Chapter 4: Break time

233 7 0
                                    

KEAN

Ring!

Sa wakas! Nakaramdam din yung Teacher namin! Kanina pa ako inaantok!

Sa Canteen.
May lumapit sa akin habang nakaupo ako mag-isa dito sa table malapit sa Entrance.

"Hey dude! Kumusta?" tanong ni Jan-jan. Isa sa mga utusan ko nung First Yr.

*Tok! ( Parang niyog yung tunog nung ulo niya nung kinutusan ko siya.) "Boring brad." sagot ko, sabay halukipkip.

"Aray! Kailangan ba laging may pananakit? Tss!" Reklamo nya.

"Bakit?! Umaangal ka na? Humanda ka sa akin pag ako inilipat na ng Lower Section. Magdasal ka na sana'y hindi mo ako maging kaklase." Pananakot ko sa kanya.

"Hehehe. Hindi ah?! (Sabay kamot sa hindi makati.) Sinong nagre-reklamo? Sasapukin ko Pare!" sagot niya.

"Tss! Lumayas ka na nga! Wala kang kwenta! Sinisira mo yung araw ko ih! Nananahimik ako dito ih!" Pagtataboy ko.

"Eh pre, wala ka bang ipapabili? Baka nagugutom ka na?" Tanong niya.

"Sus! Ayan tayo ih! Concern-concern-an ka pa huh? Ako? Baka ako nagugutom? Ako nga ba o ikaw? Hmm! Hampas kita sa lupa ih! Oh, ayan! Bumili kang Hot cake at juice!" Sigaw ko sa mukha niya.

"Ooopss. Before you leave. Akin yung juice huh? Bilisan mo." Utos ko sa kanya.

"Paano naman ako? Wala ba akong juice? Pag ako nabulunan, walang panulak." reklamo nya.

"Tutulak na lang kita diyan sa bang-bang (Kanal) sa labas. Mabilis pang alis ng bara sa lalamunan yun." sagot ko.

"Go! Dali! Matutuyuan ako sayo! Umalis ka na! " dagdag ko.

Salamat at umalis na din ang kumag. Matatahimik uli ako.

Pagkalipas ng sampong segundo...

May isang pamilyar na pigura ang dumaan sa bintanang nasa aking harapan.Isang pigura na anghel lamang ang maaaring mag may-ari. Isang anghel na, matagal ko ng pinapangarap.

Pagkapasok na pagkapasok pa lang nya sa Entrance ng Canteen na ito ay nagliwanag na agad ang paligid. Grabe talaga!

Iniisip ko tuloy kung gaano katagal ang paghuhulma ni GOD ng mukha niya. Perfect. Wala akong masabi. Hindi ko alam kung gaano ako katagal na naka-tanga dito.

Wala akong pake kung nakanga-nga na ako dito. Basta, iba talaga ang dating niya. Inlove na nga ata talaga ako sa kanya. :)

CLUELESS (Lesbian Lovestory)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon