ng iinumin ay ang daming arte!
Napansin kong umangat ang gilid ng labi ng lalaki bago ito magbukas ng bibig.
Sinulat ko sa cup ang mga sinabi nito bago nag-angat ng tingin dahil hindi niya sinabi ang pangalan niya na normal na ginagawa ng mga customers dito.
"Name po?"
"Leo, engineering student, single," mapaglarong sagot nito na may ngisi sa mukha.
Natawa ako dahil doon. Hindi na bago sa akin ang mga lalaking sumusubok o pasimpleng bumabanat sa akin. Hindi naman sa pag-aassume pero halata naman at pauli-ulit na lang ang mga style nila. Sanay na ko rito, wala eh, maganda 'to oh!
"Okay, Leo, matcha latte coming right up," pormal na saad ko at ngumit na lang sa customer.
Tumango lamang siya at umalis na para humanap ng upuan. Napailing ako sa tinuran ng lalaki. Natawa na lang ako, mga lalaki nga naman. Cute.
Pinigilan ko ang ngiti nang maalala na may crush na nga pala ako. Loyal ako ro'n kahit hindi niya ako nirereply-an. Napasimangot ako sa naisip at muling sinilip ang cellphone sa ilalim ng counter.
Hindi pa rin ako nirereply-an! Mukha naman siyang mabait noong dinala niya ako sa bahay niya. Kahit na mukhang siya ang tipo ng tao na may hindi magandang gagawin sa iyo, iba naman ang sinasabi ng kilos niiya. Hinding-hindi na ako magpapakalasing nang ganoon na halos wala na kong malay. Buti na lang ay hindi niya ko pinagsamantalahan kahit na lasing na lasing na ko sa kama niya.
Pero hindi ba dapat gano'n naman talaga? Hindi ba napakabasic na pag-iisip naman ang hindi manamantala ng isang tao? Ang baba na ng expectation sa mga lalaki na dahil lang gumawa sila ng isang normal na bagay ay kapuri-puri na. Ganunpaman, thankful ako kay manong driver dahil sobrang liit na lang ng tyansang makatagpo ng may busilak na puso.
BINABASA MO ANG
Destined Souls (Soul Series #2)
Teen FictionRoseanna Romasanta is from a poor and chaotic family, working her ass of just to survive and study in her dream university. Beauty with no brain. Bansag sa kanya ng karamihan. Bobo sa pag-aaral, bobo rin nga ba sa pag ibig? Oo! But little did she kn...