CHAPTER 2: Si Margaux

354 7 0
                                    

KEAN

Hmmm? Eto na nga ba ang sinasabi ko. Sobrang tahimik dito. Nakakainip. :/ Dito na nga ako sa last row umupo para may makatabi akong pasaway kaso, parang kahit saang sulok ng classroom na ito ay hindi ako makakakita ng katulad ko! Tsk!

Isa isang nagpapakilala sa unahan yung mga kaklase ko. Wala naman akong pake sa kanila. Isa lang naman ang dahilan kung bakit ako nandito. Si Margaux. Ang nag iisa kong crush na super ganda, talented, at brainy! :D

Di ko napapansin, napapangiti na pala ako mag-isa sa kaiisip sa kanya. Sa First row siya nakaupo. Kaya abot tanaw ko na siya maghapon. Hindi ko na kailangan pang sumilip ng bintana para lang masulyapan ang kagandahan nya. Hindi ko na kailangan pang magpa-pansin sa kanya. Classmate ko na siya. Nasa harapan ko na siya.

"Hi! :3 i'm Margaux Lopez. I love singing and dancing. Mahilig din ako sa music. Fave band ko ang Callalily. Kilala na ako nung mga naging classmate ko last year. At dun sa mga bago ko pa lang nakilala, gusto ko din kayong maging kaibigan. Lapit lang kayo sa akin. Hindi ako magsusuplada. Promise!" pagpapakilala nya. Gravity! Ugh! Ang ganda nya talaga! Sobrang bait pa! my goodness! ow my! aaaaahhh! kinikilig ako inside! HAHAHA! :D

Habang nagpapakilala sya, eto tumatakbo sa isip ko. "Gusto mo pala kami maging kaibigan huh? Well, ako? Hindi. Dahil magiging ka-IBIGAN mo ako." naka devil smile pa ako sa kinauupuan ko.

Mukang siya nga lang talaga ang dahilan ko upang magtagal sa room na ito. Wala akong ka close ni isang tao dito. Ka-batchmate ko man nung elementary yung iba dito, hindi pa din yon dahilan para pansinin nila ako o pansinin ko sila.

Hindi nagtagal, ako na yung magpapakilala. "i'm keandra. Mahilig ako mag soundtrip. Fave band ko ay Secondhand Serenade at Red Jumpsuit Aparratus. Marunong kumanta. Pero di ko sinasabing magaling ako. Marunong lang. Sana maging kaibigan ko kayong lahat. Salamat. :)" pagpapakilala ko.

CLUELESS (Lesbian Lovestory)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon