Chapter 2: Si cousin kong Broken Hearted

49 2 0
                                    

Chapter 2: Si cousin kong Broken Hearted

Nakarating na kami ni manong sa bahay ng mga 3:30 pa lang ng hapon...

Pagdating ko sa loob ng bahay ay nakiusap ako kay manang Lucy na ibili ako ng tatlong book na sudoku sa may palengke since mamamalengke na rin naman siya so ayun tapos umakyat na ako sa kwarto ko at nadatnan ko na naman ang aking pinsan na si Neliza Lorrein Kang (Rein [note: ung pagkakabasa po dyan ay Rain as in ulan]) sa kwarto ko... mas matanda ako dyan ng isang taon lang naman at kakalipat lang niyang bruhang last year sa school na dati kong pinapasukan dahil ayaw daw niya makita yung ex-boyfriend niya. 

[note: si Rein ay mas kilala bilang Neli na isang character sa story ko na Royal Alliance] 

Malandi yan eh... naunahan pa akong magka BF... harhar... meron naman akong manliligaw kaya lang isang tao lang naman ang iniintay ko yun nga lang mukhang may iba na siyang gusto eh... so sorry na lang sa beauty ko dahil hindi niya ito napansin.

Pero... seriously anong ginagawa niya dito?

"HUY!" 

"Waaaaaaaaaahhh!!! TT_TT..." nye biglang umiyak? tungeks din tong babaeng ito...

"Anung ginagawa mo dito sa kwarto ko? at bakit ka naiyak dyan ha?" tanong ko sa kanya na hanggang ngayon ay naiyak pa rin.

"Eh... kasi *sobs* yung *sobs* binabasa ko na book eh nipaiyak ako..." sagot niya...

"Eh bakit ka nandito? Tsaka hindi nipaiyak, pinaiyak dapat..."

"EEEHH hayaan mo na hindi pa ako sanay magtagalog ng tuwid eh..." sagot niya...

"Hindi mo pa din sinasagot ang tanong ko... anung ginagawa mo dito?" tanong ko ulit

"Ehhh... ayaw ko munang umuwi sa amin kasi sigurado akong naandon na naman ang walang hiyang kong boyfriend... pede bang dito muna ako magtago?" sagot niya

"Eh bakit mo naman siya pagtataguan?" tanong ko ulit

"Kasi nahuli ko po siyang nambababae... tsaka kahalikan pa niya yung girl nung nakita ko sila... TT_TT" sagot niya

"So hindi totoong yung book ang nagpaiyak sayo kung hindi yung boyfriend mo ganun?" pagkaklaro ko sa kanya...

"Parang ganun na nga ate Emie" pagtatapat niya...

"Hay nako sige na nga tutal naman ikaw ang pinaka behave sa lahat ng pinsan ko then you can stay here at pinapayagan din kitang likutin ang book collections ko kasi alam ko namang mahilig kang magbasa... hala sige na magpalit ka na ng damit mo at mamaya na lamang ako." utos ko sa kanya na agad naman niyang sinunod

"Emie Unni... Gamsahamnida! Saranghamnida Unni!" at nagkorte pa siya ng heart sa kamay niya... ang cute talaga ng pinsan kong yan... at oo may lahi akong koreana hindi lang halata... actually si Rob din ay may lahing Korean kaya nga kung mapapansin ninyo lagi siyang naka "AISH" kapag naiinis.

Ano ang ginawa ko habang iniintay na matapos maligo ang makupad na si Rein? Syempre ang aking peyborit na SUDOKU!!! Hayan nga at matatapos ko na ang pangalawang libro ng sudoku ko ngayong araw eh... yung kanina kasi kahapon ko pa sinasagutan nung mga malapit na akong matulog kaya natapos ko na siya kanina mga after ng mga 15 minutes pagkapasok ni Rein sa Bathroom ng kwarto ko.

Mga siguro nakaka 1 and 1/2 hour na siya dun... pero hinayaan ko na lang kasi alam ko na naiyak yan sa loob... ganyan din kasi yung nangyari nung niloko siya ng kulugong ex niya eh... nakakainis ang mga playboys buti na lang at hindi playboy si kapre yun nga lang may mahal ng iba...

Maya maya pa ay lumabas na si Rein na halatang halata naman na nagiiyak lang doon sa loob... So ang ginawa ko nilapitan ko siya at kinomfort ko muna... ako na ang nagpatuyo sa buhok niya... meron na naman kasi siyang kabinet dito sa kwarto ko na puro damit at gamit lang niya ang nakalagay...

Nakayakap lang siya sa akin ng makaupo kami sa may higaan ko at alam ko na naiyak na naman yan... yan nga pala si makupad, malandi, maarte, iyakin, mabait at Man-Hater na si Pinsan kong Rein... So hinayaan ko na lang siya... 

May narinig akong tumunog... CP ata nitong iyakin na ito kaya naman kinuha ko yung CP niya at nang masagot ko na yung tawag...

"Hello?" tanong ko sa tumatawag

"Neli?" boses ng isang lalaki

"Sino toh?" tanong ko ulit

"Ah... anjan ba si Neli?" tanong niya ulit... ok kuya magtanungan na lang tayo

"Sino ka po ba?" tanong ko ulit...

"Ah... ako to si E-" hinablot sa akin ni Neli ang CP niya akala ko nakatulog na siya tapos tinagtag niya yung battery at sim card sabay hagis sa may pader... Toinks ayan na naman siya padalawa na yan sa hinagis niyang phone niya dito sa loob ng kwarto ko...

Yumakap lang ulit siya sa akin at nagpababy na naman... oo nga pala magsisix na nga pala ngayon at malang sa malamang ay nakarating na si manang Lucy.

Pinabayaan ko lang na umiiyak si Rein dahil hindi yan yung tipong kapag tinakot mo ay tatahan lalo pa nga niyang ilalakas ang iyak niya.

Makalipas ang 15 minuutes na ganun ang pwesto namin pero napansin ko na biglang tumahimik kaya naman tiningnan ko siya...

...tinulugan lang naman ako...

...

itutuloy...

Si Ms. SUDOKU at si Mr. DOTA: Temporarily ON HOLDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon