Chapter One

2 0 0
                                    

(Dawn's POV)

Ring! Ring! Ring!
Ring! Ring! Ring!

Pinilit kong abutin ang Alarm Clock ko sa mesa sa gilid ng kama ko. Tamad na tamad kong iminulat ang aking mga mata at bumangon. Aist ang hirap talaga gumising pag puyat ka.. Gusto ko pa matulog.. Umalis na ako sa kama ko at dumiretso na sa banyo para maligo. Mahirap na baka malate pa sa unang araw ng klase.

Ako nga pala si Dawn Jaycel Delos Santos but you can call me Jaycel for short. Im a 3rd Year College Student in St. Michael University and taking Culinary Arts. Nasa middle class lang ang estado namin sa buhay, kumbaga hindi mayaman, hindi din naman ganun kahirap. My Dad? Isa siyang Antique Collector and Seller while my Mom is a Baker. Meron kaming Bakeshop na si Mama ang nag hahandle. Narinig kong sumigaw ang aking ina sa ibaba.

"Jaycel, anak, bumaba ka na diyan at tatanghaliin ka pag pasok."

"Opo Mama! Pababa na po!"

Inayos ko ang mga gamit ko at baka may malimutan na naman akong dalhin katulad nung last year, kaya pala magaan ang bag ko kasi puro libro lang ang dala ko at ni isang notebook wala akong nailagay sa bag. Ayos! Ok na ito! Ewan ko na lang kung may nalimutan pa ako nito haha.. Nang sigurado ko nang kumpleto na ang mga gamit ko sa bag ay saka ako nagmamadaling bumaba para mag almusal. Naabutan kong nag hahain na sa mesa si Mama, at syempre hindi nawawala ang tinapay na si Mama ang nag bake. Napansin kong pang dalawang tao lang ang inilapag ni Mama na plato sa lamesa.

"Mama, tayo lang ba ang kakain? Asan si Papa?"

"Maagang umalis ang Papa mo, alam mo na.. hindi na bago."

Yeah! Hindi na nga pala bago ang ganitong senaryo sa bahay. Usually pag maagang naalis ng bahay si Papa, isa lang ang pinupuntahan nun kundi yung Tito ko na Antique Collector din daw sabi ni Papa. Minsan ko lang nakita yung Tito ko na yun na pinsan daw ni Papa sabi ni Mama.

"Hindi man lang ako ginising ni Papa."

"Naku hindi ka na ginising at baka daw mag tampo ka na naman katulad nung nakaraan."

Birthday ko kaya yun, paanong hindi ako magtatampo. Pag naalis kasi si Papa at ang kasama ay si Tito, pinaka matagal na ang isang buwan at pinaka mabilis na ang dalawang linggo. Tinapos ko na ang almusal ko at tumayo na para umalis.

" Hep! Hep! Hep! Dawn Jaycel Delos Santos, where is your necklace?"

Kinapa ko naman ang leeg ko at napansin ko ngang hindi ko suot ang kwintas na regalo sa akin ni Papa nuong 18th Birthday ko. It's our Family Heirloom, a Jade necklace na mukhang bulaklak ang pendant. Since lalaki at Only Child lang din si Papa hindi niya ito isinusuot at itinago na lang para sa magiging anak niya, kaya ganun na lang ang tuwa ni Papa ng babae ang magiging anak niya kasi may magsusuot na daw ng kwintas na galing pa daw sa pinaka nunu-nunuan pa namin. Since that day na ibinigay ni Papa yung kwintas sa akin ay hindi ko na ito hinuhubad.

"Oo nga pala Mama, sorry."

Tinakbo ko na lang ang hagdan pataas at dali daling pumunta sa kwarto ko. Kinuha ko sa Jewelry Box ang kwintas, tinitigan ko muna ito saglit. Talagang natutuwa ako sa kwintas kong ito kasi yung pendant niya parang may buhay, pag tinitigan mo kasi yung gitna nito may mapapansin kang ilaw sa loob na kumikinang kinang.

"Jaycel! Pag hindi ka pa bumaba talagang male late ka na!"

"Im Coming!"

Isinuot ko na ang kwintas at itinago sa loob ng aking blusa. Mahirap na baka manakaw pa, patay ako nito kay Papa pag nagkataon. Inilang hakbang ko na lang ang hagdan pababa at agad na humalik sa pisngi ni Mama na nasa bungad na ng hagdanan.

From Dawn to DarknessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon