CHAPTER 1

14 2 2
                                    

Pxeiton's POV

Paulit ulit lang sa utak ko ang mga sinabi ni mama at nahimasmasan na rin ako.

"Ma, alam kong naaawa ka sa kaniya pero hindi ba sobra ang pagpapatira sa kaniya? I mean, kakakilala lang natin sa kaniya."

"Alam ko anak, pero kasi merong nagsasabi sa akin na ayos lang na patirahin siya sa bahay natin. Komportable ako sakaniya." Lumingon siya dun sa babae at nakita ko ang pagkislap sa mga mata ni mama. Ngayon ko lang siya nakita na ganiyan kasaya at kakaiba ang kislap ng mata niya.

"Sige na nga lang ma, pero tanungin na lang muna natin siya. Baka mamaya magulat din sa biglaan nating offer sa kaniya."

"Sige, pero buti pa bumili ka na ng pagkain habang hinihintay natin siyang magising. "

Binigyan ako ni mama ng perang pambili at pumunta na sa bilihan. Umorder lang ako ng bulalo, chopsuey, at 7 na cup ng kanin. Syempre alangang si Mezzaine lang ang kakain. Nagpasalamat ako dun sa tindera at naglakad na ulit patungo sa hospital bed kung nasaan si Mezzaine.

Pagkahawi ko ng kurtina ay nakita kong umiiyak si mama habang nakayakap siya kay Mezzaine.

Anong nangyayari?

Mezzaine's POV

Nagising ako sa isang hindi pamilyar na pasilidad. Lumingon lingon ako at nakita na nasa hospital ako.

"Oh, iha. Gising ka na pala." Sabi ng mama ni boy eyebags.

Napahawak ako sa ulo ko sa biglaang pagsakit nito. Ayoko sa mga ospital. Nanginginig ako ngunit pilit ko itong nilalabanan. Ayokong mahalata ni tita. Hindi pwede.

Agad na lumapit sakin si tita at hinawakan ako ng marahan.

"Ayos ka lang ba, iha? Anong nangyayari sa'yo?"

Gusto kong sabihin na ayaw ko talaga sa mga hospital dahil napunta na ako sa mental hospital dati pero kapag ginawa ko iyon, siguradong lalayo si tita.

"Medyo nahihilo lang po ako. Nagugutom na po kasi ako eh."

"Ay oo, maghintay na lang tayo saglit ha. Pinabili ko si Pxeiton ng pagkain."

Hindi na ako sumagot at ipinikit ko saglit ang aking mga mata. Naramdaman ko ang biglang paghaplos ng isang kamay sa mukha ko. Iminulat ko ang aking mga mata at nakita kong umiiyak si tita.

"Ayos lang po ba kayo?"

"Oo, iha. Ayos lang ako pero naaalala ko lang kasi sa'yo yung dalawang anak ko."

Tinanong ko kung ano ba ang nangyari ngunit yumakap na siya
sa akin at humagulgol. Nakita ko si boy eyebags na nakasilip sa may kurtina.

"Anong nangyari dito? Bumili lang ako ng pagkain ah."

Pinunasan ni tita ang mga luha niya.

"Wala anak. Ayos lang ako. Ang mabuti pa kumain na lang tayo. "

Natahimik kaming tatlo pero kumain na lang kami. Pagkatapos nun, kinulit nanaman ni Pxeiton si tita.

"Ma, bakit ka ba umiyak kanina?"

"Wala nga."

"Ma, hindi ka naman siraulo diba? Bakit ka iiyak kung wala lang?"

"Oo na, merong problema. Di ko lang kayang sabihin sa'yo."

"Bakit hindi ma?"

"Alam ko kasing ikagagalit mo." Sumeryoso ang mukha ni tita.

"Ma, hindi naman ako nagalit sa'yo kahit kailan diba? Ano ba yun ma?"

Halatang halata sa mukha ni tita ang pagkairita kay Pxeiton ngunit ramdam ko na natatakot din si tita.

"Gusto mo ba talagang malaman?"

"Oo, ma."

Ipinikit ni tita ng mariin ang mata niya at bumuntong hininga.

"Naaalala ko kay Mezzaine ang mga kapatid mo."

"Ma, may kapatid ako?"

Hindi niya alam na may mga kapatid siya? Napapaisip na rin ako.

"Meron, kambal sila pero iniwan ko sa nakabuntis sa akin noon."

...








MezzaineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon