Third Part
Crossing the line of hearts
Lumipas 'yung mga araw at napapadalas na 'yung paguusap namin ni Enzo, hindi na rin siya snob sa mga group message ko dahil nagrereply na siya. Pag may pairing sa mga class projects or reports kami na din ang palaging magkapartner since maganda naman ang tandem namin at wala naman talaga akong close friend sa school 'yung tipong matatawag mong bestfriend.
Nasa garden ulit kami at kumakain kami ng... kwek-kwek at kikiam? Yea, bonding namin 'to pagkakatapos ng klase parang pampatanggal ng stress.
"Wala kang kapatid? Only child? Ibig sabihin, baliw ka?" tanong ko sa kanya.
Tinignan niya naman ako ng masama kaya napatawa ako. "Hahaha, eh diba kasi kapag daw only child ka kadalasan may imaginary friend kasi kadalasan wala kang kasama sa bahay"
"Meron nga, ang pangalan 'Kristel the piglet'" this time ako naman yung tumitig sa kanya ng masama.
"Anong Kristel the piglet? Sexy parin naman ako ah" napatawa siya duon sa sinabi ko kaya binatukan ko nga, "Lumaki lang ako ng onti pero hindi pa naman baboy"
"Oo na, hindi kana piglet" sabi niya sabay subo ng isang buong kwek-kwek. "Ikaw? Only child ka rin?"
"Nope, may kuya ako he's Kristoff kaso nagtratrabaho na siya sa Las Piñas kaya parang only child din ang drama ko ngayon sa bahay" tumango naman siya ng sunod-sunod. "Teka nga, medyo matagal na tayong magkasama pero wala parin akong masyadong alam sayo, mag game tayo" napakunot 'yung noo niya.
"Anong klaseng game?"
"Truth or truth?" lalong kumunot 'yung noo niya.
"Ano namang klaseng laro 'yan Kristel?"
"Truth or truth, walang bote o kahit na ano basta magsasabi kalang ng totoo tungkol sa'yo, salitan tayo. Ano game?" ngumiti naman siya at inubos na 'yung natitirang kwek-kwek sa baso niya.
"Game!"
Itinabi ko 'yung pagkain ko at humarap sa kanya habang nakaupo.
"Game! Favorite color... Black, sa'yo?" tanong ko sa kanya.
"Blue, favorite food... Carbonara" tanong niya naman sakin.
"I love pasta, favorite subject... accounting?" napatawa pa siya kasi patanong 'yung pagkakasabi ko ng accounting.
"I love problems so basically its Math, I'm allergic to seafood"
"I'm allergic to Cat, when is your birthday? Mine's February 27, how about you?" I said playfully.
Napasimanagot ako nuong hindi siya sumagot sa'kin, "Enzo?"
"February 27 too"
Iginalaw ko pa ang ulo ko dahil sa sinabi niya na hindi ko pa magets. February 27? Nanlaki naman 'yung mata ko nung magsink in sa 'kin ang sinabi niya.
"What? Are you kidding me?"
"Do I look like im kidding?" aniya na parang gulat rin.
Then after ten seconds of silence parehas kaming tumawa. "That's the reason" I said while laughing.
"Yeah, kaya pala tayo magkasundo" tumango naman ako at tumawa ulit kami. I can't believe this, magkabirthday pala kami ng lalaking 'to that can be a reason why I feel like I'm connected to him ever since I met him or maybe there are still more reasons?
Nagpatuloy 'yung mga araw at tulad ng dati kasama ko pa rin palagi si Enzo, tinatanong na nga kami kung 'kami' na daw, minsan pinagtritripan sila ni Enzo at sinasabing kami na tapos sa kinahapunan iaanounce niya na nagbreak na daw kami. Baliw talaga, makulit din pala siya kahit na sa una mong tingin aakalain mong snob siya at mayaban.
BINABASA MO ANG
Taking One Step Closer
RomanceHow to move-on? That are the words that Kristel have been questioning to herself for years. After her first love broke her heart, she had struggled on forgetting her love for him through different means but still failed miserably. Until one day, he...