The Soul 8

128 14 4
                                    

"Ano kamusta ang bonding niyo ni Dwayne?" bulong sakin ni Migs

"Ayun as usual , may pagkasumpong parin siya kasama , teka Bonding? Di mo ako sinamahan para si Dwayne yung makasama ko? Migs you're evil too!"

"hahahaha Kasi i ship you and Dwayne"

"tssss. Itigil mo nga yan Migs. "

Home.

"Oh nakahanda na lahat ng gamit mo kaya wala ka ng aasikasuhin andito narin yung gamot mo at tsk-"

"please stop it akala mo kung makapagbilin ka diyan e last day mo na , akala ko ba hindi ka pa mamatay ? "pag susuplado niya na naman

"E kasi nga hindi kita mababantayan kaya kailangan ko ihanda lahat para kahit wala ako sa tabi mo naandito naman lahat ng kailangan mo"

"eh paano kung may kulang pa?"

"ha? may kulang pa ba?"hinalungkat ko yung mga hinanda ko para icheck kung may kulang pa

"tsss. Forget it matutulog na ako " Humiga na si Dwayne , Kulang ? teka may kulang pa ba? E halos lahat ata ng kailangan niya naandito na e , Hayyy nag aadik talaga to si Dwayne , lumapit ako kay Dwayne , tinignan ko yung muka niya

"Retard im going to melt , stop staring at me" sabi niya ng nakapikit at mayamaya nanlaki yung mata ko nung bigla niyang minulat yung mata niya

Grabe ang lapit lang pala ng muka ko sa muka niya at halos 2 minuto din kaming nagkatitigan

"Oh ano ? magtititigan nalang ba tayo? "

nagising na naman yung diwa ko at napatalikod

"Ah eh goodnight sweetdreams Dwayne! " sabay takbo sa labas ng kwarto niya

Gosh ano ba to? Feeling ko sasabog na ako kanina, pero Ano ba ? bat nagiiba na yung pakiramdam ko pag kasama ko si Dwayne? lagi nalang bumilis yung tibok ng puso ko?

waaaa Hindi! hindi maaari!

Morning.

Nagising na ako at nakita ko si Dwayne kumakain na sa kusina

"O-oh g-gising ka na pala" sabi ko habang humihikab at nagkakamot ng mata

"Di na kita hinintay mukang bangag ka pa eh"

"Anong oras ka nga pala pupunta sa hospital bukas?"

"ah pagkaalis niyo siguro"gaaaahh bat ang lambot ng boses niya ngayon? dont tell me nakainom siya ng isang galon na kape?

"wait naka inom ka ba ng kape?"

"huh? no ?"

"e bat-- ay nevermind baka mabati eh ahahahaha" sabay talikod ano ba Nadia

"hey"tumaas naman yung balahibo ko nung tinawag niya ako, geeez ang lambot talaga ng boses niya

"Ah b-bakit?"

"Nothing , ahmm just clean this im going to school now " sabi niya at sinuot na yung bag niya

Pagkatapos kong linisin yung kinainan niya sinundan ko na rin siya at nagulat ako dahil hindi niya pa pinaharurot yung kotse niya . Wait hinihintay niya ba ako? waaaa Nadia napaka , napaka assuming mo!

Lumapit na ako at

"Oh himala hindi ka agad umalis"

"Tsss. Just get in Retard."

School.

"Uy Migs "

"oh kamusta?"sabi ni Migs habang si Dwayne ay nasa counter , naandito kasi kami sa may Canteen at buti nalang onti lang yung tao

The SoulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon