AGOSTO

7 0 0
                                    

Agosto

Bagong eskuwelahan, bagong pagsubok, bagong mga tao. Hindi ko mapigilang lumingon at tumingin sa buong paligid. Ilang taon ko ding kinumbinsi ang mga magulang ko na ayaw kong pumasok dito, but look where I am.

"Hannah Garriel." Ilang beses pa akong lumingon bago ko natunton ang boses. "Ikaw yung pinadala ng literary department?"

"Yes po, sir. Anong oras po ang slot ko for interview." Tuloy parin ang pagtingin ko sa paligid. Sobrang daming tao. Patuloy na umiikot ang mga ilaw habang may nagaganap na patimpalak.

Isang araw ang lumipas mula ng ibigay sa akin ang posisiyong ito. Broadcaster. Hindi ko inaasahan ang oportunidad, mas lalong hindi ko inaasahan na makatrabaho ang mga beterano.

Sa loob lamang ng ilang oras ay nagawa kong kumuha ng impormasyon tungkol sa mga makakatrabaho ko ngayon. Isang kilalang photographer/videographer ang nilagay na magte-training sakin ngayong araw. Balita ay napakaseryoso nito at medyo masungit.

Kahit anong pigil ay kaba parin ang umaapaw. Hindi ako pwedeng magkamali ngayon. Isa lang akong hamak na transferee at ito ang nag-iisang pagkakataon para may mapatunayan.

Tanda ko pa ang abiso ng mga kakilala, "Huwag mo masyadong pangarapin na makilala ka, lalo na at malaking unibersidad na ang papasukan mo."

"Hintayin lang natin si David. Siya ang cameraman mo ngayon. Interview-hin mo si mayor pati yung organizer. Prepare your questions. Nasa taas na si Megel."

Ilang saglit lang ay natunton ko na ang office para sa okasyon na ito. Laking pasasalamat ko na lang ng makita si Megel na nakaupo sa isang silya. Kahapon ko siya nakilala, kapareha ko daw. Siguro parang Mel Tianco at Mike Enriquez.                                                                                                                                                                                                                                                                  

"Hey, prepared ka na?" Tahimik akong umiling bagi nagbaba ng gamit sa isa pang upuan. "Kinakabahan ako. Have you met David?"

"No. Pero senior photographer daw yun eh. We'll meet him soon."

"They said he's strict. Paano pag nagkamali ako?"

Sa mga sandaling 'yon ay nilukob na ako ng kaba. Kaba sa makakatrabaho at kaba sa pagharap sa camera.

.....

"Ikaw yung magbo-broadcast?" Agad kong tinanggal ang tingin sa papel na naglalaman ng script. Maliit na tango lang ang binigay ko.

Meron itong hawak na camera at tripod. May tindig na mas mabigat sa kanan kumpara sa kaliwa. Bagong gising at nagmamadali. Sa huli ay pinili kong tumayo at dumistansya.

"New student ka?"

"Opo."

Ilang sandali pa ay lumingon ito sa direksiyon ko habang bitbit ang malaking bag. "Good luck. Ngumiti ka ha."

Sa oras na 'yon ko napagtanto na ito na pala ang tinatawag nilang David. Minsan ko na siyang nakita sa isang litrato mula sa curriculum vitae ng research paper. Bumalik sakin ang unang impresiyon ko noon, 'Mukha naman 'tong tatay para maging estudyante'.

Pilit ko mang patawahin ang sarili pero mas nangibabaw ang pagkabigla. Ngumiti siya. Malayo sa inaasahan kong titingnan ako pababa dahil baguhan. This is better than expected.

"Tara na. Sinong unang nasa schedule mo para sa interview?"

Mabilis ang lahat ng pangyayari. Hindi ko ito masundan at hindi ko din alam ang iaakto. Kaliwa't kanang tunog ng camera at libong tao ang nasa paligid.

"Sabihin mo lang kapag handa ka na."

Lahat sa paligid ay tumahimik. Sobrang kaba ang lumukob sakin habang kinakabitan ng lapel. Halos hindi ko mapansing nasa gitna ako ng parking area ng unibersidad habang may pulang kotseng bumubusina para tumabi kami.

Malalim na hininga ang aking binitawan bago ngumiti at humarap sa camera. Sa puntong 'to ay paulit kong binubulong sa sarili na hindi ako pwedeng magkamali. This is one shot and nothing more.

Mula ng pumasok ako sa unibersidad na 'to ay masyadong bumilis ang takbo ng buhay. Isang araw ay hindi ako kilala ng kahit na sino. Pero ngayon ay mapapanood ako ng libong tao. Nakilala ko si Megel, David, Dan, Matty, Mikael at Pao.

"This is Hannah Garriel from The Tribune reporting, mabuhay!"

..

"Uy ang galing mo kanina. Hinintay talaga naming ipalabas 'yong video mo. Congrats, girl."

Alanganin akong napangiti. Konti na lang ang mga tao.

"Naging crush kita ng mga one minute. Ang galing mo do'n."

'Di ko na napigilan ang tawa dahil sa mga kaklaseng lumapit para bumati. I feel ecstatic. Natapos ko ng maayos ang araw na 'to.

"Thank you."



HINDI ko inasahan na ang unang pagkikita ay masusundan pa. Pangalawa, pangatlo, pang-apat, hanggang sa tumigil na ako ng pagbibilang. Hindi ko din inasahang sa bawat pagkikita ay hudyat ng pagbabagong hindi ko inakala.

Huling SakayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon