Ending
Fairytale
Enzo was right, hindi lahat ng love story may happy endings katulad ng mga fairytales kasi may tragic endigs din kung minsan naman hindi lang talaga sila meant for each other tulad ng sa 'min.
I was left here in the Philippines alone with his memories.
Dalawang taon na rin ang nakakalipas, last year ko na 'to sa college at biruin niyo 'yun? Running for Magna Cum Laude pa 'ko. Hindi naging madali sa 'kin bawat araw na lumipas, feeling ko kasi hinahaunting ako ng mga memories namin na magkasama. I tried my best para kalimutan siya pero hanggang sa huli hindi parin ako successful. Wala din akong narereceive na kahit ano galing sa kanya. Call, text or e-mail ni isa wala. At all this time isa lang ang napatunayan ko ang malas malas ko sa pag-ibig. Four years na akong single, may nanliligaw naman sa'kin pero palagi ko ding binubusted dahil nga ayokong maging komplikado ang lahat at masaktan lang namn ang isa't-isa.
Kung itatanong niy ang tropa ko they are all fine. Ako at si Nyx, we're in good terms kahit na minahal niya talaga si Enzo dati. Hindi naman daw niya nagawang paibigin din sa kanya si Enzo at tanggap niya na daw yun.
Si Roiland naman can you believe it? Sila na ni Coco, ang bestfriend ko, kahit nung una para silang aso't pusa bandang huli bumigay rin si Coco sa kanya. Hindi ako against sa relasyon nila masaya pa nga ako dahil parang dalawa na 'yung bestfriend ko. Hindi rin ako naaawkwardan sa sitwasyon dahil hindi naman kami bitter sa isa't isa.
Si Kuya Kristoff naman ay nakita na ang love of his life, si Ate Jane. They accidentally met nuong hinahabol ako ni Kuya sa airport nuong paalis na si Enzo, nakabunggo niya kasi si Ate Jane nun. In one month time ikakasal na sila, I can't wait na magkaroon ng mga pamangkin.
Nandito ako ngayon sa garden ng university habang nagsusulat ako sa diary ko. Ito ata ang karamay ko nung mga panahong sobrang lungkot ko, ang diary ko na alam ang buong buhay ko. I was waiting for Nyx and Linn nang magvibrate ang phone ko.
Kuya Kristoff Calling...
Ba't kaya siya napatawag? At this time? Alam ko kasing nasa trabaho siya at malimit na tumawag 'to sa 'kin o magpaistorbo kapag nasa work siya.
"Hello?"
"Kristel, you're still in the school?" napataas 'yung kilay ko sa tanong niya.
"Yeah? May dadaanan pa kami nila Linn sa mall mamaya. Baka late na ako umuwi"
"Ganuon ba? Okay sige! See you later!" then he hung up.
Ha? Ang weird naman niya. Tinanong lang kung anong oras ako makakauwi. Isusurprise niya ba ako or something? Kakatapos lang ng birthday ko ah? Nagkibit-balikat nalang ako at hindi iyon pinansin.
Naghintay pa ko ng mga ilang minuto at dumating na sila Nyx at Linn, sabay-sabay kaming pumunta sa SM para makabili ng dress na gagamitin sa baccalaeureate party namin. I chose this red body hugging dress na above the knee ang haba. Medyo excited ako, sino ba namang hindi kung nalalapit na ang graduation at sa susunod na buwan ay magtratrabaho na ako or mageexam sa board for cpas.
Pagkatapos naming makapili ay kumain lang kami sa Max's at sabay-sabay na kaming umuwi. Pagdating ko sa bahay, nakita kong bukas ang gate ng bahay namin which is really odd dahil alas otso na nang gabi at mahigpit sila mama sa ganito dahil palaging may napapabalitang magnanakaw dito sa 'min nitong nakaraang araw. samin nakita kong bukas yung gate ng bahay.
Pagpasok ko sa bahay ay nakita ko ang malalaking luggage sa salas na 'min. Narinig ko ang kaluskos mula sa kusina namin and there I saw ate Jane and kuya Kristoff, "Nandito kama pala Kristel" ani ate Jane sa 'kin.
BINABASA MO ANG
Taking One Step Closer
RomanceHow to move-on? That are the words that Kristel have been questioning to herself for years. After her first love broke her heart, she had struggled on forgetting her love for him through different means but still failed miserably. Until one day, he...