Chapter Two

1 0 0
                                    

(Dawn's POV)

"Ang tagal mo Loki! Ayuda ba ang pinilahan mo at ngayon ka lang natapos?"

"Wow ha! Mabilis na nga ako niyan dahil pinauna na ako ng mga chika bebe ko!"

Inilapag na nito sa bench ang mga pinamili nito. Nandito kami ngayon sa Garden ng school, dito madalas mag lunch ang mga students dahil sa haba ng pila at crowded na masyado ang canteen. Si Loki ang pinapapila namin dahil lagi siyang pinapauna ng mga students lalo na ng mga babaeng patay na patay sa kanya. Pag kami kasing dalawa ni Rachel ang pumila baka abutin na kami ng pagtatapos ng Lunch Break eh nakapila pa rin kami. Isa isa niyang inilabas ang laman ng plastic na dala niya, 3 bottled water, 3 Lunch Pack at 3 dessert na Grahams. Hindi niya inilabas ang natitira pang laman ng plastic kaya inagaw ko ito sa kanya at tiningnan ang laman.

"Bakit puro Junk Foods na naman ito Loki?"

"Masarap ang bawal eh! hahaha!"

Bawal ang maaalat lalo na yung may mga acid na inumin like softdrinks kay Loki. Last Year kasi naospital ito dahil sa malalang UTI nito kakakain ng mga unhealthy foods. Kaya pinakiusapan kami ng parents ni Loki na bantayan ang kinakain niya pag nandito siya sa school o kahit kasama namin siya. Masyado kasing matigas ang ulo ng lalaking ito kaya pag may chance na makabili, bumibili talaga sya.

"Hindi pwede Loki! Bawal ka nito!" - Rachel

Kinuha sa akin ni Rachel ang plastic ng mga Junk Foods at pilit isiniksik sa bag nito. Ahaha! That's my girl.. Tingnan natin kung makapalag ka pa Eros! Haha!. Parang na stress si Loki ng makita niyang ipinasok lahat ni Rachel sa bag nito ang mga Junk Foods niya.

"Baby Rachel, pwede naman nating pag usapan ito hindi ba?"

"NO!"

Pilit nitong kinukuha kay Rachel ang bag nito, naghihilahan silang dalawa sa bag na may lamang Junk Foods.

"Baby Rachel, ibigay muna."

"No! Eros!"

"Baby Rachel naiinis na ako!"

"I said NOO Eros!"

"Baby Rachel, wag mo akong piliting saktan ka!"

"Gagawin mo yun?"

At umaktong nalungkot na parang maiiyak pa si Rachel. Alam kong acting lang yan nang aking BFF para mapatigil si Loki. Pero infairness nagaling na si bes umakting.. kapani paniwala na.. haha.. Sinakyan ko na lang ang pag arte ni Bes at nagkunwaring nalungkot din sa inasal ni Loki.

"Grabe ka Loki, ganyan ka na ba ka kasama sa amin? Pagkatapos naming alagaan ka, sasaktan mo lang si Rachel.?"

" Arrrrggghhh!! Mga pisting yawa, ano na namang inaarte niyo diyan?"

Nagkunwari pa akong nagpahid ng luha ko kahit wala naman para mas kapani paniwala. At tinitigan namin siya ng may lungkot sa mga mata. Bigla na lang nitong sinabunutan ang sarili tanda ng pag suko nito sa kaartehan namin. Napapa pikit pa ang loko sa inis.

"Putttcchhhaa! Bakit ba hindi ako manalo nalo sa kaartehan niyong dalawa.!"

Bigla na lang nitong binatawan ang bag ni Rachel at pasalampak na naupo sa damuhan. Ngunguso nguso at nagdadabog na kinuha nito ang parte niya sa Lunch Pack at sinimulan ng kumain ng naka kunot ang noo.

"Hahahahahahaha!"

Sabay kaming natawa ni Rachel sa inasal ni Loki. Pag nag iinarte na kasi kaming dalawa ni Bes, sumusuko sa amin si Loki. Hindi daw niya matagalan ang pangit naming pag mumukha. If we know hindi niya lang kami matiis.. haha.. Kinuha na din namin ang mga Lunch Pack namin at nagsimula na ding kumain.

From Dawn to DarknessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon