PROLOGUE

17 2 18
                                    

Prologue

Mezainne's POV

1:39pm 

"Yung nasa room 628 pwede nyo na ilabas."

Naririnig kong usapan nila. Biglang bumukas ang pintuan at pinalabas ako sa nakakatakot na silid.

"Maaari ka ng umuwi Miss Mezainne" sabi ng doctor.

Labis na tuwa naman ang aking nararamdaman dahil sa wakas makakalaya na ako. Pero bakit naman ako matutuwa? Mamamatay din naman ako. Sabagay, dalawang taon na kamiserablehan ang aking dinanas sa kulungan na ito at sawa na ako dito. Kinuha ko ang kakaunting gamit na mayroon ako at lumabas na sa pasilidad kahit alam kong wala rin akong mapupuntahan.  Hindi rin naman ako makauwi dahil wala na akong uuwian.

"Paalam sa iyo Asdfghjk Mental Hospital"

Wala akong ideya kung saan ako pupunta kaya naglakad lakad na lamang ako patungo sa kawalan. Dala ang kakaunti kong gamit, luminga linga ako sa paligid at pinagmamasdan ang mga puno. Medyo mainit dahil sa dami ng sasakyan pero ayos lang.

Napatigil ako sa paglalakad nang tumunog ang aking tiyan. Hindi pa nga pala ako kumain magmula kaninang umaga, kasuka suka kasi ang mga pagkain doon. Kaso nga lang wala rin akong pera. Hindi ko alam kung paano kakain pero ipagpapatuloy ko na lang siguro ang paglalakad . Baka mamatay ako pero ayos lang.

———————————

Malapit ng lumubog ang araw at wala pa rin akong matitirhan, makakain o cellphone  man lang. Akala ko pa naman ayos na ang lahat. Hays. Hindi ko alam ang gagawin kaya naisipan kong magpahinga na muna. Nagulat ako nang may biglang lumapit sakin. Mukhang manyakis sya at parang demonyong nakangisi.

"Miss, 1k? "

Napuno ng takot ang puso ko at kasabay nun ang pagbalik ng isang alaala sa isip ko.

-Flashback-

"Pa, eto inumin mo" saad ng isang babae habang nakahawak sa panga ng papa namin at pinipilit ipainom ang laman ng baso.

Nakagapos kaming pareho ni papa ngunit ako ay may busal sa bibig. Naiiyak na ako at nalilito sa mga nangyayari. Pinilit kong magsalita pero tinatapatan ako ng kutsilyo ng kapatid ko. 

"Ano papa? Iinumin mo o sasaksakin ko ang pinakamamahal mong anak?" pagbabanta ni ate kay papa.

"Wag mong gagawin sa kapatid mo yan Marriane alam mong mahal din kita"

"Mahal?! Anong mahal papa? Mahal ba yung pinagsamantalahan mo ako? Binaboy mo ako papa, habang etong si Mezzaine alagang alaga n'yo."

B-binaboy ni papa si ate? Pero bakit? Hindi ko na naiintindihan at ayaw ko na rin atang intindihin. Ngunit hindi ko alam kung bakit ako kinabahan nang ininom na ni papa ang laman ng ba—

Napatigil ako sa pag iisip nang singhalan ako nung mukhang dugyot na lalaki.

"Hoy! Ano na?! Tutunganga ka na lang? Ayaw mo pa sa 1k?"

As if naman kailangan ko ng pera niya eh gusto ko naman na mamatay. Napangisi ako sa katarantaduhang naisip ko.

"Osige ba" pagtugon ko.

Ngunit hindi niya alam at hindi niya inaasahan na sasapakin at sasakalin ko sya. Punyetang 'to akala niya ha. Nanlalaban s'ya pero mas malakas ako syempre. Napilipit ko ang kanyang kamay at sumusuko na s'ya. Ayos na sana pagbugbog ko dito nang may biglang dumating.

"Awat na Miss chill ka lang." Pag awat sa amin nung lalaki.

Mukha syang eyebags? Siguro puyat everyday ang motto nito. Nakahoodie s'ya, matangos ang ilong, makapal ang kilay, medyo maputla ang labi n'ya at parang may kamukha s'ya na kakilala ko, hindi ko lang matukoy kung sino.

Kumalma naman ako sa pag awat n'ya sa amin at binitawan ko na ang lalaking muntik na akong gawing bayaran. Kadiri talaga. Tumakbo na ang lalaki, natakot ata sakin.

"Ayos ka lang, miss?" Tanong ni boy eyebags.

Tumango tango lang ako bilang pagtugon pero di ko talaga alam kung saan ako kakain at kung ano ang kakainin.

Naging awkward ang aming atmosphere dahil wala na rin kaming mapag uusapan. Nakakapagtaka lang kasi bakit pa s'ya nandito?

Pxeiton's POV (Boy Eyebags)

Isang awkward atmosphere ang bumabalot sa amin dahil wala kaming mapag usapan habang medyo malapit lapit kami sa isa't isa.

-Flashback-

"Miss, 1k?" Rinig kong sabi ng isang lalaki. 

Nakita ko yung babae na tumunganga lang, ngunit ang nakapukaw sa atensiyon ko ay ang takot na nakita ko sa mata niya. Sinenyasan ako ni mama na lapitan ang babae at tulungan. 

Tumango naman ako at unti unting lumapit sa kinaroroonan nung babae pero mukhang di naman na kailangan.

Sinakal at sinapak sapak niya yung lalaki. Paano niya kaya nagawa yun? Mukha naman siyang patpatin at nakita ko ang pagod sa kaniyang mukha kanina.

-End of Flashback-

Naramdaman ko ang biglang mahinang paghatak ng babae sa hoodie ko kaya agad akong lumingon sa kaniya.

"May itatanong ako." sabi niya habang seryoso ang kaniyang mukha. 

Itinaas ko naman ng bahagya ang mga kilay ko at nagpatuloy siya sa kaniyang pagsasalita. 

"Bakit ka ba nandito? Feeling close ka naman, aawat awat ka pa kanina eh kaya ko naman." 

Tinignan ko siya sa mata at nagsalita. 

"Hindi naman porke't kaya mo eh hindi mo na kailangan ng tulong." 

Parehas kaming natahimik at nakita ko si mama na papalapit sa amin. Nilagpasan niya ako at agad siyang lumapit dun sa babaeng maangas. 

Luh. Inuna pa siya ni mama, parang di ako yung anak.

"Ayos ka lang ba, iha?" Tanong ni mama sa kaniya.

Psh. Ayos na ayos nga siya eh, nanakal na nga at lahat lahat. 

"Uhm, opo tita. Ayos lang po ako." Sabi ni angas sabay ngiti kay mama. 

Bait yarn? 

"Ano ba pangalan mo, iha?" 

"Mezzaine Achelois Gonzalo po. "

Ganda pala ng pangalan niya, kaso bakit parang di bagay sa ugali niya? 

"Kasingganda mo ang pangalan mo ,iha." Hinaplos ni mama ang pisngi niya at halata sa mukha niya ang gulat.

Sasagot sana si Mezzaine ngunit bigla siyang nahimatay. Nasalo ko naman siya agad at nagpanic agad si mama kaya dali dali kaming pumunta sa ospital.  Nasa kwarto na kami kung nasaan si Mezzaine.

"Huwag po kayong mag alala, wala lang pong kinain ang pasiyente." Pagkausap ng doctor kay mama. 

Tumango tango lang si mama at nagpaalam na ang doctor. Tinawag naman ako ni mama at sineniyasan niya akong may sasabihin siya. 

"Ano ba yun ma?"

Curious na curious ako sa sasabihin ni mama kasi ang seryoso ng mukha niya. 

"Papatirahin natin si Mezzaine sa bahay."

"Ah sige ma. Papatirahin lang naman pala. "

Papatirahin. Papatirahin. Papatirahin? 

Biglang nagsink in sa akin ang sinabi ni mama. 

PAPATIRAHIN NAMIN SI MEZZAINE SA BAHAY NAMIN?! 

...

Criticisms are highly appreciated. Thank you for reading. 



MezzaineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon