Chapter 1: Thief
"Yes! Yes, Adi! Yes! I love it!"
"That's it! Pack up!"
Everyone clapped along as the director announced that we're finished. Agad akong naglakad palapit sa kinatatayuan ng director kasama ang manager ko na nakatingin rin sa monitor ng raw photos na kuha ng photographer.
"Amazing as ever, Adi!" The director exclaimed.
"Well, I have you and the best staff. It will not be this amazing without you guys." I answered back.
Tanging ngiti at tango ang ginawa ng mga nakarinig na staff sa aking sinabi dahil maski sila ay nagmamadaling ligpitin ang mga equipments na ginamit sa photoshoot. Habang ang director naman ay panay tango muna sa harap ng monitor bago ako nilingon muli.
"This will be perfect. Anyway, I heard from Farrah that you have a deadline to catch today so you can leave us now and just let me and your manager talk about our potential upcoming projects with you."
Napalingon ako sa aking manager na si Farrah na tanging tango na lang ang nagawa sa akin dahil agad na siyang hinila nito patungo sa isang mesa para makipag usap.
Wala na rin akong nagawa pa kaya agad akong pumasok sa dressing room para magpalit ng damit. Nang mapagtanto kong wala ang hinahanap kong paper bag na may laman ng aking uniform ay nasiguro kong mali ang nadala ni Farrah sa dressing room ko.
Laman ng paper bag na nasa mesa ay isang pantalon at white loose long sleeves. Iyon na lang ang sinuot ko muna at mabilis na akong nagpaalam sa mga natirang staff sa silid dahil sa hinahabol kong oras. Wala na akong oras pa para magpabalik balik mula sa kotse.
Mabilis akong nakarating sa aking sasakyan at agad nagmaneho. Napansin ko pa ang paper bag na hinahanap ko sa backseat bago ko isarado ang pintuan ng kotse.
I need to drive faster para makahabol ako sa second class ko para makapagpasa ng aking first draft ng thesis. Ang kaninang isang oras na malalaan ko sana sa pagmamaneho ay nabawasan ng halos labing limang minuto dahil sa paghahanap ko kanina ng uniform ko.
I have a busy schedule last week na kahit pati ang weekends ko ay loaded. Today is Monday at ito ang aking last schedule for this month. Last week pa dapat ang pasa ng first draft. I was only considered by my Professor dahil naiintindihan naman nito ang paliwanag ko sa naging overseas photoshoot ko. Kaya hindi puwedeng mahuli ako sa klase niya.
From Tagaytay to Manila, I arrived faster than what I expected. Pero nang mapansin ko ang oras sa aking relos ay wala na akong choice pa kung hindi bitbitin na lamang ang dalawang paper bag na may laman ng uniform ko at sapatos.
Plano ko sana kanina na magpalit sa dressing room ng aking uniporme at sa kotse na lang magsuot ng aking sapatos. Pero dahil mali ang nadalang paper bag ay nakacasual tuloy ako na lalabas. Hindi ko rin namang puwedeng suotin ang aking sapatos nang ganito ang suot kong damit kaya wala na akong choice kung hindi huwag na ring magpalit ng suot kong high heels.
I also haven't erase nor change my make up dahil sa pagmamadali. Hassle rin sa sasakyan dahil ako ang nagdrive. So I was left with this dark heavy make up in may face right now.
Lumabas ako sa aking sasakyan sa parking lot bitbit ang dalawang paper bag sa kanan habang sa kaliwa naman ay dala ko ang draft ng thesis ko. Suot ko rin sa kaliwang balikat ko ang isang shoulder bag.
I was like almost walking in a runway with my walking speed. I can hear my heels clacking on the floor. Kahit na nagmamadali ako ay pansin ko pa rin na pinagtitinginan ako. I can even hear their murmurs.
BINABASA MO ANG
Again
RomanceHe fell inlove with a model and he can't walk away from it. She fell in love with a singer and all she can do is let her heart sing. Language: English and Filipino