Chapter 7

9.4K 216 10
                                    

CHAPTER 7





"Sinasagad mo ang pasensya ko, Beatriz." Galit na saad ni Kris habang hinihila ako.

"A-Aray, ano ba!"

Pilit kong inaagaw ang braso ko sa kan'ya ngunit mas lalo lang niya itong hinihigpitan.

"M-Masakit," mahina kong daing.

Napatigil naman ito saglit at nagpatuloy ulit sa paghila sa'kin. Pagdating namin sa silid ay padabog niyang binitawan ang braso ko. Nakita ko ang pamumula nito dahil sa pagkakahawak niya.

"I told you already, Beatriz. I'm not a fucking saint. And I hate hardheaded shits." Diin na aniya.

Napalunok nalang ako at napayuko. Ayokong magsalita pa dahil baka mas lalo lang itong magalit at baka ano pa ang magawa sa'kin.

Gusto ko lang naman umalis na dito kaya ginawa ko 'yun. He have no rights to control me. And he will never have.

"I just want to leave here," mahinang sagot ko sapat na para marinig niya.

Nakita ko kung paano yumukom ang mga kamay nito na para bang nagtitimpi para hindi ako masaktan. Frightened embedded me when he clenched his jaw.

"This is your home. You're not going anywhere," sagot nito.

Umiling ako sa sagot niya. "Ayoko. Ayoko dito."

"You're just like your father." Napatingin ako sa kaniya nang banggitin niya siya si Daddy. Bahagya siyang ngumisi bago nagpatuloy. "Hardheaded shit."

Naramdaman ko ang luhang namumuo sa mata ko dahil sa sinabi niya.

"Don't you dare say anything bad about my Dad," matigas na sagot ko.

Dahan-dahan itong naglakad sa'kin at hinawakan ang baba ko. "Really? And what will you fucking do?"

Biglang may luhang lumabas sa mata ko. Pinahid niya ito gamit ang isa niyang kamay habang nakahawak naman sa panga ko ang isa.

"Napademonyo mo," mahinang usal ko.

Ngumisi siya na para bang normal na sa kaniyang sinasabihan ng ganon. Humigpit din ang pagkakahawak niya sa baba ko kaya napapikit ako.

"I know." Sagot nito bago ako binitawan.

Akala ko ay aalis na siya ngunit bigla nalang siyang may kinuhang bagay sa loob ng drawer na nandito. Nanlaki ang mata ko nang makita kung ano ang kinuha niya.

"A-Anong binabalak mo? Para saan yan?"

Hindi ko na maitago ang takot sa boses ko. Nanginginig ang buong katawan ko dahil sa naiisip kong balak niyang gawin.

"This is your punishment for disobeying me."

Hinawakan nito ang kamay ko paglapit niya. Pilit kong inaagaw ang kamay ko, ngunit mas malakas siya sa'kin kaya nagtagumpay siya sa gusto niya. Pinosasan niya ang dalawang kamay ko at hinila ako na parang isang aso palabas.

Pagdating namin sa sala ay nakita kong nandoon 'yung mga kaibigan niya. Iyung tatlong lalaki at dalawang babae.

Nakita kong tumingin sila sa'min ngunit wala man lang silang ginawa o sinabi. Ano namang aasahan ko? As if naman may isa sa kanilang balak tumulong.

Akmang makakalabas na kami nang nagsalita 'yung babaeng medyo matanda na sa kanila. "Saan mo 'yan dadalhin, Kris?"

Tumingin ako sa kan'ya at nakitang nakatingin ito sa kamay kong may posas na hawak ni Kris.

"It's none of your business, Joan." Sagot lang ni Kris at binuksan na yung pintoan palabas.

Malakas niya akong binitawan kaya napaupo ako sa sahig. Umalis na siya at iniwan lang ako dito. Narinig ko pa ang malakas na pagsirado ng pintoan.

Napaupo nalang ako at doon na nagsimulang lumabas 'yung mga luha ko. Napatingin ako sa langit at nakitang walang kahit isang bituin ang nandoon.

Uulan pa ata.

Bigla nalang akong may naramdaman na tubig sa braso ko kaya tinignan ko ang langit at umuulan na nga.

Naghanap ako ng pwedeng masilongan ngunit wala akong nakitang pwede. Doon nalang ako sumilong sa harap ng pintoan dahil may kaunting bubong naman dito ngunit nababasa pa rin ako.

Habang tumatagal ay mas lalong lumalakas yung ulan at hangin. Hindi ko alam kung ilang oras na akong nandito sa labas na nauulanan.

Ang alam ko ngayon ay basang basa na ako at nanginginig na rin ang katawan ko sa ginaw. Napabuntong hininga na lang ako saka niyakap ang sarili kong katawan at hinayaan ang sariling makatulog sa ginaw.

Nagising nalang ako dahil sa ingay ng pintoan na narinig ko. Napatingin ako dito at nakita ang nag-aalalang mukha ni Nanay Nilda.

"Jusko kang bata ka. Ang putla putla mo na."

Napangiti ako dahil kahit paano ay may nag-aalala rin pala sa'kin dito sa lugar na 'to.

"Halika na, don ka na mamalagi sa loob." Dagdag nitong sabi at inalalayan akong tumayo.

Napatingin ako sa ulap at nakitang umaga na pala. Hindi ko alam kung anong oras na ngunit ang sinag na ng araw.

Ngumiti ako ng pilit kay Nanay. "Huwag na po, Nay. Baka pagalitan pa kayo kapag pinapasok niyo ako."

Ayoko rin naman siyang pagalitan dahil lang pinapasok niya ako sa loob.

"Mas lalo akong mapapagalitan kapag hindi kita pinapasok, Gail. Si Sir Kris 'yung nag-utos sa'kin na papasokin ka na."

Tumawa ako ng mapakla sa naging sagot ni Nanay.

May plano pa pala siyang papasokin ako.

Hinayaan ko nalang si Nanay na alalayan ako sa pagtayo para hindi na rin siya mahirapan. Isa pa gusto ko na ring makapagpahinga ng maayos.

Pinilit akong pinapatayo ni Nanay ngunit hindi sapat yung lakas niya. Wala na rin akong lakas na tumayo para sa sarili ko. Nandidilim na rin yung paningin ko at gusto ng pumikit ng mga mata ko.

Biglang bumukas ang pintoan sa pangalawang beses at iniluwa do'n ang taong mas masahol pa sa demonyo ang ugali.

"I'll take care of her, Nay Nilda." Iyan ang huli kong narinig bago ko naramdaman na parang may bumuhat sa'kin.











Taming The BeastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon