Chapter 27

7K 153 5
                                    

Chapter 27




"What are you wearing?" Kunot noong tanong agad sa'kin ni Kris pagbaba ko ng hagdan.





Hindi ko alam kung saan kami pupunta ngayon. Ang alam ko lang ay lalabas kami. Naka simple t-shirt at shorts lang ako dahil ganito naman ang nakasanayan ko pag lumalakad ako.





"A dress?" Patanong kong sagot sa kan'ya na mas lalong nagpakunot sa kan'yang noo.





"Damn, Beatriz. Change your clothes." Ika niya.





My brows creased. "What's wrong with my dress? There's nothing wrong with this."





"You're showing off your legs. Fuck it."





I rolled my eyes dahil sa sinabi nito. "This is above the knee, Kris. Wag kang OA." Suway ko sa kan'ya.





Sumimangot pa muna ito bago sumagot. "Fine."





Habang nagmamaneho si Kris ay walang nagsasalita sa'min. Napapansin ko lang ang pagnakaw ng tingin nito sa'kin minsan.






"Kris?" Patanong kong banggit sa pangalan niya.





"Hmm?"





"May I borrow your phone?" Tanong ko dito.





Tumingin sa'kin si Kris sa sinabi ko, "For what?"





"Tatawagan ko lang si Aira. Kaibigan ko." Sagot ko dito.



Naisip ko kasi bigla si Aira kaya gusto ko itong kumustahin. Isa pa, alam kong gusto rin akong makausap no'n. Binigay naman sa'kin ni Kris 'yung cellphone niya kaya kinuha ko ito.





"What's the password?" Tanong ko ng hindi ko ito mabuksan.




Tumingin sa'kin si Kris at ngumiti, "your name."





"H-ha?" Paninigurado ko. Baka kasi namali lang ako ng rinig.





"Your name, love. Your name is my password."





Umiwas ako ng tingin sa sinabi ni Kris. Ayoko itong tignan dahil baka namumula ang pisngi ko sa sinabi nito.





Nilagay ko 'yung pangalan ko sa password pero ayaw pa rin itong mabuksan. Inulit ko ulit ng ilang beses pero ayaw talaga bumukas. Kumunot ang noo ko. Binibiro lang ba ako nito?




"Bakit ayaw?" Inis na tanong ko kay Kris.




"Ano bang nilagay mo?" Sagot niya.





"Abegail." Simpleng sagot ko lang. Tumawa si Kris kaya napatingin ako sa kan'ya.





"It's Beatriz, love. Try to put Beatriz." Natatawang sagot ni Kris sa sa'kin.




Sinubukan ko itong gawin at nabuksan nga ito. Nakaramdam ako ng pagkahiya dahil Beatriz pala ang tawag nito sa'kin.




"I am your wallpaper." Ika ko ng napagtantong ako yung nasa wallpaper nito.




Natutulog ako sa picture. Kinunan niya ba ako ng larawan habang natutulog? Napapansin ko rin kasing yung kama sa silid ang background ng picture.


"Yes." Parang wala lang na sagot ni Kris.




Hindi ko nalang ito pinansin at dinial na ang number ni Aira. Wala pang ilang ring ay sinagot din niya agad ito.




Taming The BeastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon