Grabe kailan kaya to magigising? Ilang oras ko na siyang tinititigan dito kaso wala parin kabisado ko na nga kung saan nakapwesto yung mga nunal niya e . meron siya sa baba ng mata sa leeg meron din sa may tenga . binuklat ko yung mata niya gamit yung stick at yung mata niya brown , mahaba yung pilikmata , mapula yung labi , Aba akalain mo nga naman mukang Anghel pag tulog ewan ko nalang pag gising nito.
"Byahsgsuawgayqgwts"
"W-woah dont tell me ako yun?"
"Bwtqtwgdyqgwys"
"Grabe , may kaluluwa din palang nagugutom? " kaya naman parang may sumisitsit sakin kaya napatingin ako sa may wallet niya , tas tingin ulit sa kanya tas sa wallet , sa kanya hanggang sa mapastop na talaga ako sa wallet niya kaya kinuhaan ko siya ng pera .
"Grabe naman to , wala ka bang barya ? Puro tig iisang libo! " kaya naman parang may sumisitsit ulit sakin kaya napatingin naman ako sa may pantalon niyang nakasabit kaya lumapit na ako dun at tinignan kung may barya at
"Jackpot ! Daming coins!" Kaya lumabas na ako ng kwarto nung dwayne na yun at naghanap ng makakain at may nakita akong vending machine na di naman kalayuan sa kwarto niya
"Psssssssssssst" isang sitsit ang narinig ko pero yung pagsitsit niya eh mabagal at mahina pero pakiramdam mo e sa tenga mo siya sumisitsit , kaya sa paglalakad ko sa kasiyahan dahil makakain na ako , napatigil ako , at lumakas na yung pagsitsit , kaya naman pagkalingon ko
"Tara maglaro tayo" isang babaeng walang muka at duguan ang nakaharap sakin
"Ahhh e sorry ha , wait tinatakot mo ba ako?, kung tinatakot mo ako, sorry kaluluwa din ako katulad mo , kaya diyan ka muna , maghanap ka pa ng ibang bibiktimahin na hindi katulad natin , "napayuko yung multo at naglakad na ako pero napastop ulit ako
"Ahhh teka , gusto mo ng pagkain ?" Inangat niya yung ulo niya
"Ahhh o-osige"
"osige bibilhan din kita , diyan ka lang ha" nginitian ko siya at naglakad na ulit papunta sa vending machine
Maghuhulog na sana ako ng coin kaso naalala ko na pwede ko namang kuhain yung nasa loob diba kasi kaluluwa naman ako , pero Nadia bad yan . kaya no choice naghulog na ako pagkatapos ko bumili binalikan ko na yung multo at binigay na sa kanya yung pagkain pagkatapos nun pumunta na ako sa may kwarto
"Hoy Dwayne , di ka parin gising? Ang tagal mo namang gumising " sabi ko sabay upo at kumain na , maya maya may pumasok na babae
"Babe? Omygosh babe! Ahuhuhuhu babe ano nangyari sayo , wag mo akong iwan " woah sino to babe daw? Tssss grabe katawan lang ata habol ni dwayne sa mga babae niya eh tingnan niyo chickababe
Nawala naman ako sa pagiisip ng biglang nawasak yung pinto at na tumba sa pagpasok pa ng isang babae
"Hon! Ano nangyari sayo hon!"
"Woaaah , grabe ano to two wives?!" Naandito lang ako nakaupo habang kumakain at pinapanood sila
"S-sino ka?! At anong Hon?!"
"Tsss ako dapat ang magtanong niyan , sino ka?! Anong ginagawa mo dito?!
"Sige sapakan na kayo " kahit naman ilakas ko hindi naman nila ako maririnig
Tapos may pumasok na namang isa
"TYLER DWAYNE! "
"Ano ba yan 3 wives na? " at maya maya nagulat ako nang biglang
"What the. hell?! " isang lalaki ang nagsalita
"BABE!"
"HON!"

BINABASA MO ANG
The Soul
HorrorMy SOULMate BOOK2 "hey" "the fvck ! who are you?" "Wag ka nga magmura diyan! kung hindi magsisi ka . " "Who the hell are you?" "Tssk. Im Nadia Cristalline nandito ako para baguhin ka at para bumalik na ako sa pagkatao ko" "what if i dont have a fvck...