Chapter 1

110 2 0
                                    

CHAPTER 1: Ang aking Barkada

Ako nga pala si Emelianna Louise Vergara, isang first year college student at madalas nila akong tawaging Emie o kaya naman ay Louise. Hobby ko? Magsagot ng Sudoku... well since elementary pa lamang hobby ko na yan...ultimo sudoku na nasa dyaryo ni papa kinukuha ko para lamang sagutan... Isa sa pinaka favorite ko na type ng sudoku ay ang Squiggle sudoku o mas kilala as Jigsaw Sudoku... O siya napapadami na ang kwento tungkol sa aking hobby...

I'm already 17 years of age and I'm taking up Electronics and Comunication Engineering sa East  Brigde University at ngayong araw ang last day ng aming prelims... pero kahit prelims na ay hindi ko pa din nagawang iwanan ang aking sudoku sa bahay kaya heto ako ngayon sa halip na magreview sa mathematics eh nagsasagot ako ng sudoku. Bakit hindi eh ako naman ay nakakapasa sa mathematics kahit papaano wag lang akong palokoloko sa ibang subjects ko kasi talagang lagot ako kay Mommy.

Kakatapos lang ng exam ko sa English kaya naman free na free ako sa pagsasagot ng Sudoku dahil pagkatapos ng math subject ay wala na akong ibang exam tapos kinabukasan ay wala ng pasok kasi friday na ngayon. Pangatlong exam ko ang math actually. So balik tayo... 9x9 lang naman ang sudoku na sinasagutan ko ngayon eh kaya medyo madali pa kung ikukumpara sa jigsaw sudoku. 

Habang nasa kalagitnaan ako ng pagsasagot ko ng sudoku ay bigla na lamang itong inagaw ng kabarkada kong si Robby Rowan Castronuevo o mas kilala sa tawag na Rob. Kaya naman tiningnan ko siya ng masama... as in yung tipong pede ko siyang mapatay anytime. 

"Rob... ibalik mo sa akin yan." utos ko sa kanya ng mahinahon habang inaabot ang sudoku ko

"Ayoko nga ano bang meron dito at gustong gusto mo to eh mas maganda pa nga ang dota dito eh..." sagot naman niya habang nilalayo sa akin ang sudoku ko at ang nakakainis pa diyan ay matangkad siya... advantage sa kanya yun

"Aba'y wala ka nang pakialam doon! akin na kasi yan... hindi ko pa natatapos yung sinasagutan ko jan eh. Tsaka ano ba naman ang pakialam ko sa Dota na yan eh hindi naman ako marunong maglaro noon?" sabi ko sa kanya

"Edi i-try mong laruin para naman matuto ka at sigurado akong magugustuhan mo yun" sagot niya

"Ah basta ayaw ko mas gusto ko yan kaya wag ka ng umepal dahil sasapakin na talaga kita..." saad ko

"Bleeeeeeh... kunin mo kung kaya mo" sagot ng pang asar na si Rob

"Isa!" sigaw ko kaya lang hindi pa din niya ibinibigay "dalawa!" sabi ko sa sarili ko hahabulin ko na siya sa pangatlo kong bilang "tatlo!" at ayan na nga naghahabulan na kami hanggang sa dumating si Allianna Cortez or so called sa Allie na newly declared best friend ko in college at ayan na hinablot na niya mula sa pangasar na kapreng toh ang sudoku ko.

Bwahahaha buti na lang may kakampi ako dito...

"Aish! Allianna naman eh!" Sigaw ni Kapre

"Bakit kuya may angal ka? sumbong kita kay tita eh"  sagot naman ni Allie

Ay oo nga pala hindi ko pa nababangit na magpinsan ang dalawang iyan at grabe parehas pa sila ng course... ang Civil Engineering... edi sila na... siya nga pala nakaka OP ang aking course dahil halos lahat ng mga nag ECE dito ay lalaki! Wew ako ang only Rose among the Torns... WITWEW!

"Panira ka talaga! Naku napakasarap mong kutusan! Pramis!!!" sigaw ng mukhang aburidong aburido na si Rob

Nagsidatingan na ang mga kabarkada ko galing sa kanikanilang trip at ayan na...

"Oh Rob... anung nangyari sa iyo at mukha ka na namang binagyo?" Tanong ni Jeoff Aldrich Michael Manansala (Jeff na lang para hindi nakakahingal banggitin)

Si Ms. SUDOKU at si Mr. DOTA: Temporarily ON HOLDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon