Second Part
Confusing actions
I was running in the corridor again and again for the same reason. Malalate nanaman ako! Lucky me pagdating ko sa classroom hindi pa nagsisimula 'yung klase namin sa ICT, mahina pa naman ako sa database.
"Buti hindi pa 'ko late" sabi ko kay Nyx, siya ang katabi ko sa klaseng 'to, pero hindi niya ako pinansin at nagpatuloy lang siya sa pagdodoodle sa notebook niya. Hello? Kinakakausap ko kaya siya! Hindi ko nalang din siya pinansin at nakinig nalang sa professor ko.
"Okay class, ngayong midterm ay magaassign ako ng mga magrereport" umingay naman sa klase dahil nagrereklamo sila. Well, kahit naman ako, "Quiet! Now, pipili ako ng magiging partner niyo at dahil si Mr. Enzo Villanueva ang nakakuha ng highest grade nuong prelim he's the first one to report with..." tumingin naman sa'min 'yung professor ko, pero napatitig siya sa akin, "Excuse me Miss? Are you in my class or you're a seat in?"
Kumunot 'yung noo ko, anong seat in? "Ma'am I'm Kristel" sabi ko pa habang winawave 'yung kamay ko sa harap ko. Nagtinginan naman silang lahat sa'kin kahit si Nyx titig na titig sa'kin. I'm innocent, bakit parang gusto ata nilang pumatay? Binigyan ko naman 'yung mga tropa ko na nakatingin sa'kin ng 'dont glare at me' look
Umubo-ubo naman 'yung prof ko at inayos 'yung salamin niya sa mata. "Okay, Ms. Buenavidez you'll be Mr. Villanueva's partner for reporting"
Nanlaki 'yung mata ko nun. Why me? Bago pa ako makapagrract eh pumili na ng susunod na magpartner si Ma'am Teodocio. Ugh, ayokong maunang magreport. Kaasar talaga!
After ng klase namin naglakad na ako papunta sa next class ko ng may narinig akong tumawag sa'kin, "Buenavidez!" the heck, sino naman kaya yung tumawag sa'kin by surname? Paglingon ko nakita ko siyang nakayuko sa harap ko habang hawak-hawak 'yung tuhod niya at hingal na hingal. Si Enzo pala.
"Care to talk about our report?" sarcastic niyang sabi. Pinigilan ko 'yung sarili kong hindi siya taasan ng kilay. Relax Kristel.
"Ano bang gagawin na'tin? Nagmamadali kasi ako may next class pa 'ko" umayos naman siya ng tayo niya at may binigay sa'king handouts.
"Just study that and let's talk later. Bye!" tapos tumakbo na siya palayo, later? Para namang magkikita pa kami mamaya eh huling subject ko na 'yun na kaklase ko siya. Bahala na nga siya sabi niya naman aralin ko eh.
Pagkatapos ng mga klase umuwi na ka agad ako sa 'min buti naman at hindi ko na nakasabay sila Roiland at Ellaine kung hindi baka mapaiyak nanaman ako dito sa jeep sabihin pa ng mga katabi ko baliw ako. Ginawa ko lang 'yung mga assignment ko at pagkatapos nun humiga na ko sa kama, tutulog na sana ako kaso nagvibrate yung cellphone ko. Unregistered number
'Anong gagawin natin sa report?'
Report? Teka, dont tell me si Enzo 'to? Pano niya nakuha yung number ko? Nagreply naman ako.
'I dont know, you have ideas? Paano mo nga pala nakuha number ko?'
After few minutes nagreply din siya sa akin.
'Yeah, I have idea but I need your help. Magkikita pa naman tayo bukas sasabihin ko nalang. I got your number from our ICT prof.'
Oh, kay ma'am niya pala nakuha, siguro dun 'yun sa index card na pinasulatan ni ma'am nung unang araw ng pasukan.
'Okay!'
Hehe, tipid ng reply ko. Itatago ko na sana 'yung cellphone ko kaso nagvibrate ulit.
'Thanks, goodnight Kristel :)'
He called me Kristel, hindi na Buenavidez. Well, that's better hindi naman kasi ako sanay na tawagin sa apelyido parang masyado namang formal 'yun.
BINABASA MO ANG
Taking One Step Closer
RomanceHow to move-on? That are the words that Kristel have been questioning to herself for years. After her first love broke her heart, she had struggled on forgetting her love for him through different means but still failed miserably. Until one day, he...