Ang daming nagbago, sobrang dami. Halos hindi na ako gaya ng dati. Tatahimik ako sa isang sulok at pinapanood lang ang lahat pagkatapos ay maghihintay ng milagro na mangyayari. Kahit na nagkakaganyan ako ay hindi pa rin ako iniwan ng mga kaibigan ko. Naiinis na ako sa sirili ko dahil hindi ko magawang maging okay sa harapan nila. I guess nahulog na ako kay lawrence kaso may ibang siyang sinalo.
Sabay ng pagbagsak ko sa kanya ang pagbagsak ng mga grades ko, mga tiwala sa akin ng ibang tao, mga oras ko sa mga kaibigan ko at pagiging masayahin ko. Ganito pala ang magiging epekto kapag inlove ka. Kaya pa noong una ayaw na ayaw ko mainlove. Sana pinanindigan ko na lang ang pagiging manhid kasi mas nakatutulong ito sa akin kaysa naman sa sitwasyon ko ngayon.
Ayaw ko na ng ganito. Nakakapagod ng sobra. Kahit na gusto mo siyang kalimutan hindi mo magawa. Kahit na gusto mong ibalik ang dati hindi na pwede. Tapos na! hindi na pwedeng baguhin ang lahat. Naghihintay lang ako sa wala. Iniiyakan ko ang mga walang kwentang bagay. Ano ang kapalit ng lahat ng ito? Wala naman diba? kailan pa may magandang naidulot ang pagiyak sa napakawalang kwentang bagay.
Sadyang namimis ko siya. Nakakabaliw at nakakalito. Kung ito talaga ang patutunguhan ng lahat ay pilit ko itong tatanggapin ng buong puso kahit na masakit. Alam ko naman na may taong para sa akin. Hindi ko siguro siya nakikita o baka naman nandiyan lang siya pero hindi ko alam.
Gabi-gabi ay hirap akong matulog. I tried to get him off my mind sa pagplay ng piano pero ayaw talaga. Hindi ko ipinapakita sa kanya na nagseselos ako. Sa tuwing nakikita ko silang magkasama ni Stephanie ay nadudurog ako sa loob. Hindi makahinga at hindi makagalaw. Mabuti na lang at nandito palagi si Kurt, Jeanne at Samantha para tulungan ako.
"Alam mo he is not the only boy in this world naman eh." sabi ni Samantha
"Tama si Samantha, makikilala mo rin yung the right guy." dagdag ni Jeanne
"Genevieve, sabi mo hindi ka magkakaroon ng lovelife. Natatawa ako sa lagay mo ngayon. Heto ang masasabi ko sayo, you are smart and at the same time sporty at gamer na rin pero itong laro na ito ay hindi mo dapat nilalaro. Love is a game, totoo iyan pero huwag ka muna maglalaro ha. next time na lang."
Tama nga siguro ang mga sinabi ng mga kaibigan ko. He is not the right guy for me besides ako rin naman ang may kasalanan kung bakit nawala ang feelings niya para sa akin.
BINABASA MO ANG
Now or Never
Teen FictionThis story is all about a girl who never thought of having someone who could change her life. A life that is good and it becomes even greater until obstacles came and ruin some parts of her life. Will she pass through all these problems? Let's find...