Chapter 3
"Patrick!" I shout Patrick's name at the top of my lungs as I ran as I could to reach him. "Patrick, wait!" I shouted again.
We are here at the park near our house. May parke kasi din dito sa loob ng subdivision namin. Kaya ay niyaya ko rito si Patrick at para narin makapaggala kaming dalawa. At ngayon ay kasalukuyan ko siyang hinahabol at hirap na hirap na ako sa paghabol sa kaniya dahil ang bilis-bilis niyang tumakbo.
Hiningal na huminto ako sa paghabol sa kaniya at napahawak pa sa tuhod ko para maghabol ng hininga. Tumingin naman ako sa direction niya at nakitang huminto siya, pero hindi sa kadahilanang huminto ako sa paghabol sa kaniya kundi dahil may batang nadapa at tinutulungan niya.
Napanguso ako at kahit hinihingal pa at pagod ay tumakbo ako palapit sa kaniya at nang makalapit ay malakas ko siyang tinulak dahilan para bumagsak siya kasama 'yong batang babaeng tinutulungan niya.
'Buti nga sa kanila.'
"Louisse!" pagalit na tawag ni Patrick sa first name ko.
He didn't call me L.A that's only mean he is mad. Gano'n siya kapag may mga bagay akong ginawa na hindi niya nagustuhan papagalitan na niya ako at hindi tatawagin sa nickname na siyang nagbigay.
At sa ilang araw ding kasama ko siya ay pakiramdam ko kilalang-kilala ko na siya. Pero sa halip na matakot dahil sa galit na boses niya ay sinamaan ko lang siya ng tingin pati narin iyong babae.
"Ano?!" galit na sabi ko rin sa kaniya.
Nakita kong bahagya siyang nagulat dahil sa tono ng boses ko, hindi ine-expect iyon. Kapagkuwa'y umiling-iling si Patrick at tinulungan ang sariling makatayo at sunod na tinulungan iyong babae. And then, Patrick turn to face me with his serious face.
I swallow.
"Aren't you going to say sorry?" halata sa boses ang pagka-inis at pagtitimpi niya.
Humalukipkip naman ako sa harap nila at tinaasan sila ng kilay. "Bakit ako magso-sorry? Wala naman akong ginawang masama ah." giit ko pa. Hindi alintana ang masamang tingin na ginagawad sa akin ni Patrick.
Kung galit siya pwes galit din ako. Ano siya? Siya lang may karapatan magalit. At saka bakit ako magso-sorry eh wala namang ka-sorry-sorry sa ginawa ko.
Nakakainis!
"Isusumbong kita kila Tita kapag hindi ka pa nag-sorry." pananakot niya.
As if namang matatakot ako. Mommy and daddy loves me that they will not get mad at me. I know that.
"Isa," Patrick starts counting. "dalawa..." he continued counting , I just glared at him. "Kapag hindi ka pa nag-sorry, I swear, hinding-hindi na kita papansin."
Napanguso ako, ang gilid ng mga mata ay nag-uumpisa nang magtubig dahil sa sinabi. Natatakot na baka seryosohin niya ang banta niya kaya dali-dali akong umayos ng tayo sa harapan nila.
Pagdating talaga kay Patrick at sa mga banta niya, nanghihina ako at natatakot.
"S-sorry... I-I didn't mean to push you. I-im s-sorry." I stuttered.
Never pa akong nag-stutter ng ganito sa harap lang niya at sa batang babaeng nasa gilid niya bahagyang nakayuko ang ulo. Hindi ko alam kung para saan ang pag-i-stutter ko marahil ay sa sobrang kaba at takot kay Patrick na baka nga talaga totoohanin niya iyon. He's my only boy best friend and I can't afford losing him, lalo pa ngayon na sobrang malapit na ako sa kaniya.
Nag-angat ng tingin sa akin 'yong batang babae, nakangiti na ngayon. "Ayos lang 'yon." Sabi niya pagkatapos ay kay Patrick naman humarap. "Ahm... Thank you nga pala sa pag-help mo sa akin." She thanks Patrick pero halata ko rin sa mukha niya na nagpapa-cute siya sa harap ni Patrick na ikinainis ko na mas lalo.
Patrick patted her shoulder and smiled. "Don't mention it. Basta next time mag-ingat ka nalang para hindi kana madapa ulit kagaya nang sa kanina."
Mas lalo lang akong nakaramdam ng inis sa dibdib ko sa narinig na sinabi niya. Nakakainis talaga itong si Patrick. Bakit gano'n sa akin hindi niya iyon sinasabi at never niya pa akong tinulungan kahit ilang beses na akong nadapa kakahabol lang sa kaniya. That's unfair! Very unfair.
"I hate you!" wala sa sariling bulyaw ko sa kaniya at patakbong umalis sa kinaroroonan nila. I want to get away from them it just makes me a bad girl.
Hindi ko namalayang umiiyak na pala ako kung hindi ko lang naramdaman ang mainit na likidong tumutulo sa pisnge ko galing sa mata ko. Hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito. Hindi ko alam kung bakit pagdating kay Patrick nagiging mahina ako. Ang daya naman eh! Ano bang meron kay Patrick?
Hanggang sa makauwi ako sa bahay namin. Hindi ako pumasok sa loob ng bahay namin at gawin ang kinagawian ko sa tuwing mabigat ang loob ko ang magkulong sa loob ng kwarto ko sa halip ay pumasok ako sa loob ng playhouse ko at doon hinayan ang sariling umiyak ng umiyak.
I hugged my knees as I buried my face between it. And just let myself cry. Nakakatampo si Patrick. Sobra. I expected him to follow me but he didn't. Siguro sa mga oras na ito ay magkasama parin si Patrick at no'ng batang babaeng na halata namang may crush kay Patrick eh at naglalaro na sila sa mga sandaling ito. Tapos.... tapos a-ayaw na talaga sa akin ni Patrick kasi may bago na siyang nakilala.
Mas lalo lang akong umiyak dahil sa naisip na iyon. 'Sana hindi....' piping dalangin ko. Pero alam ko rin namang hindi malabo iyon dahil simula palang naman talaga aware na akong hindi ako gusto ni Patrick eh, na napipilitan lang siyang pakisamahan ako. Na—
Naputol ang kung anumang iniisip ko nang maramdaman kong may humaplos sa buhok ko. Kaya wala sa sariling nag-angat ako ng tingin at sa nanlalabo kong mga mata dahil sa pag-iyak laking pasalamat ko parin dahil naaanig ko parin ang mukha niya at laking gulat ko nang makilala si Patrick.
"Stop crying, L.A. I'm sorry if I became rude to you. Just please stop crying." pag-aalo niya sa akin pero mas lalo lang akong umiyak.
Iniyuko ko nalang ulit ang mukha ko sa tuhod ko para itago ang mukha ko sa kaniya. Naramdaman ko namang umusog siya palapit sa akin at niyakap ako habang patuloy parin siya sa pag-alo sa akin.
"L.A, I'm sorry..." he whispered while keeps on hushing me, caressing my back.
"I-I hate you..." naisakatinig ko sa mababang boses sapat lang para marinig niya.
"Please....tell me you didn't mean that." he begged. I didn't answer him. "L.A, I'm sorry. Please tell what I need to do just... just for you not to hate me. Tell me...."
Lakas loob akong nag-angat muli nang tingin sa kaniya at nakitang mataman siyang nakatitig sa akin, mangiyak-ngiyak narin ang kaniyang mga mata. I don't want to see him like this like he is like in pain and that's because of me. I hate that! And now, I hate myself. Parang sa mga sandaling ito ay ako dapat ang mag-sorry sa kaniya. Seeing him like this, makes me in pain too.
"L.A...."
"Patrick, I'm sorry..." I whispered as I reach for his face and cares it. "Promise hindi na ako magiging stubborn just.... don't leave me or abandon me as your friend." I almost beg on him, really scared losing him.
He softly hold my hand that was caressing his cheeks. "I will never do that to you, L.A. I will never leave you, I promise." itinaas niya pa ang kanang kamay na parang nangangako talaga sa akin na hindi-hindi niya talaga iyon gagawin at hindi kayang gawin sa akin.
Sana nga talaga.....
BINABASA MO ANG
Love String (Love Series #1)
General Fiction#Love #String this story is written in TagLish ____________________________________ "You're beautiful and strong, because you'd have faced defeat. You had have faced disappointment. Emptiness. Loss. Brokenness. Stress. And more. And still, here you...