CHAPTER 3: Smile.

283 4 0
                                    

KEAN
Tapos na ang lahat na magpakilala. Start na ng klase namin sa first subject. Si Mrs. Cagandahan ang adviser ko this year.Nag-meet na kami kanina. Paano? Ganito yun.

FLASHBACK:

Habang hinihila ako ni Ma'am Hannah kanina, may papalapit na isang guro sa amin. Isang malaking babae.

"Ms. Hannah. What is happening? Is there a problem?" tanong nya using her powerful voice.

"Oh. Good morning Mrs. Cagandahan :) Wala naman po. Wala naman po masyado. :) Itong Estudyante nyo po kasi, ayaw pang pumunta sa Classroom nyo." Wika nya w/ matching taas-baba kilay sa akin.

"Ow. Why? May problema/ kaaway ka ba sa Room ko?" Nakatingin sya sa akin pero nakakapit pa din ako sa bakal ng bintana.

"Ah. Eh. (lunok laway) Wala naman po. Ayaw ko lang po talaga sa Section 1." Grabe! Nakakatakot naman 'to! First time na kinabahan ako sa Teacher.

"Naranasan mo na bang mapunta sa Section 1?" Tanong niya sa akin.

"Yes Ma'am. Pero, kung tatanungin niyo po ako ngayon kung bakit ayaw ko dun. Mas maganda pong sarilihin ko na lang ang dahilan." Pormal kong sagot.

"Well, wala akong magagawa kung ayaw mo. Pero, hindi yun ganun kadali anak. Madaming aayusin para lang mailipat kita sa Lower Section. Could you wait for a Week?" wika niya.

"Yes Ma'am. Thank you. Just a Week. One Week to be exact Ma'am." Assurance ko. Kailangan kong maging sure. :)

Kasalukuyan...
So, eto na nga ako. Nasa bandang likod ng upuan. Dito sa Section 1. Pumayag akong pansamantalang mag-stay dito dahil may aayusin daw sila para makalipat ako ng Section.

Grabe! Ang boring dito! May maingay pero, parang non-sense kausap. Ayaw ko ng ganito. Kunsabagay, 1week lang naman. After that, Iingay na naman ang mundong ibabaw! Wahaha!

Napapangiti ako habang iniisip ko na ang mga kalokohang gagawin ko. Nang biglang....

Oh my G! Nakatingin siya! Waaaaah! Kinikilig ako! Grabe! Sobrang ganda niya talaga!

Ngumiti ako sa kanya. Hindi naman ako nabigo dahil ngumiti din siya. Hindi lang mga labi niya ang naghatid ng mala-Anghel na ngiti. Pati na rin ang kanyang mga mata. Grabe lang talaga! :) Pwede na akong himatayin! SMILE! :)

CLUELESS (Lesbian Lovestory)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon