Chapter 3: Ang Buhay Kasama si Pinsang Rein [part2]

34 2 0
                                    

Noong dadamputin ko na ang sudoku ay may nakasabay ako...

nang pagtingin ko ay si dakilang kapre pala...

Oo tama kayo ng naiisip.

Si Rob nga ang nakasabay ko na kumuha ng sudoku... grabe ano naman kaya balak niyang gawin sa sudoku.

"Nauna ako dito" sabi niya

"Anong ikaw? ako kaya!" sigaw ko naman sa kanya.

Nakipag-agawan ako sa kanya pero sumuko din ako pagkaraan dahil narinig kong tinatawag na ako ni Rein at dahil din doon napilitan akong kumuha na lamang ng ibang sudoku.

Pero wag ka limang sudoku agad ang kinuha ko.

Noong nabayaran ko na ay dumiretso na kami ni Rein sa may KFC at umorder ng pagkain at grabe lang ang daming order ni Rein yung tipong hindi pinakain ng isang taon.

Nang matapos na naming makain ang inorder namin which is inabot ng isa't kalahating oras, sa dami ba naman ng binili nitong iyakin na to, ay lumabas na kami at nagpunta na naman sa sinehan.

Pinili niya yung Tween Academy nina Joshua, Barbie, Jhake, at Bea.

(Note: pasensiya na po kasi wala na akong ibang maisip na movie na romance kasi yung last ko na napanood sa sine ay yung Bourne Legacy tapos last na napanood kong na nakakakilig ay iyang tween academy).

Well maganda naman siya, nakakakilig na nakakatawa. Matapos ang panonood ng sine ay nagshoping muna tong si iyakin kaya naman nakigaya na din ako.

Ang dami na naming nabiling damit at kung ano anong snack. I have a feeling na magkaka movie marathon na naman mamaya, puro anime nga lang.

Umuwi kami ng pagod na pagod, buti na lamang ay kasama namin si manong Felix kaya naman siya na ang nagdala ng aming mga gamit.

Tumama din nga pala ang hinala ko dahil nagseset up na ng player si Rein sa may sala at eto ako hinahanda ang snack naming dalawa.

Pagpasok ko sa may sala ay nandon na siya at namimili ng papanoodin.

Lumapit ako sa kanya para naman makita ko kung ano ang pinamimilian niya.

Nahagip ng mata ko ang Gun Parade Orchestra which is matagal ko nang gusto panoorin kasi ang pagkakaalam ko eh parang Gun Parade March daw siya kaya lang more on fighting yung Gun Parade March tapos yung Gun Parade Orchestra naman ay more on kilig factors with fighting scenes parin.

"Rein! Eto na lang maganda daw to eh!" sabi ko sa kanya na tuwang tuwa pa at may malapad na ngiti. Parang ganito o ^____________^

"OK, pero next time yung Yamato Nadeshiko naman po ah..." pagpayag niya na may kondisyon pa na kasunod...

Nginitian ko na lamang siya.

Habang nanonood kami ay medyo kinikilig na ako dahil kay Kou at kay Sara na nasa first part tapos ngayon medyo nahihint ko kung sino ang partner, si Miki at si Gen.

Natapos ang Gun Parade Orchestra ng ako ay nakangiti kasi kinilig ako sa last part. Well inumaga na kami sa panonood kasi malapit na mag 1 am kaya naman nang malinis na namin ang kalat namin ay natulog na kami.

Si Ms. SUDOKU at si Mr. DOTA: Temporarily ON HOLDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon