CHAPTER XI

31 3 0
                                    

Ilang taon na nga ang nakalipas. Sinubukan akong ligawan ni Cristopher. Noong una ay parang ayaw ko siyang pagbigyan pero habang tumatagal ay napagisipispan ko na dapat hindi ako selfish. Oo "selfish" ang term ko dahil matagal ko din sinara ang puso ko sa iba dahil gusto ko na si Lawrence lang ang dapat laman nito. Isang taon ng nanliligaw sa akin si Cristopher pero hindi ako makadecide. Nalaman ng mga magulang ko at mga magulang niya na nanliligaw siya sa akin. Sa totoo lang, okay lang naman sa mga magulang namin kung maging kami.  Simula noong nililigawan niya ako ay halos araw-araw siyang nagbibigay ng rose. Gabi-gabi siyang tumatawag. Kapag may sakit ako ay inaalagaan niya ako. Ang dami niyang ginagawa para sa akin pero ni minsan ay hindi siya humingi ng kapalit.

Akala ko mawawala na ng tuluyan ang nararamdaman ko kay Lawrence pero hindi pa rin pala. Ang hirap talaga. Gusto ko tuloy magkaroon ng Amnesia. Sa lahat ng oras na kasama ko si Cristopher mas lalo kong namimiss si Lawrence. Sa lahat ng oras na kasama ko siya ay lagi kong naiisip na sana siya na lang si Lawrence.

 "Genevieve, are you okay?"

"I'm fine... I'm fine"

"You miss him, don't you?"

"Yes but..."

"Alam kong mahirap siyang makalimutan pero nandito naman ako. I will give you everything that he can't give."

Ngumiti ako sa sinabi niya pero yung "everything" na iyon ay napakaimposible para sa akin. Ang everything para sa akin ay makasama si Lawrence pero hindi niya maibigay sa akin si Lawrence.

Kung pwede ko lang talaga ibalik ang oras kung kailan siya umamin sa akin gagawin ko pero Ii can't. Sana nasabi ko sa kanya kung gaano ko siya kamahal bago ako umalis. Para sa iba siguro "mahal?" pero aminin natin sa sarili natin, saan ba ang patutunguhan ng lahat, doon din naman talaga tayo babagsak eh.

Sa bawat pinupuntahan ko dito sa america, sa bawat chance na nakakakita ako ng shooting star, sa bawat oras na wala akong kasama o ginagawa, humihiling ako na sana makasama ko naman siya kahit saglit lang. Makausap o marinig ang kanyang boses kahit 5 seconds lang.

 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 04, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Now or NeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon