Chapter 29

6.4K 165 2
                                    

Chapter 29




Nagising ako dahil sa sakit ng ulong naramdaman ko. Pilit kong ginagalaw ang kamay at paa ko pero hindi ko nagawa. Parang may pumipigil sa mga itong gumalaw.





Nilibot ko ang paningin ko at nakitang nasa isang silid ako. Nakaupo ako sa isang upoan habang nakaposas ang mga kamay at paa.





Ang ipinagtaka ko lang ay kung bakit hindi nila ako sinasaktan. I mean, hindi naman sa gusto kong saktan nila ako. Pero naalala ko kasi ang sinabi sa'kin ni Kris na akala nila ay alam ko kung saan tinatago ang bomba kaya nila ako hinahanap. Kaya nakapagtataka lang at kinadena lang nila ako at wala man lang akong kahit anong galos sa katawan. 





Isa rin sa iniisip ko ay kung bakit nagawa 'to ni Liam? Ang daming tanong na pumapasok sa isip ko. Wala akong maisip na dahilan para gawin niya 'to. Nagugulohan at sumasakit na ang utak ko kakaisip kung ano ang maaaring sagot sa mga tanong ko.





Napatingin ako sa pintoan nang bumukas 'yun at iniluwa si Liam.





"Gail.." Banggit nito.






"Traydor ka Liam! Paano.. Paano mo 'to nagawa kay Kris?!" Sigaw ko sa pagmumukha nito. "Tinuring ka niyang kakampi at kaibigan pero nagawa mo 'to sa kaniya!" Dagdag ko.





Tumingin ito sa'kin at ang daming emosyon ang nakikita ko sa mga mata nito. "I'm sorry. I have no other choice."






Nagulat ako sa narinig ko mula dito. Anong ibig sabihin niyang wala siyang ibang choice?





Kunot noo akong tumingin sa kan'ya. "B-bakit mo nasabi 'yan, Liam?"






Huminga siya ng malalim at akmang sasagot nang may bigla nalang dumating at pumasok sa silid.







"Gail, long time no see.." Bunga nito.






My lips parted when I realized who is it. Paanong.. Paanong nandito siya? Hindi. Napaka-impossible namang magagawa niya 'to.







"P-patrick.." Banggit ko sa pangalan nito.






Ngumisi naman siya na ikinatayo ng balahibo ko. "Yes, the one and only."




Si Patrick. Patrick Rique. Iyong kaibigan ko dati pa lang. Iyong nagtatanggol sa'kin dati.






Sinenyasan niya si Liam na umalis. Nag-aalalang tumingin pa sa gawi ko si Liam bago tuloyang lumabas ng silid.






"Ikaw? Ikaw ang may gawa nang lahat ng 'to?"





"No, Gail. Si Kristopher ang dahilan kung bakit nangyayari 'to." Tiim-bagang na sagot nito sa'kin. "Kung hindi lang sana siya nangialam sa negosyo ng magulang ko at kung hindi ka niya kinuha sa'kin ay hindi magiging ganito!" Malakas nitong sigaw na ikinatakot ko.






Hindi siya 'yung Patrick na nakilala ko. Ibang-iba yung Patrick na kaharap ko ngayon. Madilim ang mukha niya at parang kaya na nitong pumatay ng tao.






"Walang kasalanan si Kris dito! Ginagawa lang niya kung ano yung tama! Masama ang ginagawa niyo ng mga magulang mo!" Matapang kong sigaw sa kan'ya.






Mas lalong dumilim ang mukha nito sa sinabi ko. "What the fvck, Gail!"






Unti-unti itong lumapit sa'kin na ikinabahala ko. Hinawakan nito ang baba ko at pinatingin sa kan'ya.






Taming The BeastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon