CHAPTER 2

17 2 8
                                    

Pxeiton's POV

"Hanggangdoon na lang muna ang masasabi ko ngayon. Kailangan na nating umuwi. "

Hindi ako makapaniwalang may mga kapatid pala ako.

"Maghintay lang kayo dito ni Mezzaine at babayaran ko lang hospital bills."

"Salamat po, tita." Sabi ni Mezzaine sabay ngiti kay mama. Tumango lang ako kay mama at nang nakaalis na siya, nagsimulang tumulo ang mga luha ko. Naramdaman ko ang mga titig ni Mezzaine sa akin pero wala na akong pakialam.

"Uhm, mind to share?" Pagtatanong ni Mezzaine.

Hindi ako sumagot at nagpatuloy sa pag iyak.

"A-all this t-time, may m-mga kapatid pala ako? Tangina. L-lahat ng pang p pressure ni mama at papa tinanggap ko kasi a-ako lang yung maaasahan nila. Kahit h-hindi ko na k-kaya minsan, tiniis ko k-kasi mataas expectations nila mama sa akin. Ni minsan, hindi pa ako napuri sa mga achievements ko kasi dapat ganun lang yung grades ko. " Pautal utal na sambit ko habang pinipigilan na ang pag iyak.

"Oh? So, anong connect nun sa mga kapatid mo?"

Sinamaan ko siya ng tingin dahil napakawalang kwenta niyang kausap.

"Kung hindi siguro sila iniwan dun sa nakabuntis kay mama edi
sana, hindi ako nahihirapan mag isa."

"So dapat, mahirapan pala kayo by group?"

Aba putangina.

"Alam mo Mezzaine, wala kang kwentang kausap."

"Ikaw rin pero hindi ako nagreklamo."

Bwakangina.

"Ano sabi mo?! Walang kwenta akong kausap?!"

"Narinig mo naman pala, bakit mo tinatanong? Hobby mo ba maging tanga? "

Nawala na sa isip ko ang mga pinag iiyak ko kanina at nagfocus kung paano t trashtalkin si Mezzaine pero biglang dumating si mama.

"Natagalan ako sa may counter, daming nakapila. Oh, tara na. Umuwi na tayo. "

Naghanda na kami ni mama pero si Mezzaine ay nakaupo pa rin sa higaan niya.

"Hoy, ano pang tinutunga tunganga mo diyan? Tanga, magready ka na. "

"Pxeiton, iyang bibig mo." Sabi ni mama sa akin.

"Kissable ma." Biro ko sabay tawa. Sinamaan ako ng tingin ni mama.

"Ano ba nangyayari? Sasama ako sa inyo?" Halata sa mukha niya ang pagkalito.

"Kung gusto mo, edi ayos. Kung ayaw mo, ayos pa rin." Sabi ko naman.

"Edi tara na."

Nagfeeling close naman sa akin ang gaga at umakbay pa talaga sakin. Hirap na hirap nga siya kasi hanggang kili kili ko lang naman talaga siya kaya bumitaw rin siya. Lumabas kami sa ospital at hinanap ko ang kotse sa parking lot. Sumakay naman sila at pumunta na kami sa bahay.

Mezzaine's POV

Nagulat ako kanina dahil hindi ko inaasahang isasama nila ako sa bahay nila. Ayoko sanang sumama pero wala rin naman akong pupuntahan kaya sumama na lang ako. Nakakahiya na sa kanila. Sila pa nagbayad ng hospital bills ng kabobohan ko. Malaki ang utang na loob ko sa kanila.

Nakarating kami sa isang bahay na maganda. Dalawang palapag, malalaking bintana, kulay black and gold at mukhang sosyalin. Wow. Binuksan ni boy eyebags ang pinto at pumasok na kami. Nakita ko ang loob ng bahay at napakaelegante nito.

I guess this is my new home?






MezzaineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon