Chapter 6

10.3K 256 8
                                    

CHAPTER 6





"I'll sleep on the sofa," saad ko kaagad pagkalabas ko ng banyo.

Nakabihis na ako at nagkasya naman 'yung damit na binigay niya. Mukha ngang alam na alam niya ang sukat ko.

His brows furrowed. "You'll sleep on the bed, with me." Aniya habang nakatitig sa'kin.

I rolled my eyes at kinuha ang isang unan sa kama.

"Kung normal lang sayo na may katabi, sa'kin hindi." Matigas na ani ko dito.

Akmang maglalakad na ako papunta sa sofa ng hinawakan nito ang braso ko.

"Huwag mong hintayin na ako mismo ang hihila sayo papunta sa kama," malamig na anito na ikinalunok ko.

Freak! Bakit ba pati boses nito ay nakakatakot?

Huminga ako ng malalim para itago ang takot ko. "I don't want to sleep beside you."

Mas lalong humigpit ang pagkakahawak niya sa braso ko bago ako hilain dahilan para napaupo ako sa kandungan niya.

"I'm not giving you a choice."

Napalaki ang mata ko at pilit na umaalis ngunit pinulupot nito ang mga braso niya sa bewang ko.

I shivered when I feel his breath on my neck. "8 years, Beatriz. I waited for 8 fucking years."

"H-Hindi ko alam ang s-sinasabi mo."

Kahit hindi ko nakikita ang mukha nito ay alam kong nakangisi ito sa'kin ngayon.

"Stop acting like you don't remember me, love."

Napapikit ako nang bahagya niyang hinalikan at kinagat ang likod ng tenga ko habang sinasabi 'yun. Pinatuloy niya ito hanggang sa napunta na ang halik niya sa baba ko pababa sa leeg ko.

"Stop. Susunod na ako sa gusto mo," paos kong saad nang hindi siya tumitigil sa paghalik don.

Lumuwag ang pagkakahawak nito sa bewang ko kaya tumayo na ako ng tuwid at humiga sa kama.

"Good girl."

Hindi ko nalang 'yun pinansin at tumalikod pahiga sa kaniya.

"I'll leave tomorrow. Don't you dare try to escape, Beatriz."

"Don't call me Beatriz. We're not close." I answered. I even rolled my eyes kahit alam kong hindi niya nakikita.

"I can call you whatever I want, Beatriz."

Bumuntong hininga nalang ako at hindi na siya sinagot. Bago ako tuloyang makatulog ay narinig ko pa itong nagsalita. "Good night, love."

Nagising ako na may mabigat na bagay sa bandang tiyan ko. Minulat ko ang mata ko at nakita ang isang maaliwalas na mukha.

Pinagmasdan ko ang mukha nito. He has a perfect face. A pointed nose, natural red lips, perfect jawline, thick eyebrows, and a glowy skin. Mas pambabae pa ata yung balat niya sa'kin.

I was about to touch his face when he opened his eyes. Ngumiti siya pagkakita sa'kin at mas lalo pang hinigpitan ang yakap nito.

"Good morning, love." He greeted with his morning voice. Napapikit naman ako sa lalim ng boses nito.

Pilit kong inaagaw ang kamay nito sa bewang ko. "Get off your hands."

Napatingin siya sa'kin na nakakunot ang noo. "Is that a way of you saying good morning?"

I was about to speak when his phone beep. Tumayo siya at tinignan ang cellphone niya. Pinanood ko kung paano nagbago ang expression ng mukha nito habang binabasa ang nagtext sa kaniya.

Taming The BeastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon