CHAPTER III

29 6 3
                                    

       

        Hindi ako makapagconcentrate sa mga ginagawa kong projects. Ang pangit kasi ng gising ko. Ang sama rin ng aking panaginip. Gusto kong umiyak dahil hindi ko maintindihan ang aking nararamdaman. Parang may nagawa akong mali. Maghapon akong nagkakaganito. Maghapon akong natutulala na lang bigla at maya't-maya ay okay nanaman sa paggawa ng projects. Para lang matakasan ang nararamdaman ko ay nag-online ako sa isang account ko. Akala ko magiging maayos na ang lahat pero bigla lumalala ang masamang pakiramdam ko nang makita ko na may isang message sa aking inbox. Binuksan ko at...

                (FROM LAWRENCE)

"Genevieve, sorry talaga kung nasabihan kita ng masama noon. Alam ko matagal na ito pero hindi ko matiis na huwag kang kausapin. Sorry talaga, patawarin mo na ako please...gagawin ko lahat para makabawi. Gagawin ko lahat para sa iyo. I just want it the way it was before. I know you're not mad at me anymore kasi alam ko na mabait ka at mabilis ka magpatawad sa mga may kasalanan sa iyo."

                (MY REPLY)

                                "Ewan"


        Alam kong nagsosorry siya sa nagawa niya pero hindi ako ganoon kabilis makalimot ng mga pangyayari kaya kahit ano pa ang sabihin niya ay parang wala lang sa akin. If I were important dapat kahit alam niyang ako ang unang nagalit ay hindi na niya dapat ito sinundan pa ng mas malala.


                Nakatulog ako ng maayos rin ako ng maayos at nagising na magaan ang pakiramdam. Umuulan sa labas at umupo ako sa may bintana para panoorin ito habang umiinom ng kape. Binababa ko ang aking baso at inaalala ang paghingi ni Lawrence ng patawad. I'm starting to feel bad again dahil ang reply ko lang sa kanya ay "Ewan". Naalala ko lahat ng effort na ginawa niya  para sa akin before the fight started. Naalala ko na lumuhod siya sa harap ko para lang bumalik sa group at tapusin ang activity na ginagawa naming.

                                "Guys! Makinig naman kayo please kahit ngayon lang kayo makipagparticipate." Wala pa rin nakinig kaya nagwalk out na lang ako at pumunta kay Kurt.


                                "Oh, tapos niyo na yung activity?"


                                "Ako? Syempre naman, tapos ko na yun kanina pa pero yung mga kagrupo ko hindi pa."


                                "Diba ikaw yung leader?"


                        "Oo pero wala ngang nakikinig."


                Biglang may humila ng kamay ko

                                "Genevieve, balik ka na please." Palambing na sinabi ni Lawrence


                                "Bakit ako babalik doon kung wala naman nakikinig!"

                                "Balik ka na please"

                                "Kaya niyo na iyan"

                                "Please! Please!...." sabay luhod

                                "Tumayo ka nga diyan"

                                "Balik ka muna"

                                "Hindi nga eh!" sabay hila kay Kurt at pumunta kina Samantha at Jeanne.


                Gulat na Gulat ang mga kaibigan ko sa nakita nila. Hindi nila akalain na luluhod si Lawrence sa harap ko. Ako rin ay hindi makapaniwala sa ginawa niyang iyon.

                Nang maalala ko  ito at ang iba pa niyang ginawa para sa akin ay unti-unting nahuhulog ang loob ko sa kanya.

Ngayon lang nangyari sa akin ang mahulog ang loob sa isang lalaking katulad niya.


                Isang araw ay nagkaroon ng debate sa room at technology ang pinagdebatehan. Ang ganda na ng flow ng debate pero biglang nasira nang ilayo ni Lawrence ang usapan.

                                "Alam mo, hindi ako in favor sa robots. Alam mo kung bakit? Kasi manhid sila. Wala silang feelings."

                                "Lawrence , alam ko manhid ang mga robots. They can't help us if we are having problems that has something to do with our emotions pero they help us na mapadali ang mga trabaho. Huwag mo ngang ilayo yung topic. Pinaguusapan natin dito community at technology. Hindi yung kung may feelings ba ang mga robots."

                Nanalo ang side ko pero naiinis ako kay Lawrence. Hindi naman niya kailangan na ipamukha sa akin na manhid ako. I was shaking for the whole hour. Gusto kong pumunit ng mga papel pero pinilit kong pakalmahin ang sarili ko.

                Ang gulo ng nararamdaman ko. Nalilito ako sa mga nangyayari. Bakit sa tuwing kinakausap ko siya bumibilis ang pintig ng puso ko? Bakit? Hindi ko mantindihan. Hanggang kalian ba ako magkakaganito?

               



Now or NeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon