Chapter 4: Hay buhay... "siya" na naman ang iniisip "niya".

24 3 0
                                    

Kinabukasan ay maaga akong nagising then naligo and kung ano pa man then bumaba na ako papunta sa kitchen... pagkakain ko ay umakyat ako sa room ko at nagpaalam na kay Rein. 

Sumakay ulit ako sa car namin para pumasok... duh ayaw ko nga na magcommute... nakakatakot.

Pagdating ko sa school... si Rob palang ang nandoon... Aga pumasok ah...

"Aba... ang aga mo ata ngayong kapre ka" sabi ko.

Bigla niyang itinago yung hawak niya kanina... Nagulat ko ata?

"Ah..." sabi niya at nagkibit balikat.

"Hahaha!!! Ano yan... siguro girlfriend mo yan ano..." sabi ko.

Bigla naman siyang tumingin sa akin... ah weird?...

"Sana nga girlfriend ko na lang siya" 

Hay buhay... "siya" na naman ang iniisip "niya"...

naisip ko na lamang.

Bigla ko namang napansin na nakatingin sa akin si Rob...

"Bakit?" tanong ko... shocks baka madumi ang mukha ko humaharap ako sa kanya.

"Wala naman..." sabi niya tapos ngumiti at tumayo then may kinuha sa bag niya at may inabot sa akin...

"Para saan toh?" tanong ko sa kanya...

"Iyo na yan... diba nakipagagaawan ka pa sa akin dahil diyan... sige na" tapos kinuha ko na lang... Bigay ni crush eh... siya? umalis siguro pupunta sa CR... iniwan niya yung bag niya...

May nakita naman ako na key chain sa may bag niya... color black siyang guitar na may nakalagay na I LOVE EL..

Ah... so si El kaya yung babaeng tinutukoy niya?

Hay... wala talaga akong pagasa sa kanya...

Eh ano naman as long as hindi niya alam ang feelings ko for him hindi ko kailangan na umiwas...

"hay..." ako

"Booh!" sabi ng isang babae sa likuran ko kaya naman bigla akong napatayo at napasigaw..

"AY EL!" naman bakit bigla ko na lang nasabi yun...

"Ha? anong L?" tanong ni Allie

"Ah wala... may nakita lang ako na L" sabi ko...

"OK sabi mo eh" sabi niya at naupo na sa upuan niya... well palagi ko yang katabi kaya umupo siya sa tabi ko to be exact...

Nakabalik na si Rob at kasama na niya si Raprap...

"Allie nakadating na ba si Audey?" tanong ni Raprap kay 

"Nasa may locker room pa..." sagot naman ni Allie

"Ah ganun ba? Pre puntahan ko lang si Audey ko ha?" sabi ni Raprap kay Rob sabay tapik sa balikat nito..

"Sige Pre..." sagot naman ni Rob...

"oh kuya! ikaw ba wala kang balak manligaw? aba'y napagiwanan ka na ng mga katropa mo ah..." tanong ni Allie

tiningnan ako ni Rob... hah?

"tinitingin tingin mo jan?" tanong ko sa kanya

"Ah... wala" sabi niya at nagpunta na sa upuan niya malapit sa bintana.

"tss... torpe talaga" sabi naman ni Allie.

"ha?!" tanong ko sa kanya na may halong pagtataka.

"Ah wala... bessy bakit nga pala nasa inyo ulit si Neliza?" tanong niya. Nasabi ko kasi sa kanya na nasa bahay si Rein kasi diba siya nga best friend ko.

"Ah ayun niloko daw siya nung bagong BF niya na ex na daw niya ngaun... ipinaltok na naman niya yung phone niya dun sa wall ng kwarto ko. Gaya lang din ng nangyari last time na nagpunta yun sa bahay" sabi ko sa kaya.

"Ahh... so hanggang ngayon nasa bahay niyo pa rin siya?" tanong ni Allie

"Oo... gusto mo punta ka sa bahay this Friday? Over night tayong mga girls sa bahay para maipakilala ko sa inyo si Rein" sabi ko na lamang

"Sige sabihin na din natin sa girls." sabi naman niya.

"OK" sabi ko habang nakangiti...

===============

pahingi po ng comment!

Si Ms. SUDOKU at si Mr. DOTA: Temporarily ON HOLDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon