OKTUBRE

4 0 0
                                    

Oktubre

"Ate Hannah, where are you? Kanina ka pa namin hinihintay. The camera's all set." Lalo naman akong nataranta sa sinabi ni dan sa tawag. Halos makalimutan ko nga na napakaimportante ng araw na 'to kaya ako na-late ng gising.

"Wait lang. Natakbo na ako papunta diyan." Kung pwede lang liparin mula sa gate hanggang sa venue ay kanina ko pa ginawa. "Basta bilisan mo na ha."

Hinihingal man ay agad na din akong dumiretso sa loob. Mula sa labas ng simbahan ay tanaw ko na ang nakaayos ng camera at iba pang equipment na gagamitin. This will be one of the biggest assignments that we had. Dapat maging maayos ang lahat.

Agad kong kinaway ang kamay habang mabilis na naglalakad para makita na nila ako. "Why are you late? Where have you been, man?" bungad na tanong naman ni Megel na agad ding tinanggal ang suot na jacket.

"I woke up late. I'm sorry, this won't happen again I promise." Agad ko naman sinuklay ang buhok niya pataas. Inilabas ko na din ang dalang make-up at naglagay lang ng konting touch-up para naman hindi maputla tingnan sa camera.

"You remember all your lines?"

"Yeah. I'm just a bit uneasy. Masyadong madaming taong dumadaan."

Agad naman akong tumingin sa balikat. Sakto sa recording ang pagpasok ng mga estudyante. "Megel, I'll stand here, okay? Sa'kin ka lang tumingin."

Tumango naman agad siya kaya pumwesto na din ako sa tabi ng camera. Ilang minuto lang ay agad na din nakuha ang footage na kailangan sa lugar na 'yon.

Mabilisan kumilos ang grupo para magpack-up at lumipat naman sa harap kung saan nagaganap ang main event.

Katulad ng mga nakaraan assignments ay naging busy din ang lahat. Matapos ang peak ng okasyon ay nakaupo na din kami habang naghihintay ng mga highlights, pero ang karamihan sa mga katrabaho ay nanatiling alerto.

"Guys, doon lang ako sa may gilid. Megel, call me kapag retouch na ha," paalam ko sa kanila.

Ilang hakbang lang mula sa set ay nakahanap ako ng bakanteng upuan. Ngayon ko lang napansin ang sakit ng binti ko sa kakatakbo at kakatayo buong umaga. Kung bakit naman kasi na-late ako.

"Masyadong busy si Hannah ah." Agad ko namang nilingon ang lalaking nagbanggit ng pangalan ko. "Jon, ikaw pala. 'Di naman hectic lang ngayon kasi umpisa ng event."

Si Jon, matagal ko ng kababata. Nagkakilala kami sa simbahan na kalaunan ay inalisan ko din. Sa batang isip ay namulat ako na kung gusto mong maghanap ng santo at mga malditang bratinela ay sa simbahan ka pumunta. Mula ng hindi magandang experience na 'yon ay lumipat na ako sa simbahan.

Kumustahan lang at dumating naman ang isa pa niyang kaibigan at sila na ang nag-usap. 'Di ko na sila masyadong pinansin at nagdesisyon na lang akong ayusin ang mga lapel na nasa bag. Tiningnan ko na din kung may sasapat ba na baterya para sa buong araw o baka naman nakalimutan nanaman nilang i-charge.

"Hi Hannah." Ano bang meron sa mga tao at lagi akong binabati? Tinaas ko na din agad ang tingin ko. "Ang aga-aga nakasimangot ka. Smile." Hinatak pa niya ang labi ko palabas para magmukhang nakangiti.

Hinampas ko naman ang kamay niya at agad na pinunasan ang laway na muntik ng tumulo. "Ano ba kuya David. Ang aga-aga nang-aasar ka." Sinamaan ko siya ng tingin pero ginaya niya lang ako at tumawa.

"Oy David, ang aga mo ngayon ah," bati ni Jon sa kabilang banda at ginawa pa nila yung handshake nila. Mga abnormal.

Tahimik ko lang na inayos ang mga gamit sa loob ng bag habang nagkukwentuha sila magkakaibigan. Balita ko ay matatalik silang magkakaibigan, pero pake ko ba.

Mula sa 'di kalayuan ay sinenyasan ko sila Megel kung may gagawin na, sumenyas naman ito pabalik na wala pero tumayo parin ako. Mas mabuting doon na lang ako sa tabi nila para madali akong matatawag.

Akmang pupulutin ko na ang bag na may lamang equipment ng may pumigil nito. "Kuya bitaw kasi. May trabaho pa ako." Ewan ko sa taong 'to bakit ang dami niyang panahon para mang-impakto.

Sa halip na bitawan ang kamay ko ay hinawakan pa niya ito at dinala sa labi. Nagpumiglas ako pero lalo lang humihigpit ang pagkakahawak niya.

"Jon, Jay, crush ko nga pala, si Hannah Garriel," Pakilala niya saakin dahilan kung bakit naman nag-apiran ang dalawang magkaibigan.

"Para kang uto," sabi ko bago tuluyang tumalikod at umalis. Kahit kailan talaga walang magawang matino sa buhay.


----


"Napakaganda talagang bata. Alam mo may anak akong binata. Paniguradong bagay kayo."

Ano 'to fixed marriage? Makalumang tao? O pastora ng simbahan? Ewan ko sa kanya at kung bakit ganyan ang pinagsasabi niya.

"Wala po akong balak mag-boyfriend. Baka naman po mas lalaki pa ako sa anak niyo kaya wala pa siyang girlfriend," sagot ko na agad namang nakatanggap ng patagong kurot mula kay mama.

Aba eh sampung taon yata ang agwat namin ng anak niya tapos wala pang boyfriend. Hindi naman na 'yon kasama sa mga problema ko.

"Try mo lang, hija. Date kayo minsan." As if naman. "Basta po libre niya lahat."

Agad namang nanlaki ang mga mata ng ginang at pumalakpak pa. "Joke lang po. Ito naman si Sister Maria 'di mabiro. Wala nga po akong planong mag-boyfriend."

"Ikaw na bata talaga. Basta sasabihan ko magsend na ng friend request sayo sa facebook."

Sa araw ding 'yon, 'Bryan sent you a friend request', na agad ko din namang in-accept. Dagdag friends, dagdag likers ika nga. At saka hindi naman ako ang naunang magsend ng friend request 'no.



Huling SakayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon