SETYEMBRE

6 1 0
                                    

Setyembre

"Hi Hannah," tulad ng iba pang pagkikita at pagbati, masayang ngiti ang binitawan ko. Sabay ang bahagyang pagyuko dahil hindi parin ako komportable kapag nasa paligid siya. This has been an occasion, lunch meeting with the whole Tribune.

"So, Ate Hannah, you'll be in-charge with make-up. Like, youre the assistant. For the respondent naman, it will be Megel." Tuloy na tango lang ang binigay ko bilang pagpayag.

Patuloy lang si Dan sa pagbibigay ng mga gawain sa paparating na broadcasting. Hindi ko maikakailang nag-eenjoy ako sa trabaho kahit na madami din akong tungkulin bilang isang estudyante.

"Who will write the script?" Nakuha ni Megel ang atensiyon ko. "I'll write it. I can send you the script this afternoon. And just tell me if there are revisions."

Matapos ay nagbitaw ako ng ngiti. Enjoying the work is an understatement. Mula noon pa man ay nasa pagbabalita na ang puso ko. I joined journalism when I was in the third grade.

"That's settled then. Meeting adjourned."

Isa-isang lumabas ang lahat. Hanggang sa huli ay ako na lang ang naiwan. Wala akong susunod na klase. Hindi naman siguro masama kung dito ako sa office magpapalipas ng oras.

Nilibot ko ang paningin. Nagkalat ang camera, tripod, at lapel. Inumpisahan kong pulutin isa-isa. Dapat talagang matuto sila maglinis ng mga gamit na iniwan.

"Hannah, halika nga dito. Tingnan mo kung anong maganda?" Dahan akong lumapit at tumingin sa screen.

Isa itong picture ng bagong kasal. Malamang ay galing sa isa sa mga trabaho niya bilang photographer. "Hindi ba mukhang makalat kapag may rainbow?"

"Ha?"

"Hindi kasi ako mapakapagdesisyon. Tulungan mo ako."

"Ha? Ah, if you're going for a fantasy theme, maganda yung rainbow. Kapag vintage naman, consider putting a flare instead." Matagal na siyang photographer kaya hindi ko maintindihan ang paghingi niya ng opiniyon.

Ilang saglit pa ay napalitan na nga ito ng madilaw na sinag ng araw. Sumilay ang ngiti sa kanyang labi habang patuloy na nakatitig sa litrato. "Thank you," mga katagang nagpabalik sa'kin.

..

"You have great voice."

"Ako?"

"Yeah."

Alanganin akong napatawa sa binitawan niyang mga salita. Pangbanyo lang ang boses ko. Masyado yatang napalakas. "Tigilan mo nga ako, Gabriel. Yung boses mo maganda. Yung boses ko pampaulan."

"No, really. Let's make a cover." Patuloy siyang nakangiti sakin kaya wala na akong nagawa kundi ang tumango. Wala naman sigurong mawawala. Hihingi na lang ako ng vocal advice sa mga kakilala.

Mabilis lang na lumipas ang mga araw. Lahat ay abala sa mga gawain pang-eskwela. Halos wala ding makikitang tao sa paligid dahil lahat ay nasa silid-aralan.

Ilang hakbang pa ay nasa tapat na ako ng office ng Tribune. May iilan akong gamit na naiwan mula ng huling broadcast.

"Hannah, you're here." Halos mapatalon ako sa gulat ng bigla may tumayo mula sa ilalim ng mesa.

"Kuya David, bakit ka nandiyan?" Halata ang gulat sa mukha ko habang alangin kung tutuloy pa ng pasok sa opisina. Akala ko walang tao dito. Dapat wala.

"Ikaw, bakit ka nandito?"

"May kukunin lang," agad kong pinuntahan ang kalat na gamit. "Nandito ba sila ma'am Cho?"

"Wala eh. Bakit?" tanong niya bago tuluyang tumayo at humarap sa'kin. Tinuloy ko lang ang pag-aasikaso ng naiwang gamit.

Ilang linggo na din at dahan-dahan akong nasanay sa presensiya niya. Masyado akong nai-intimidate sa kanya. Lalo na kapag trabaho ang usapan. Kaya hindi nakakatulong tuwing nasa paligid siya.

"Wala naman. May itatanong lang sana." Tumayo na ako at pinagpag ang tuhod mula sa pagkakaluhod para sa notebook na nahulog sa ilalim ng sofa.

Laking gulat ko sa pag-angat ng tingin nasa harap ko na siya. Nakatayong tuwid at nakangiti. Klaro ang ekspresiyon ng mukha niya, mapang-asar at mapaglaro. Bully? Maybe. Hindi ko pa naman talaga siya kilala.

"Ako na lang sasagot. Ano ba yung tanong mo?" Patuloy siyang naglalakad palapit, dahilan kung bakit ako napabalik sa pagkakaupo.

"Ha? Hindi, babalik na lang ako mamayang hapon. Baka nandito na siya mamaya."

Ilang kilos lang ay nakakuha na siya ng upuan at umupo sa harap ko sa posisyong pinakamalapit. Ano bang problema ng taong 'to?

"Ano ba kasi yung itatanong mo?"

"Kuya, hindi mo rin 'yon masasagot. May kinalaman sa results ng counseling ko." Matapang ko siyang tinitigan sa mata. Hindi naman pwedeng habang buhay na lang akong mai-intimidate sa kanya. Estudyante lang din siya tulad ko.

"Pikit ka dali, may sasabihin ako sayo." Tuloy lang siyang lumapit hanggang sa maamoy ko na ang hininga niya. Sigurado akong manok ang ulam niya ng tanghalian. Pero wala akong lakas ng loob na sabihin 'yon ng diretsuhan. Senior parin siya kesa sa'kin at dapat ay may respeto ako.

"Pinagtitripan mo lang ako eh," tapang-tapangan kong sabi kahit sa totoo ay gusto ko ng umalis. Pilit na pinapaseryoso ang mukha.

"Hindi nga. Pikit na kasi."

Yumukod pa siya palapit dahilan ng pagpikit at pagtungo ko. Initiation ba 'to sa mga bagong miyembro ng Tribune? Nagtatago ba yung iba habang bini-video-han 'to?

Kakaibang kaba ang lumukob sa dibdib ko. Kaba ng kahihiyan.

Ramdam kong lumapat pa ang mga palad niya sa balikat ko. Patunay lang na wala na talaga akong takas. Sabay ng madiin kong pagpikit ay ang hininga niya sa tenga ko, "Resorts World Manila."

Ilang segundo lang ay nakalayo na siya habang malakas ng tumatawa. Pilit ko paring pinapanatag ang sarili na tapos na ang lahat. Ni minsan ay hindi ko ginustong mapalapit ng ganoon sa kahit na sinong tao.

"Lagi mo na lang akong pinagtitripan. Tigilan mo na nga ako." May kalakasang paghampas ang hindi ko napigalang pakawalan.

"Joke lang naman. Mamayang hapon pa si ma'am Cho. Balik ka na lang," dagdag pa niya habang hindi parin matigil sa pagtawa.

Inis akong tumayo at lumabas ng opisina. Nag-aksaya lang ako ng oras, hindi ko din naman nakuha yung dapat kong kunin.

Agad kong binato ang isang suot na sapatos sa sobrang inis. Sa huli ay kinuha ko din naman ito ulit at isinuot.

Huling SakayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon