Mezzaine's POV
Lumipas ang mga araw na parang pag ubos ko ng mga pagkain-- mabilis. Mag d dalawang linggo na ako sa pamamahay na ito kaso wala naman silang pinapagawa sa akin. Akala ko nung una ayos lang, pero nakakahiya na talaga. Prinsesang prinsesa ang turing ni tita sa akin. Though, nagbabalak na rin talaga akong magtrabaho, hindi lang talaga ako makatiyempo kasi wala akong mga papeles, plus di ko rin nakikita si Pxeiton masyado ngayon. Busy ata kaya di ko muna ginulo.
"PXEITOOOOON!" malakas na pagtawag ko kay Ton-ton.
Narinig ko naman ang yabag ng kaniyang mga paa na papalapit sa kwarto ko.
"Oh ano nanaman, mahal na prinsesa?" Bored niyang tanong sa akin. Nagulat ako sa itsura niya. Well mukha siyang-- sabog as usual, pero mas sabog pa siya ngayon.
"Magpapatulong sana akong maghanap ng trabaho pero bakit naman ganiyan itsura mo?"
Kumunot agad ang noo niya at tinignan ako ng slight masama.
"Anong 'bakit ganiyang ang itsura mo?' Gago ka ba?" Inis na tanong niya sa akin.
"Baka ikaw ang gago, tanga. Ilang araw ka na bang hindi tumingin sa salamin? Hindi mo ba nakikita na halos puro eyebags na ang mukha mo? Hindi mo ba nakita na konti na lang magm mukha ka ng senior cetizen?"
"Ulol. Pakyu. Anong senior cetizen? Ang gwapo gwapo ko, baka iyang mata mo ang may diperensiya."
"Mas malinaw pa sa kahit anong salamin 'tong mata ko 'no. Don't me. Masyado ka lang haggard. "
"Well, kailangan kong magpakahaggard kasi exams na namin. Baka madisappoint ko si mama kung di ako nag aral ng mabuti. Oh ano? Bakit mo ba ako tinawag?"
"Ano kasi, magpapatulong sana ako sa'yo na maghanap ng trabaho kasi nakakahiya na."
"Wow. May hiya ka pala? "
Tumawa ang tarantado na parang nakarinig ng isang joke. Kumunot naman ang noo ko.
"Tanga, seryoso nga. Gusto ko ring mag aral ulit at gusto kong pag aralin ang sarili ko."
Natigilan naman siya at parang nag isip. Kunwari pa siyang nag iisip eh wala naman siyang utak.
"Hmm. Sige. Tutulungan kita pero next week na siguro. This week kasi exams namin. "
"Sige, salamat Pxeiton."
Tinanguan niya ako at lumabas na siya sa kwarto ko.
Pxeiton's POV
Nakalabas na ako sa kwarto ni Mezzaine pero iniisip ko pa rin ang sinabi niya kanina.
" Gusto ko ring mag aral ulit at gusto kong pag aralin ang sarili ko."
Ibig sabihin, huminto siya? O nakapagtapos siya at gusto niya talagang umulit? Kaso ang bata ng mukha niya ah? Dami ko ng problema sa buhay, dumadagdag pa siya sa mga iniisip ko. Pota naman.
Sa sobrang pag iisip ko ay hindi ko napansin si mama sa harap ko, muntik ko na pala siyang mabangaa. Tinapik niya ang balikat ko at agad akong natauhan. Agad na tumaas ang isang kilay niya.
"Ang lalim naman ata ng iniisip mo."
"Ah, wala lang 'to ma. Stressed lang ako sa papalapit na exams. Papunta na nga po ako sa kwarto ko para magreview ulit eh. "
"Tama yan. Dapat nagrereview ka para matuwa naman ako sa'yo."
Nasaktan ako sa narinig ko pero yumuko na lang ako at tumalikod. Binilisan ko ang lakad ko at nang nakarating ako sa kwarto ko ay bumuhos na ang mga luha na kanina ko pa pinipigilang ilabas.
Ang unfair naman. Bakit si Mezzaine, maayos naman ang pakikitungo ni mama sa kaniya? Bakit sa akin puro pangp pressure ang ginawa ni mama? Sabagay, alangan namang si Mezzaine ang ipressure niya eh ako ang anak niya. Tama. Ako ang anak niya, pero bakit parang hindi ko dama? Pinunasan ko na ang luha ko at pumunta sa desk ko. Iwinaksi ko na ang lahat ng iniisip ko at inilabas ang mga textbooks ko.
I guess, lulunurin ko na lang ang sarili ko sa pag aaral. Para matuwa naman si mama.
BINABASA MO ANG
Mezzaine
RandomShe mends everyone else but she's still trying to pick up her broken pieces.