Chapter Four

0 0 0
                                    

(Dawn's POV)

"Real! Real! Real!"

Naalimpungatan ako ng sumigaw na ang kundoktor na nasa Real, Quezon na daw kami. Malapit na kami sa Lubayat, Quezon. Doon kami dapat bumaba dahil yun ang nakalagay sa Mapa na binigay ni Dean. Naalimpungatan na din si Rachel, pero itong si Loki tulog pa din. Pisti at nakanganga pa tulo pa laway.. yuck.. Agad kong ginising si Loki at baka lumampas pa kami sa bababaan namin.

"Loki hoy! Gumising ka, malapit na tayo bumaba!"

Naalimpungatan na din ito at tumingin pa sa akin, babalik pa sana ulit sa pagtulog ang loko kaya sinabunutan ko na ito.

"Kung ayaw mong gumising dyan maiwan ka dito!"

"Loki gising na malapit na tayo bumaba!" - Rachel

"Aray!! Bat ka ba nananabunot? Gising na nga oh!" - Loki

"Gising na? Kung di pa kita sinabunutan tutuloy ka pa ng tulog! Ayusin muna mga gamit mo at bababa na tayo!"

Inayos ko na din ang mga gamit ko at tiningnan sa labas kung malapit na kami. Nung makita ko na yung sign board sa gilid na may nakalagay na LUBAYAT pumara na ako.

"PARA!"

Tumayo na kami at bumaba na ng bus. Lantang gulay pa si Loki habang si Rachel naman manghang mangha sa nakikita niya. Halos katabi lang kasi ng binabaan namin ang malaking ilog na nagkukunekta na sa dagat. Ang ganda din ng tanawin na puro bundok ang makikita, probinsyang probinsya talaga. Walang pulusyon at sariwa ang hangin hindi tulad sa Manila.

"Wow! Ang ganda naman dito, sulit ang punta natin Bes!" - Rachel

"Oo nga Bes! Parang ang sarap tumira dito, tahimik at payapa!"

"Ang gwapo ko talaga kahit bagong gising!"

Napairap naman ako sa sinabi ni Loki, ayun at panay ang kuha ng picture sa sarili niya. Mag ma My Day ata sa FB para ma update ang mga babae niya. Tiningnan ko na ulit ang Mapa, ang sabi dito pagbaba namin ng Lubayat, Quezon may sasakyan kaming Trysikel papuntang Bundok ng Krisas. Lumingon lingon ako sa paligid at nakakita naman ako ng Trysikel, lumapit ako dito habang busy pa ang dalawa sa pag kuha ng litrato nila at ng lugar.

"Ah.. excuse me po!"

"Ano yun ineng?"

May nakita akong matandang bigla na lang sumulpot sa likod ng Trysikel. Mukhang mabait naman kasi nakangiti, agad ko itong nilapitan at nagtanong na sa bundok na hinahanap namin.

"Tatay! Magkano po ang pamasahe hanggang Bundok ng Krisas?"

"Bundok ng Krisas ba kamo? Naku Ineng mahal ang singilan namin duon kasi medyo malayo layo din yun at liblib na lugar dahil nga gubat na."

"Ah.. ganun po ba? Magkano po kaming tatlo ng mga kasama ko?"

At itinuro ko kay Tatay ang mga kasama ko na hanggang ngayon busy pa din sa pag kuha ng litrato sa paligid.

"500 na kayong 3, may tawad na yun!"

Wow ah! May tawad pa yun? Mas mahal pa sa pamasahe namin sa bus. Hindi na lang ako nagreklamo pa at tinawag ko na yung dalawa.

"Hoy! Tara na, ihahatid na tayo ni Tatay sa Bundok ng Krisas!"

Agad namang lumapit ang dalawa.

"Loki ikaw ang magbayad, wala na akong pera, ikaw ang mayaman dito."

"Magkano po ba Tatay?" - Loki

"500 Iho!"

"Wow Tatay ah! Ipapa LTFRB kita, malaki ka sumingil!" - Loki

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 04, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

From Dawn to DarknessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon