Let me introduce to you Steven Kurt. Si kurt ay ang kaibigan kong napakakulit, mapang-asar, considerate, patient at kung ano-ano pa. Siya lang yata ang kakilala ko na kayang pakinggan lahat ng mga sinasabi kong walang kwenta. Siya lang yata ang kakilala kong kaya akong i-handle at my worst. I don't care kahit na friend siya ni Lawrence and even if they are like brothers. I know na masasaktan si Lawrence dahil sa lagi kong kasama si Kurt but I'm friends with kurt before I met Lawrence.
Madami siyang alam tungkol sa akin. Sa katunayan, siya lang ang classmate kong lalaki na lagi kong kinakausap.
Habang nagsusulat ako ng isang kwento tungkol sa isang taong ayaw ko ay bigla niya itong kinuha.
"Uy, ano kaya ito?" mapang-asar na sinabi ni Kurt
"Kurt, ibalik mo yan sa akin! huwag mong basahin yan!"
“Ayaw ko nga!” sabay tawa
Sinubukan kong kunin ang papel ngunit ang tangkad niya masyado kaya ang ginawa ko ay kiniliti ko muna siya at nang maabot ko na ang papel ay pinalo ko siya sa kanyang braso.
“Aray!” sabi niya
“Yan kasi, isa pa gusto mo?”
“Huwag! ang bigat kaya ng kamay mo”
Hindi ko alam na nakatingin pala sa amin si Lawrence that time. Iba ang kanyang iniisip sa kung ano talaga ang nangyayari at bigla siyang sumigaw.
“Pwede huwag dito!” pagalit niyang sinabi
“ Sino ba ang sinasabihan mo?”
“Hindi ba halata? Kayong dalawa ni Kurt. President ka pa naman tapos ikaw pa yung pasimuno ng ingay.”
Tumahimik ako at yumuko na lamang. Bumalik na lang ako sa tamang upuan ko. Ngayon ko lang makitang magalit sa akin si Lawrence at nakakagulat ng sobra. Nanginginig ang mga paa ko at tila ayaw ko na ngang tumayo pero makalipas ang ilang minuto ay tinawag ako ni teacher at sinabing maiwan daw kami ni Lawrence kapag uwian na para maglinis. Dahil sinabi ni teacher na ako na lang daw ang magiinform kay Lawrence…
“Lawrence…tayo raw yung maglilinis mamaya.” Wala siyang reaction sa sinabi ko. Kahit na ilang beses ko itong inulit ulit sa kanya ay parang wala pa rin itong halata, at bigla na lang…
“ANO BA KASI ANG PROBLEMA MO LAWRENCE! KINAKAUSAP KITA NG MAAYOS TAPOS GANYAN KA!”
“AYAW MO ITONG GINAGAWA KO? YOU NEED NOT TO SHOUT, YOU NEED NOT TO SCREAM. UMALIS KA NA LANG AT HUWAG KANG SUMIGAW!”
Siya…siya na nga ang sumira ng araw ko . Ilang lingo kaming hindi nag-uusap kahit na may group activities pa kami. I don’t want to see his face and I really don’t want to hear his voice pero ano nga ba ang magagawa ko kung nasa the same classroom lang naman kami?
Isang araw lumapit sa akin si Stephanie.
“Ang kapal naman ng mukha mo para pagsabihan at sigawan mo si Lawrence!”
“Stephanie, that was 3 weeks ago. Could you just please stop it!”
“Stop what? This argument? That would be a NO!”
“I’m not going to argue with someone like you.”
“ You did not just say that to me.”
“I just did Stephanie. Gusto mo talaga ituloy? Sige magdebate tayo hanggang sa magsawa ka. For the whole class to know, simula pa noon…I really really hate the way you act. Gusto mo lagi ikaw ang bida. Gusto mo lagi ikaw ang nakakaangat sa iba. Gusto mo lagi ikaw ang center of attraction. That ends now! I’m the president of this room and not you. If you want me to respect you then move out of the way and start acting like someone who is worthy to be respected.”
Tumahimik ang buong klase at walang kumausap sa akin maghapon. Sinabihan ako ni Jeanne na magrelax lang at sila na na Samantha ang bahala kay Stephanie kung sakali na babawi siya.
BINABASA MO ANG
Now or Never
Teen FictionThis story is all about a girl who never thought of having someone who could change her life. A life that is good and it becomes even greater until obstacles came and ruin some parts of her life. Will she pass through all these problems? Let's find...