First Part
Still hurting
Unang araw ng klase at nagmamadali na akong pumunta ng school dahil late na 'ko. Pagkapasok na pagkapasok ko sa classroom sakto namang tinawag yung pangalan ko.
"Present!" nagtinginan sa'kin yung mga kaklase ko at sabay-sabay naghagik-higakan. Napataas nalang ang balikat ko dahil sa reaksyon nila. Palagi kasi akong nalalate sa unang klase kahit nuong nakaraang semester. I think now I'm on the right timing. Haha
Tinignan ko 'yung mga mukha ng mga classmate ko, halos lahat naman sila kakilala ko na dahil classmate ko din sila nung nakaraang taon maliban duon sa lalaking nasa kabilang row, he looks familiar to me. Parang nakita ko na siya somewhere or I must say may kamukha siya. Napatingin din siya sa direksyon ko kaya umiwas na 'ko ng tingin sakanya. Baka kung ano pang isipin nun. Malilisyoso pa naman mga tao ngayon.
Lumipas 'yung mga sumunod na araw at pare-parehas lang ang ginagawa ko, ang mag-aral ng accounting, maglakwatsa tuwing friday at saturday at ang tignan sa malayo 'yung ex ko, hindi ko naman maiiwasan 'yun dahil parehas kami ng university na pinapasukan.
Tumatakbo ako nun sa corridor dahil malalate nanaman ako sa klase ko nang may tumawag sa 'kin, "Kristel!"
Napatingin ako at nakita kong hinahabol pala ako ni Sarah, classmate ko sa isa kong subject. Dahil nga nagmamadali ako dahil malamang eh nagsisimula na 'yung first class ko eh naglakad ako paatras habang kinakausap siya.
"Bakit? Malalate na 'ko sa klase ko!" sigaw ko din sa kanya dahil nasa dulo pa siya ng pasilyo ng palapag kung saan ang klase ko.
"May gimik mamaya sumama ka!" anya na habang kumikinang ang kanyang mata. Oh right, si Sarah 'yan kung may kilala akong pinakagalang babae sa buhay ko eh siya ang nangunguna sa listahan ko.
Ngumiti ako sa kanya at nag'ok sign' kaya tumakbo na siya ulit pababa ng palapag kung nasaan ako.
Nagpatuloy lang ako sa paglalakad ng patalikod habang tinatanaw ko ang likod ni Sarah. Hindi ko sinasadyang may mabunggo ako sa likod ko dahil paatras nga akong naglalakad. Napatingin ka agad ako sa kanya at 'di ko inaasahang ang lapit na pala ng mukha namin sa isa't-isa, nagkatitigan kami pero siya rin ang unang nag-alis ng tingin niya sa 'kin.
"Ah, sorry miss hindi ko sinasadya" aniya habang nakatingin sa akin.
"Hindi, ako nga yung nakabunggo eh, sorry!" nakangiwi kong sabi sa kanya.
He smiled at me at kasabay nuon eh ang pagtawag ng isang babae sa kanya.
"Enzo!"
Napatingin kami duon sa tumawag sa kanya. She has a long brown hair, makinis at maputi ang balat niya. I think she's also wearing a brown contact lens at hindi hamak na mas matangkad siya sa akin. Model type.
Lumapit siya sa amin at tumabi siya duon sa lalaking tinawag niyang Enzo.
The girl smiled at me at tinanguan lang ako nung Enzo. Sabay silang pumasok sa loob ng classroom na papasukan ko din.
Yung Enzo 'yung nakita ko nung first day of class 'yung parang may kamukha at 'yung kasama niya girlfriend niya?
Perfect couple. Bagay kasi sila sa isa't-isa.
Hay ba't ba ang usyosa ko nanaman? Pinapakelaman ko nanaman buhay ng may buhay. Teka, malalate na nga pala ako!
Hindi naman naging madali 'yung mga sumunod na araw dahil exam week na namin, nakatambay kami sa garden habang nagaaral ng mapadaan sila Enzo kasama yung girlfriend niya sa harapan namin.
BINABASA MO ANG
Taking One Step Closer
RomanceHow to move-on? That are the words that Kristel have been questioning to herself for years. After her first love broke her heart, she had struggled on forgetting her love for him through different means but still failed miserably. Until one day, he...