"Okay pose Misha ganyan nga....
"Grabe ang ganda talaga ni Misha kaya di na ako magtataka kung halos lahat ng lalaki sa campus may crush sa kanya." sabe ni Kate ang kaibigan ni Misha.
Nanonood sila ngayon ng photo shoot ni Misha "Ganda." sambit ni Clark...
"Wag kana umasang pansinin ka nyan wala pa yan balak mag boyfriend." pagtataray ni Kate.
"Willing naman ako mag hintay ang ganda talaga ni Misha." anya ni Clark.
Nang matapos ang shoot ni Misha nilapitan agad nya ang mga kaibigan nyang si Clark at Kate. "Ang galing mo mag pose besh tinalo mo si Ariba Ariba." ngiting sabe ni Kate.
"Sinong Ariba Ariba?" tanong ni Misha.
"Naku Misha wag muna pansinin sinasabe ni Kate kain na lang tayo treat ko." pagpapacute ni Clark.
"Pasensya na may klase pa kasi ako kayo na lang ni Kate ang kumain pasensya na Clark maybe next time bye." pagpapaalam ni Misha.
"Busted. Ano san mo ko libre." natatawang tanong ni Kate.
"Kumain ka mag isa mo." inis na iniwan ni Clark si Kate.
Nagmamadali naman si Misha na makarating sa room dahil late na sya sa unang subject nya. "Hay sana di ako pagalitan ni Ms. Loraine."
Pag dating nya sa klase halos tignan sya ng masama ng mga classmate nya. "Tignan nyo mam late nanaman si Misha pagalitan nyo yan Mam." sabe ni Danzelle Mae.
"Sorry po Mam kung lage nalang akong nalalate nag photo shoot pa po kasi ako." hinging paumanhin ni Misha.
"Sorry lang? hindi valid yun di ba girls." sabat naman ni Gigi.
"Hindi naman para sa sarili ni Misha ang ginagawa nya para sa school natin palibhasa kasi kayo wala na nga kayong ganda wala pa kayong utak." singit ni Cye ang lageng tagapagtanggol ni Misha.
"Sige na Misha maupo kana." utos ni Ms. Loraine.
"Thank you." bulong ni Misha sabay ngiti kay Cye.
Nang matapos ang klase nya masayang ikinuwento ni Cye ang panliligaw sa kanya ni David. "Grabe Misha alam mo bang 3 years na syang nanliligaw pero hanggang ngayon di parin sya napapagod pinakikilig nya ako lage palagay mo sagutin ko na sya." tanong ni Cye.
"3 years na syang nanliligaw tapos di mo parin sya sinasagot anong trip mo hehehe. Alam mo di naman need patagalin kung mahal mo sya edi sagutin muna lalo na kung dun din naman ang punta nyo." seryosong sabe ni Misha.
"Pero natatakot ako magmahal alam mo naman NBSB ako kapag sinagot ko si David edi magkakaroon na ako ng boyfriend tska paano kung saktan nya ako ayoko masaktan Misha."
"Lahat ng nagmamahal nasasaktan wala naman perpektong relasyon nasa inyo nalang yun kung paano nyo ihahandle tsaka sa nakikita ko naman di ka sasaktan nung David dahil sa tagal nyang naghintay sayo bihira lang ang ganung lalaki na kayang mag hintay ng 3 years." ngiting sabe ni Misha.
"Sabagay tama ka teka nga maiba tayo ikaw rin pala NBSB pero bakit ang galing mo mag payo about sa love may nagpapatibok naba ng puso mo?" tanong ni Cye.
"Wala ano kaba. Wala pa sa isip ko ang makipag boyfriend lalo na ang dami ko pang pangarap na kailangan kong tuparin at kapag nangyare yun dun palang siguro ako pwedeng mag boyfriend." paliwanag ni Misha.
"Misha...
"Misha pa autograph....
Halos magka gulo ng makita ng mga kalalakihan si Misha. "Grabe talaga mga fans mo kahit bakla pinipilahan ka." sabe ni Cye sabay tawa.
Hindi naman snob si Misha pag dating sa fans kaya naman kahit na pagod na sya kaka picture at kakapirma pinag bigyan nya parin ang mga ito.
"Ate Misha ako din." biglang sulpot ng bata.
"Tae pati bata bet sya ibang klase talaga ang ganda ni Misha." bulong ni Cye.
"Anong meron dun bakit nagkakagulo." tanong ni Kogure.
Hindi naman umimik si Akagi at tumingin lang sa gawi nila Misha. "May artista ba? Bakit ang daming lalaking nagkakagulo." pagtataka ni Kogure.
Lumapit ang dalawa at nakita nga nila ang mga lalaking naka pila. "Anong meron dito?" tanong ni Akagi sa isang lalaki.
"Magpapa autograph kami kay Misha. Kung gusto nyo rin magpa autograph pumila kayo sikat na sikat sya dito dahil di lang sya maganda matalino pa tsaka modelo sya." kwento ng lalaki.
"Modelo? Talaga?" tanong ni Kogure.
"Akala ko naman kung anong meron dito babae lang pala." sabe ni Akagi saka naglakad palayo.
"Hindi kaba nagagandahan sa kanya?" tanong ni Kogure.
"Hindi ko naman nakita ang mukha nya tsaka wala akong pakialam sa mga babae ano naman kung modelo sya kaya ako nandito para mag aral yun lang at kung papalarin na makasali sa team gusto ko ulit mag laro ng basketball." seryosong sagot ni Akagi.
"Akala ko ba di kana mag lalaro ng basketball?" nagtatakang tanong ni Kogure.
"Gusto ko mag laro ulit ng basketball kahit na college na tayo namimiss ko mag laro ikaw ba?" tanong ni Akagi.
"Kung sasali ka sasali rin ako." ngiting sagot ni Kogure.
Masayang nagkwentuhan ang dalawa habang papunta sa gym kung saan kakausapin nila si coach Mehiko.
BINABASA MO ANG
𝐘𝐎𝐔 𝐀𝐑𝐄 𝐌𝐘 𝐇𝐄𝐀𝐑𝐓
FanfictionMaraming humahanga sa taglay na ganda ni Misha pero kahit gaano sya kaganda hindi naman mapansin yun ni Akagi. Marunong nga bang magmahal ang isang Takenori Akagi? This is just a Fanfiction I don't own any characters from SLAMDUNK. Credit to Mr. Ta...