Chapter 13

6 0 0
                                    

Chapter 13

Ten years....

Ten years had past pero sariwa parin ang sugat at sakit na iniwan ni mommy gawa nang paglisan niya. Hanggang ngayon dala-dala ko paring 'yong sakit at pighati  na idinulot niyon sa buhay ko sa buhay naming tatlo nila Kuya Drake at Kuya Kael. Dahilan kung bakit mas lalo silang napuno ng galit sa puso nila.

When mommy died, daddy didn't show up to us. Kahit sa wake ni mommy ay hindi nagpakita si daddy, kinalimutan na niya na kami. Kinalimutan na niyang may mga anak siya na kailangan namin siya. Pero wala eh. Dad already abandoned us.

Nawalan na kami ng mommy, nawalan din kami ng daddy.

That's exactly probably the life is, when happiness comes sadness follows to revoke my joy.

Sa loob ng sampung taon si Kuya Drake ang tumayong ama at ina sa aming dalawa ni Kuya Kael. He already suffered too much. At naaawa na kami kay Kuya Drake. Hindi ko na alam kung papaanong napagsabay ni Kuya Drake ang pag-aaral niya sa kolehiyo noon habang inaalagaan niya ako— kami ni Kuya Kael.

He never leave us. He did his best to support and take good care of us. Kuya Drake loves us so much. Inuna niya kami bago ang sarili niya. Na kahit wala na kaming mga magulang ay nagpatuloy parin siya.

Sa bawat taong lumipas, walang gabing hindi ako umiiyak at nagdarasal, na sana hindi nalang nawala si mommy, na sana kasama namin silang dalawa ni daddy at higit sa lahat kompleto kaming magpapamilya walang nagsasakripisyo at nahihirapan sa sitwasyon naming ito.

Pero wala eh, May be this is the life that is set for us to leave with.

Hindi ko rin pinapalagpas ang magdamag na hindi humihiling na sana ay umuwi na sila Patrick dito, sa akin. Dahil bukod sa miss na miss ko na siya ay madami akong gustong sabihin sa kaniya. Mga rants ko sa buhay. Pero mukhang pati iyon ay malabo narin,

Ten years have passed but he was not going home to fulfill his promise to me before. Pati si Tita Carina, asang-asa ako noon, bukod sa pagmumukmok sa loob ng kwarto ko ay palagi rin akong nakaabang sa labas ng bahay namin. Umaasang makita ko sila kahit manlang tuwing summer katulad ng ipinangako ni Tita Carina sa akin. Pero hindi eh, hindi sila umuwi.

Wala sa sariling napahawak ako sa hinliliit ko kung saan itinali ni Patrick ang invisible string which is I called as Love String.

"Napakasinungaling ko talaga, Patrick!" I scoffed as I shooked my head in disappointment.

"Ann," Agad akong napalingon sa direction kung nasaan ang tumawag sa akin, then I saw Kuya Kael walking to me with a smile plastered on his lips. His wearing his navy-blue polo shirt partnered by a black jeans and paired by a black sneakers. "Hey. Wala ka bang pasok, Ann?"

I gave him a small smile and shooked mg head. "Half day lang po kami ngayon kuya, Friday eh." Sagot ko sa kaniya. "Uh, aalis ka, Kuya?" I asked, wandering.

He nod his head lightly. "Yeah. Need to find a job. Para narin matulungan si Kuya Drake." Aniya at parehong bumaba ang tingin namin sa hawak niyang white folder.

Sighing, hindi naman lingid sa kaalaman namin pareho ni Kuya Kael na paubos nadin ang pera namin. Walang iniwan sa amin si daddy mabuti nalang may pera si mommy and before she died she transferred her all money to Kuya Drake's bank account. Para sa amin iyon, pero paubos nadin iyon eh. Dahil 'yong perang iyon ay ginamit din ni Kuya Drake sa pagpapalibing kay mommy.

Gastos lahat ni Kuya Drake, mabuti nalang may mga kapamilya si mommy na nagpaabot ng tulong sa amin. Mabuti nadin siguro iyon kahit na nagmukha na kaming kaawa-awa sa mga mata nila, pero at least heto parin kami pinipilit na bumangon sa pagkakadapa. 'Yon naman dapat ang tamang gawin, hindi ba? We need to be strong and hold to each other to survive.

Love String (Love Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon