Chapter 39

6.1K 141 4
                                    

Chapter 39



NAGISING ako dahil sa ingay na naririnig ko. Nilibot ko ang paningin ko at nakita ang kakaibang structure ng kwarto dahilan para mangunot ang noo ko. Ibang-iba ito sa desinyo na kadalasan kong nakikita sa Pilipinas. Nasaan ako? Parang wala ako sa Pilipinas. Pati 'yung hangin na nalalanghap ko ay hindi katulad ng sa bansa




"Very soon, Richard. Just wait, we will deliver the drugs soon."




Dumako ang tingin ko sa nagsalita. Nakita ko si Patrick na may kausap sa telepono niya. Nakatalikod ito sa'kin kaya hindi nito alam na gising ako. Drugs? May ededeliver silang drugs?




"Yeah. The abandoned building here in Milan. We're about to get the bombs of drugs."




Kukunin na nila ang bomba? Ibig sabihin ay nasa Italy ako ngayon? Sa Milan, Italy ako dinala ni Patrick.



"Arrivederci, Richard. Grazie. (Goodbye, Richard. Thank you.)" Ika ni Patrick bago pinutol ang tawag.



Pinikit ko agad ang mata ko at nagkunwaring tulog. Wala akong naiintindihan sa sinabi ni Patrick bukod sa 'grazie' na ibig sabihin ay thank you. Naramdaman ko ang paglubog ng kama kaya alam kong umupo siya dito.



Hindi ko parin minulat ang mga mata ko hanggang sa maramdaman ko ang kamay nitong humahaplos sa pisngi ko. Nanindig ang balahibo ko sa ginawa niya. Gusto kong alisin ang kamay nito pero ayoko rin namang malaman niyang gising na ako.




"Gail.." Banggit nito sa pangalan ko.




Hindi ako nagsalita at hinayaan lang ito, "B-bakit di mo man lang ako magawang mahalin?"




Nalungkot ako sa sinabi niya. Ramdam ko ang kalungkotan sa boses nito. Hindi ko talaga alam kung bakit hindi ko magawang mahalin si Patrick. Hanggang kaibigan lang ang turing ko dito at wala ng iba.




Gwapo si Patrick. Maraming nagkakagusto sa kan'ya nong College palang kami pero kahit isa ay wala siyang pinansin sa kanila. Kapag may umaamin sa kan'ya ay hindi niya ito pinapansin. Tinatalikuran lang niya ito at diretsang sinasabing hindi siya interesado.




"Tang1na, Gail. Ang tagal kong naghintay... Naghintay ako at.. at n-nagbabakasakaling mahalin mo rin ako." Dagdag na usal niya.




Naramdaman kong may pumatak na luha sa pisngi ko kaya minulat ko ang aking mga mata. Nakita ko si Patrick na umiiyak. Namumula ang mata nito at ang lungkot ng mukha niya.




Nagulat siya sa pagmulat ko at dali-daling pinunas ang luha nito.




"P-patrick.."



"Gising ka na pala. Are you hungry?" Tanong nito sa'kin.




"I'm s-sorry.."



"Hindi sorry mo ang gusto kong marinig sa'yo, Gail. Hindi 'yan ang gusto ko!" Sigaw nito sa'kin.




"P-patrick.."




Tanging pangalan lang nito ang nabanggit ko. Wala akong masagot sa kan'ya. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Nakita ko ang malakas nitong pagbuntong hininga bago tumayo sa kama.


"Wait here. I'll get you some food." Ika niya bago lumabas sa silid.




Pagkalabas niya ay don lang ako tumayo. Tumingin ako sa labas ng bintana at namangha ako sa tanawin dito. Ang ganda ng lugar. Alam kong wala ito sa Pilipinas. Hindi ganito ang mga bahay sa Pilipinas, ibang-iba ito sa nakikita ko ngayon.



Taming The BeastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon